02

1487 Words
MIKA’S POV “Hoy!“ Tinapik ni Steff ang aking balikat at agad siyang humarap sa ‘kin. ’Di ko namalayang kanina pa pala ‘kong nakatulala dito sa harapan ng Arko. “Oh, bakit?” tanong ko sa kanya. “Ano?! Teh, ang hina ng boses mo!“ sigaw niya sa ‘kin. Hindi na namin marinig ang isa’t-isa dahil sa lakas ng tunog ng drums at hiyawan ng mga estudyante. Meron kasing tradition ang UST para sa mga freshmen o first year students, tinatawag nila itong “Welcome Walk.” Ang tradisyong ito ay taon-taong isinasagawa para salubungin at ipakilala ang UST sa mga bago nitong mga mag-aaral. Dadaan papasok ang mga freshmen tulad ko sa loob ng Arch of the Centuries - ang pinaka sikat na landmark dito sa UST. “Sabi ko bakit mo ’ko kamo tinapik!” sigaw ko pabalik kay Steff. “Kanina ka pa kasing naka space out d’yan! Baka matunaw na yang Arko kakatitig mo.” sigaw niya habang tumatawa. Natawa na lang din ako. Dream school ko kasi ‘tong UST. High school pa lang pinipilit ko na sina mama na dito ‘ko magaral kahit na alam kong mamomroblema kami sa tuition dahil sa ‘di naman kami mayaman, may kaya lang. Humarap akong muli sa Arko at itinuro ito. “Hindi ka ba na aamaze? Ang ganda kaya tingnan, ang vintage ng vibes ganon. Parang andami nitong dala-dalang mga alaala.” “Syempre na aamaze! Pero mas mamamangha ako kung may makikita akong pogi!” sagot niya pabalik habang lumilibot ang mga mapanuring mata sa iba’t-ibang faculty. Eto talagang kaibigan ko kahit kelan napakalandi. Mas inuna pang maghanap ng lalaki kesa sulitin ang once in a lifetime experience na ‘to. “Teh! May pogi dun sa department of Engineering.” Bulong niya saken. Hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko o maiinis, hindi ba niya nakikitang seryoso ako dito,charot! “Saan?” tanong ko agad kay Steff habang hinahanap ang lalaking sinasabi niya. “Yon oh! Doon sa may tapat malapit sa may bench.” sabi nito habang tinuturo ang lalaking nakaupo. Nakita ko na. Nakasuot lamang ito ng plain white polo and black pants,sobrang simple lang pero anlakas ng dating. Pogi nga siya, pero di ko siya type. Ay wow parang ako pa may karapatang mamili, e di hamak naman na he’s literally out of my league. “Pogi siya, hmm, pero di ko type.” “Ay ganda ka teh?” pabirong sabi ni Steff habang nanlilisig ang mata sa ‘kin “If I’m not mistaken Lance ata name niya. Balita ko isa siya sa tatlong inaabangang freshman ngayon sa UST.” paliwanag niya habang nakapako pa din ang tingin niya kay Lance. “And I heard na he’s also a top student sa school niya before. Enebe ang perfect niya! Bagay kami.” dagdag pa niya. Di naman hatalang simp na simp ‘tong kaibigan ko sa guy na ‘yon. Totoo namang good-looking siya and mukhang matalino lalo pa’t nakasuot ito ng specs. “Bestie, sa tingin mo ba may pag-asa ako?”biglang tanong ni Steff saken habang nakasimangot. Patuloy niya ‘kong kinukulit trying to get that yes from me. She’s even pouting. Cute naman ng kaibigan ko na ’to! “Syempre naman bestie! I mean maganda ka, talented, dagdag mo pa yang attitude mo and you’re a top student yourself. Be confident!” sagot ko ng may malaking ngiti sa aking labi. “Talaga ba?” she said while pouting, I can see her eyes sparkling dahil sa mga salitang binitawan ko. “Ay, hindi. Syempre bestie ’di kayo bagay.” pabiro kong sagot sa tanong niya. Hindi na siya umimik at mas sumimangot pa, mukhang nagtampo na siya sa sinabi ko. Ano ba naman ‘tong bestfriend ko nagbibiro lang naman ako. “Oo nga, bagay nga, kulit!” I gave her assurance. Unti-unti nang bumalik ang mga ngiti sa kaniyang labi. Umabot na sa tenga ang mga ngiti niya ngayon sa sobrang saya, tinalo pa si Jollibee. “I love you, bestie,” “You’re the best!” Bigla niya ’kong niyakap at dali-dali ko din siyang niyakap pabalik. I found an unexpected friendship kay Steff. ’Di ko in-expect na magiging ganito kami kaclose and ka open sa isa’t-isa. Kahit na ‘di pa kami ganoon katagal na magkakilala, it doesn’t matter. What matter is our sincerity and love for each other. Habang magkayakap kami ay napansin kong tila ba nakatingin sa direksyon namin ang lalaking itinuturo ni Steff kanina. Sigurado akong sa ’min siya nakatitig. Nagtama ang aming mga mata at mabilis itong umiwas ng tingin. Mukhang alam na niyang nakita ko siyang sumusulyap sa ‘min. Nilapit ko ang labi ko sa tenga ni Steff at bumulong ako sa kanya. “Wag kang mataranta. Nakita kong sumusulyap dito si Lance.” “Kalma, Steffania. Wag kang lilingon. Please nakakahiya!” dagdag ko pa. Mabilis na kumawala ito sa pagkakayakap niya sa akin at agad na lumingon sa direksyon kung saan naroon si Lance. Nagulat ako ng bigla itong nagtatalon at iwinagayway ang isa niyang kamay. Ipinagpatuloy niya ito hanggang sa makita siya ni Lance at ng mga kaibigan niya. “Steffanie!” pabulong kong sigaw sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata. Agad kong inilagay ang aking mga kamay sa gilid ng aking mukha dahil sa kahihiyan. Sigurado akong pinagtatawanan na kami ng mga estudyante ng faculty of engineering. Nakakahiya! Ano ba naman ‘tong si Steff parang walang kahihiyan sa katawan. Supportive friend naman ako sa kanya pero wag naman sa ganitong paraan. E, halos lahat ng freshman sa iba’t-ibang faculty ay nandito ngayon sa harapan ng Arch of the Centuries naghihintay sa turn nila para makapasok. Dahan-dahan kong hinila ang damit ni Steff para senyasan ito na tumigil na sa kaniyang ginagawa. Laking pasasalamat ko nang mapansin niya ito. “Mika! Nginitian niya ko!” Hindi na niya maitago ang kilig na nararamdaman, namumula na ang mukha nito sa sobrang saya.” “ I mean...who wouldn’t? Right? Sa ganda ko ba namang ito? Charot!” “ Totoo bang nangyayari ‘to? Pakikurot nga ‘ko baka nananagip lang ako.” Dagdag pa nito habang nakapikit, nagaantay na kurutin ko siya. Pinisil ko ang nagiinit at namumula niyang pisnge. “ Hindi ‘to panaginip,bestie. Hindi ka nananaginip lang. Totoong nginitian ka ng isang Lance David Villanueva.” marahan kong pagpapaliwanag sa kanya habang patuloy na pinipisil ang pisnge niya. Laking gulat ko ng bigla niyang sinampal ng malakas ang kaniyang sarili. “Aray, totoo nga. Sakit!” sigaw nito at biglang lumapit sa ’kin para ako’y yakapin. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya upang siya’y pakalmahin. Mukhang malalim nga ang pagtingin ni Steff kay Lance. Ngayon ko lamang siya nakitang magkaganito sa isang lalaki, kalimitan kasi ay siya ang kinababaliwan ng kalalakihan kaya’t laking gulat ko nang makita kong ganito ang ikinilos niya. “Bestie kwento mo saken mamaya lahat ng nangyari kanina, sa ngayon kumalma ka muna at malapit na tayong pumasok sa arko. Okay?” mahinahon kong paliwanag sa kanya. Tumango na lamang ito at ngumiti sa ‘kin. Nakita kong kumalma na siya kaya’t bumalik na kami sa pila at naghanda ng pumasok sa Arko. Matapos ang limang minutong paghihintay, sa wakas ay narinig na namin ang pangalan ng aming section galing sa dalawang speaker ng event sa kabilang dulo ng Arko. “ Section (2) two from Department of Legal Management.They are wearing a combination of color yellow and orange which represents the theme of thomasian spirit and symbolizes the unique color of the school’s varsity uniform.” Naglakad na kami papasok sa Arko, kasabay ng maliliit na hakbang ang malakas na hiyawan at palakpakan sa buong lugar. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Matagal ko nang gustong maranasan ‘to. Hindi ako makapaniwalang nandito na ‘ko ngayon, unti-unting papalapit sa mga pangarap ko. Nakarating na kami sa kabilang dulo ng Arch of the Centuries. Bakas sa labi ng bawat isa ang saya matapos makalabas sa loob ng arko. Sa wakas ay ganap na kong Thomasian. At masasabi ko ding dito na nagsisimula ang buhay kolehiyo ko. “Salamat, Lord!.” bulong ko sa sarili habang nakatingala sa makulimlim na kalangitan. “Gag* pare balita ko may kasabihan raw rito sa Arko. Sabi nila, sa oras na nakapasok ka na sa Arch of the Centuries ay bawal ka nang dumaan palabas rito. Maari ka lang dumaan rito palabas kapag nakapagtapos ka na.” Habang lumilingon sa paligid ay hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga estudyante galing sa College of Medicine. Di ko inaasahang may ganito palang kasabihan dito sa UST. “Dahil sa oras na lumabas ka rito ng hindi pa nakakatapos ay hindi ka na daw makakagraduate o kaya naman ay babagsak ka.” pananakot pa ng lalaking nakaupo sa may bench.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD