Ika Apatnapu't Yugto: Picture "Jaycee honey! Are you alright? " alala ang mukha na ani ni Eliza pagkapasok sa kwarto ni Yuna. Kadarating lang kasi nito mula sa importanteng inasikaso at nagmadaling umuwi nang makatanggap nang text kay Jeydee na nilalagnat nga si Yuna. Nakangiting ibinigay ni Yuna ang baso nang tubig sa kasambahay nila na inutusan ni Jeydee na painumin siya nang gamot. Hindi niya alam kung nasaan na ito pero, magmula nang huli nilang pag-uusap kanina ay hindi na ito bumalik pa. Inuutusan na lang niya ang mga kasambahay para tignan siya at asikasuhin. It is already six in the evening at kakagising lang din niya. Dala nang masamang pakiramdam at panghihina ay buong araw lang siyang nasa kwarto at nakahiga. "Ayos na rin naman ako Mom." tipid ang ngiting ani niya dito. Um

