Kody's POV "You're grounded." Seryosong sabi ni Mommy nang pumasok sa kwarto ko. "You can't, Mommy. I'm already 24." Malungkot at matamlay kong sagot sa kanya. Kinampay-kampay ko ang mga binti kong nakalawit sa kama habang nakahiga ako pero parang wala akong lakas. Idinipa ko ang mga kamay ko sa kama ko at sinubukang deretsong iangat ang isa kong kamay para harangan ang ilaw ng chandelier sa kisame na tumatama sa mukha ko. Thorne... "Why did you do that, Kody?" My mother Shana curled her lips in controlled anger. Sa totoo lang wala ako sa mood na makipag-usap sa nanay ko o sa kahit na sino lalo na kung ang topic ay ang nagdaang mga araw na nauwi sa pagpapauwi sakin ng matapobreng nanay ni Thorne. Thorne... I want to cry. Gusto ko talagang mag-emote. Pero hindi sa harap ng nanay ko

