Kody's POV Kung may ayaw man akong gawin kasama ang nanay ko, iyon ay ang pag-attend ng meeting ng Homeowners' association ng subdivision namin. Noong bata pa ako, lage kong tinatakasan ang nanay ko na nakikipagsosyalan sa mga kapitbahay din naming mga sosyal at pasosyal bago pa man magsimula ang meeting. Tumatakbo ako palabas at nagtatago sa katabing park. At dahil nandoon din ang karamihan ng mga bata, umaariba ako sa paglalaro. Pero ilang minuto lang ang lilipas at ang mangyayari ay Kody versus the gang, at ang karamihan ng mga bata ay nasa ilalim ng pamumuno ng bully na si Thorne. Iyon mismo ang dahilan ni Mommy kung bakit sinasama niya ako sa mga meeting, para daw hindi ako makipag-away sa mga kalaro ko. I smiled at the memories. Masaya kong pinanood ang mga batang naglalaro sa lab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


