Chapter 2

1160 Words
Clifford Aiden's P. O. V Nagising ako nang makarinig ako ng malakas na ingay. "S-sorry, Dale!" rinig ko ang boses ni Farja. Minulat ko ang mata ko at kinusot ito. Umupo ako at tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Napakurap ako ng ilang beses. "Ganiyan! Ang galing mo!" Bigla akong nagising sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Dale. Nagmamadali akong naglakad papunta sa kusina kung saan ko narinig ang boses nila. "Farja!" sigaw ko. Nakita kong may hawak na frying pan si Farja at may hawak naman na mangkok si Dale. Nakita kong suot niya ang malaki kong T-shirt na umabot na hanggang above the knee niya. Natulog lang ako. Bakit naging ganito na? "Close na kayo?" tanong ko at lumapit sa kanila. Tinignan ko si Farja, napansin kong nakatingin siya sa tiyan ko. Bigla kong na-realize na wala nga pala akong damit. Agad kong niyakap ang sarili ko. Nakaramdam ako ng hiya. "Nagwo-work out ka? Paano mo na-achieve ‘yan? 6 pack abs!" masayang sabi ni Farja. "Wala," cold kong sabi at agad na natungo sa kwarto ko. "Bakit parang magkakilala na sila? Hindi kaya… Kilala na talaga ni Dale si Farja? Baka matulungan niya ako sa utang ko sa babaeng 'yon," bulong at pumunta sa cabinet. Napa-awang ang labi ko nang buksan ko iyon. Nakita kong sabog ang mga damit ko, ganoon rin ang mga boxer and brief ko. Ayoko sa lahat hindi naka-organize ang gamit ko. Sino naman kaya ang bwisit na nag-gulo nito? Napa-ismid ako sa inis. Kumuha ako ng isang black T-shirt. "Pasalamat ka, may kasalanan ako sa 'yo," bulong ko at sinuot ang T-shirt. Marahil ay si Farja ang naghalungkay ng mga damit ko, suot niya ang T-shirt ko. Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako sa balcony. Mayroong blouse, jeans, bra at panty na nakasampay sa railings. "F*CK!" sigaw ko at tumakbo papunta roon. Paano na lang kung may makakita nito rito? Tapos ako ang nakapangalan sa room na ito. Isang malaking kahihiyan. Sh*t talaga! "Bullsh*t!" bulalas ko at kinuha ang mga damit ni Farja. Naiilang akong kuhanin ang panty at bra niya. Napabuntong hininga ako at kinuha iyon saka tumingin sa ibang direksyon. Medyo basa pa ang mga damit. Sinampay ko na lang ang mga iyon sa banyo. "Sir Aiden, kain na po!" sabi ni Dale nang makalabas ako sa kwarto. Nakaupo na sila sa hapag. "Pakiramdam ko first time kong magluto ng printong itlog," sabi ni Farja. Hindi ko siya pinansin at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig. "Kinuwento niya sa 'kin lahat ng naalala niya," biglang sabi ni Dale. "Do you know her?" I asked. "Hindi, ngayon ko lang siya nakita. Ang naaalala niya lang is 'yong nagising siya sa hospital," sabi ni Dale habang kumakain. "Useless," bulong ko at nagsimulang kumain. "Grabe ka naman sa akin. Ikaw nga may dahilan kung bakit nangyare 'to sa 'kin, wala naman akong magawa. Kahit anong pilit ko, wala akong maalala!" bakas ang lungkot at inis sa boses ni Farja. Tinitigan ko siya. "I'm sorry," wala kong ganang sabi. "Nangako ka sa 'kin. Tutulungan mo akong malaman lahat ng tungkol sa 'kin. Lahat ng hindi ko naaalala," sabi niya. Napayuko ako. Sana naman this time hindi ako pumalpak. I really lost my self esteem. "Yes. I promise. I will do everything to know what really happened to you," sabi ko. "Ganito. May cellphone kayo hindi ba? Malamang may cellphone rin ako, wala ka bang nakita na cellphone sa akin?" tanong ni Farja. Umiling ako. Wala rin siyang gamit noong mabunggo ko siya. "Alam ko na, paano kung lumakad ako sa buong maynila. Baka sakaling may makakilala sa akin! Baka may makasagot sa lahat ng tanong--" I cut her off. "What if someone's gonna kill you? They saw you walking around like an idiot, then boom. You're dead," cold kong sabi habang kumakain. Bigla namang lumungkot ang mukha niya. Nakaramdam ako ng guilty sa sinabi ko. "Am I too harsh?" tanong ko. Tinignan ko si Dale at Farja, nakatitig lang sila sa akin. "Whatever," bulong ko at tinapos ang kinakain ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Umaasa ako na mag e-email or text sa akin ang parents ko. Pero wala. Wala silang pakealam kung saan pa man ako mapunta. I know I'm already an adult but, I feel like they don't really care about me as their son. Am I a stranger? "Dale, pumunta ka sa baranggay hall ng lugar kung saan ko nasagasaan si Farja. Check all the CCTV," utos ko. Agad na tumayo si Dale. "Yes, Sir!" Masigla niyang sabi. "And call me if you have an update," sabi ko at tumayo. "SAMA AKO!" sigaw ni Farja. Nilingon ko siya, bigla akong nainis nang makitang nakakapit si Farja kay Dale. What the f*ck really happened between them!? Parang simula ngayon ayoko na matulog. "You can't!" sigaw ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I also can't explain what I've been feeling. "Bakit?" tanong ni Farja. "Basta... Bawal ka lumabas. Gusto mo bang mapahamak reputasyon ko? Hindi ba may deal tayo? What if something bad happens? Just-just don't go," sabi ko at tumalikod. Nagtungo ako sa kwarto ko. Napahalukipkip ako at pumunta sa balcony para maka langhap ng sariwang hangin. "Aiden," rinig kong tawag ni Farja. Akala ko sumama talaga siya kay Dale. Ano naman ngayon. Hindi ako nagseselos. "Salamat ah. H-Hala... ‘Yong—‘yong damit ko nasaan?!" nagpa-panic niyang sabi. Nagulat ako nang tumayo pa siya sa upuan na katabi ng harang para lang tumingin sa ibaba. We're f*cking here at the 20th floor! "WOOOAHH!" sigaw niya dahil nagulat siya at mukhang nalula dahil sa taas namin. Hinila ko ang kamay niya dahilan para ma-out of balance siya at mahulog ang katawan niya sa akin. Hindi naman ako nag-hesitate na sapuhin siya. Mahirap na, baka madagdagan ang kasalanan ko. Napatitig ako sa mukha niya. Biglang namula ang mukha niya, nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang labi niya. Nagkatitigan kami. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. "Bastos!" sigaw niya at bigla niya akong sinampal. I blinked and realized that my right hand is on her boobs. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko siya. Napa-atras ako nang lumagapak siya sa sahig. "ARAY! GRABE!" sigaw niya at hinawakan ang pwetan niya. "S-sorry," sabi ko at napahawak sa pisngi kong sinampal niya. Tumalikod ako at lumayo sa kaniya. I always feel hit whenever she's near. Actually I'm so innocent. This is the first time na makahawak ako ng boobs without realising it was a f*****g boobs! Yes, I had lots of girlfriends because of my fame and money. Apparently, we don't have time for s****l things. Yes, I'm a virgin. I'm always busy to make my parents proud. Until now, my works are still trash. "Aiden, sorry nasampal kita. Nagulat lang ako. Na-shock," malumanay na sabi ni Farja sa akin. Hindi ko siya tinignan. Distance, I need distance. She's hot. Like fire. I might burn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD