Ika Tatlumpo't Anim Na Yugto: Meet The Valkries Nagising si Yuna sa ingay na nagmumula sa labas nang mansion nila, particularly sa may pool area. Sa pag-aakalang late na siya nagising, ay napabalikwas siya nang bangon at mabilis na dumungaw sa orasan na katabi lang nang lampshade sa gilid nang kama niya. Gayun na lang ang pagtataka niya na alas sais y media palang naman pala nang umaga. Lumapit siya sa bintana nang kwarto niya at bahagyang hinawi ang puting kurtina nito at sumilip sa may pool nila sa likod nang mansion. Sakto kasi na kapag tumingala ka mula sa pool, kwarto niya ang makikita at kapag dumungaw naman siya sa bintana niya, ay pool agad ang makikita niya. Her room is on the second floor at katabi nang kwarto ni Jeydee. Nanlaki ang mata niya nang makita niya kung sino-sino an

