Ika Tatlumpo't Apat Na Yugto: Let Me Love You Panay ang ayos at tingin ni Layz sa mga salamin ng mga store na madadaanan niya habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Naka blue polo shirt siya at fitted ripped jeans at white low cut converse na hiniram niya pa sa kasamahan niya sa boarding house. Sa kaliwang kamay niya ay bitbit niya ang bungkos ng mga puting rosas na pinag-ipunan niya talagang mabili kasama ng suot niyang pants. Ano nga bang meron? Inaya niya si Aika ng date. Tama. Day off niya ngayon at naglakas loob nga siyang ayain ang dalaga noong isang araw na araw ding umalis si Yuna. Di maipagkakailang nahumaling siya kay Aika. Magmula pa noong araw na una niya itong nakitang umiiyak sa park. Kung ibang babae ay lalagpasan niya lang ito pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kus

