YUGTO 10

1589 Words
Ika-Sampung Yugto : Apple of HIS Eyes "Lola Solidad !" Masayang bati ni Yuna sa matandang si Lola Solidad na nagbebenta ng pagkain sa kabilang kalsada sa tapat lang ng WhyG. Lunch break na kasi at naisipan niyang bumili na lang ng tinapay at tubig kay Lola Solidad para makatipid. At isa pa masarap talaga ang paninda ng matanda. "Aba'y ija ! Aba, mukhang ika'y nagtatrabaho na diyaan sa katapat na gusali ah.." masayang salubong din sa kaniya ng matanda. "Opo la ! Naku kung di dahil sa inyo eh hindi naman ako makakahanap agad ng trabaho." Ani niya habang nagtitingin sa paninda "Eto na lang pong spaghetti na nasa styro, tapos isang tubig ho.." "Aba'y eto na ba ang pananghalian mo ? Nakung bata ka magkanin ka ! Aba'y hanggang mamayang hapon ka pa ata magtatrabaho eh !" Pangaral ng matanda sa kaniya. "Eh La, walang magagagawa tagtipid eh.." Bumakas naman ang lungkot at awa sa mukha ng matanda. "Haay jusko apo. Oh eh kamusta na ang iyong ama ? Me balita kana ba sa inyo ?" "Yun nga la eh.." napapabuntong hininga niyang sabi "isasangla ko sana tong kwintas para makabili ng mumurahing celpon manlang.." sabay pakita niya sa kwintas na isinuksok niya sa loob ng damit niya. "Abay sayang naman iyan ! Isasangla sangla mo pa eh pwede ka naman magtelepono jaan sa kanto oh" turo ng matanda sa isang telephone boot di kalayuan "limang piso lang ang hulog sa isang oras" dagdag pa nito na nagpaliwanag sa mukha niya. "Talaga po ?! Nakuu hulog po talaga kayo ng langit ! Salamat po talaga ng marami Lola !" Naalala niya rin kasi na naisulat niya ang landline ng ospital kung nasaan ang tatay niya at sa malamang nag aalala na rin ang mga yun sa kaniya. 2 araw na rin ang nakalipas magmula ng lumuwas siya. Mamaya pagnatapos na ang trabaho niya ay tatawag siya doon. Pabalik na siya sa WhyG building para kainin ang binili niyang pananghalian ng may isang napakagandang itim na kotse ang humarang sa dinaraanan niya. 'Whoah.. muntik na ko dun ah ! Teka, sino naman kaya to ?' Takang tanong niya sa isip at pilit ina aninag ang tao sa loob ng sasakyan. Nasagot lamang ang tanong niya ng bumukas ang bintana sa driver's seat. **** "Manong bilisan mo !" Maluha luhang utos ni Aika sa driver ng private van mismo ng WhyG na para kay JeyDee. Kasama niya sa loob ang mga stylists at si Ms. Alex na manager ni Jeydee na noo'y akay akay ang anak na si Chi. "Ano bang problema ng batang yun ?! Jusme naman bigla bigla nalang naalis ni hindi manlang nagpaalam ng maayos !" Sigaw din ni Alex na kunot na kunot ang noo. Galing sila sa lugar ng pagdadausan ng concert ni Jeydee para tignan at magamay ang pasikot sikot ng stage at para mapag aralan at makonekta nila ng maayos ang mga stunts, mga effects, at mga arte sa stage para sa performance ni Jeydee. Patapos na sila noon at nasa gitna na ng paalaman ng makita nilang nawawala na si Jeydee pati ang Baby Lambo neto na himalang dinala niya kanina at hindi nasabay sa Van nila. Di na nga nila napag usapan ng maayos ang magaganap na rehearsal ni Jeydee bukas sa stage mismo ng lugar. "Dahil na naman siguro sa babaeng yun !" Wala sa sariling naisigaw ni Aika kaya napalingon sa kaniya ang lahat. She is so damn angry ! So damn angry because of jealousy ! Never understimate a girl's instinct ika nga. Meron na kasi talaga siyang napapansin sa minamahal niyang si Jeydee. "Babae ? Sinong babae ?" Tanong ni Alex at lahat naman sila ay nag aabang sa sasabihin ni Aika. Marahas siyang napabuntong hininga at medyo pinahid ang luhang nangingilid na sa mata niya. "N-naalala niyo po ba yung babae sa probinsiya ? Yung umeksena sa gitna ng t-taping ni Dee ?" Nag isip naman si Alex at napa "Ah !" Ng maalala ang ibig sabihin ni Aika. "Yung magandang dilag ?" Ani ni Alex na medyo inismiran ni Aika. "Janitress siya ngayon sa WhyG.." "What ?!" Gulat na usal ni Alex at napasandal sa kinauupuan niya. 'Now this is interesting. Ang alaga kong mukhang target na ni kupido at ang P.A niyang halos patayin si kupido para panain silang dalawa at isang Probinsiyana.' Usal ni Alex sa isip niya 'pero pag nagkataon na magkagusto nga si Jeydee sa dilag na yun this will be an issue ! The girl is poor and he is a celebrity and a VALKRIE. Oh great, THEY CAN'T HAPPEN. Their worlds are too different.' **** Nang makita ni Jeydee si Yuna di kalayuan na papatawid ay bigla na lang siyang napangiti. Di niya alam pero he can't really take his eyes off on her angelic face ! 'So damn beautiful' sa isip niya. Ayaw niya munang pangalanan ang kakaibang sensasyon na nararamdaman niya pero, her, being the apple of his eyes right now mas gusto niya munang namnamin, unti untiin at enjoyin. This feeling is new to him. Yup ! Marami na siyang nakasalamuha na magaganda, sexy at gorgeous na mga babae pero iba ang isang to. Unang beses niya pa lang nakita di na nakaalis sa isip niya ang mukha neto. He is attracted alright. Tumigil siya sa mismong tapat neto at bahagya pa siyang natawa ng magulat to sa ginawa niya. Tinitigan niya ang mukha netong pilit siyang inaaninag sa loob ng tinted niyang Lambo. He stared on her for awhile. Napapikit siya habang nakangiti at unti unting binuksan ang bintana ng kotse niya. No one ever saw me like you do All the things that I could add up too I never knew just what a smile was worth But your eyes say everything without a single word ♪ Iminulat niya ang mata niya at nagtama ang paningin nila ni Yuna. Ahhh, he felt it again. The beautiful feeling that is building inside him. Gulat naman si Yuna ng makita na si Jeydee pala yun. Nakingiti to sa kaniya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Napalunok siya dahil bigla siyang nakaramdam ng ilang sa titig neto. Cause there's something in the way..you look at me It's as if my heart knows you're the missing piece And make me believe that there's nothing in this world I can be I never knew what you see, but there's something in the way you look at me.. ♪ "S-sir Jeydee.." nai-usal lang ni Yuna "Dee. Just call me Dee" utos naman ni Jeydee "P-pero kasi Sir pinagtatrabahuhan ko po kayo.." napapayukong ani ni Yuna Jeydee chuckled. "Naahh. Nagtatarabaho din ako jan sadyang mas mataas lang ang level ng trabaho ko. So just call me Dee please ? Yuna.." Kumabog ang puso niya ng tinawag siya neto sa pangalan niya ! Sobrang lambing ang pagkakasabi ni Jeydee sa pangalan niya na talaga namang umepekto sa kaniya ! 'A-ano yun ?' Sa isip niya "Dee !!" Pareho silang nagulat sa sigaw na yun. Nakarating na sila Aika at agad etong bumaba ng Van ng matanaw ang nag-uusap na sila Jeydee at Yuna. "Tsk ! Not you again Aiks !" Iritadong bulong ni Jeydee, halatang nainis sa pag eksena ni Aika. 'Ah. Yung girlprend niya..' sa isip ni Yuna "What are you doing here ?!! Aren't you suppose to clean inside the building ?!" Sigaw ni Aika kay Yuna at nagulat naman si Yuna dahilan para mabitawan at matapon ang hawak hawak niyang spaghetti na nasa tyro. "Aika !" Bumaba si Jeydee sa Lambo niya at hinarap si Aika "Hey what are you doing ?!" "Ako ang dapat magtanong sayo niyan Jeydee ! Bigla ka na lang nawala dun kanina tas makikita ka naming nakikipaglandian sa janitress na to !" Sigaw din ni Aika. Nanlulumo namang tinignan ni Yuna ang pananghalian niyang ngayon ay nasa lupa na. Ni hindi narin niya naririnig ang paligid niya dahil bigla siyang nanliit. "Aika know your place ! P.A lang kita at you have no to say kung ano ang gusto kong gawin !" Sigaw din ni Jeydee na ikinatigil naman ni Aika. Right. She is just the P.A nothing more. Ang babaeng sa kabila ng ganda ng buhay ay napiling maging Personal Alalay ng dahil lang sa pagmamahal. Right she clearly know her place so much ! 'But do you really have to hurt me this much Dee ?' Sa isip niya habang maluha luhang nakatingin kay Jeydee na galit na galit. "Tumigil nga kayo ! Sa daan pa talaga kayo nagsigawan ha ?! Jusme sikat ka Jeydee baka hindi mo naisip na mabango sa media ang iskandalo !" Si Alex na pumagitna na sa kanila "at ikaw Miss pumasok ka na sa loob.." baling niya naman kay Yuna na nakayuko lang sa tabi ni Jeydee. "S-sorry po Maam" si Yuna at dali daling umalis dahil na rin sa hiya at takot di narin niya napag isipan pa ang nasayang na pananghalian. "Wait Yuna--damn !" Iritadong ani ni Jeydee at inis na hinarap si Aika na lutang na sa tabi. "Kayong dalawa sumama kayo sakin mag usap usap tayo.." si Alex na nagpauna ng pumasok sa building. Bumuntong hininga na lang si Jeydee at malumanay na nilapitan si Aika. "Look Aiks I--" "No it's alright Dee.. it's my fault anyway" mapait na ngumiti si Aika at tinalikuran na si Jeydee para pumasok sa building. 'It hurt so much.. but giving you up was never been my option Dee. Never.' Sa isip ni Aika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD