Chapter 1

1040 Words
Umiling si Shiloh at inginuso kay Kyla ang tambak na mga papeles sa ibabaw ng kaniyang lamesa. “I can’t. Kailangan kong maihabol ito ngayong tanghali.” Ilang minuto niya na din ang nasayang dahil sa baguhan niyang sekretarya. Madrama siyang inismiran nito ngunit hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa kaniyang ginagawa. Ibinagsak nito ang puwet sa malambot na sofa at nangalumbaba sa kaniyang harapan sabay kagat ng pizza. “Alam mo minsan, hindi talaga kita maintindihan.” Napakamot ito sa noo. “Imagine, ‘yang tambak na trabahong tinatapos mo sa loob ng isang araw ay katumbas na sa isang linggong gawain na natatapos ng isang normal na CEO." Nanlalaki ang mga mata na sambit nito. Totoo ang sinasabi ng kaibigan. Madaming bumibilib sa kahusayan ni Shiloh pagdating sa pamamalakad ng kompaniya bilang isang CEO ngunit sa sobrang goal-oriented ay madalas na napapabayaan ang sarili. Masaya ito para kay Shiloh sapagkat kilala sa buong bansa ang kahusayan ng kaibigan. Isa pa, successful and contented na ang kaibigan both sa career at lovelife. Siguro ay mas sasaya ito kung magkakaroon ng maraming oras ang kaibigan para sa sarili. Hindi iyong puro trabaho lamang palagi ang iniintindi. “Lastimosa Empire is not just a mere company,” mariing sambit niya. “It has been my life, Ky. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kinabukasan ng kompanya hangga’t nasa kamay ko ito. I have to do my best just like what mom did in order to protect this company.” Hindi lahat kaya iyong intindihin. She has been working so hard for years not to impress anybody but to protect what she have. The company is the last thing her mother left for her. She can’t fail her mother. Arthuro might failed her mom for a hundred times but she can’t fail her mother as an only daughter. Lumamlam ang mga mata ni Kyla habang nakatitig sa kaibigan. Sobrang proud ito kay Shiloh. "Alam ko..." Kyla's voice trailed off. "And I'm a proud best friend here." Hindi niya napigilang mapangiti dahil sa sinabi ng kaibigan. She was able to protect the company for almost four previous years, thanks to her best friend—Kyla, who stays with her throughout the battle. Four years ago, sabay sila nitong gumradweyt sa kolehiyo sa kursong business add. All of sudden, kinailangan niya nang umakyat sa puwestong nakalaan talaga para sa kaniya sa tulong ng kaniyang Papa. At first, hindi niya napigilang makaramdam ng matinding niyerbos dahil isang napakalaking kompanya ang nakaatang sa kaniyang magkabilang balikat at kailangan pamunuan. Mabuti na lamang at nariyan ang kaniyang bestfriend na si Kyla. At ngayon, kailangan na nitong umalis at lisanin ang kompanyang magkasama nilang pinalago. Masaya siya sapagkat malapit nang ikasal ang kaibigan. Gagawa na ito ng sariling pamilya na siyang ipinapainggit nito sa kaniya nang mga nakaraan na araw. "Pagdating sa pagpapatakbo ng kompanya, aba'y hindi na talaga kita kailangang problemahin pa." Ipinasak nito sa bibig ang nalalabing maliit na piraso ng pizza sa kamay. "My ghads! You’re not just a successful leader but the youngest and most outstanding CEO in the country.” Hindi siya makapaniwalang binobola naman siya ng kaibigan ngayon. She tilted her head. “Nothing is temporary, Ky. Alam mo ‘yan. I have to work hard in order for this company to reign in the longest run.” Nakakaunawa naman itong tumango. “There’s just one thing, you are not best with as a CEO,” biglang sabi nito sa kaniya. “What thing?” kyuryos na tanong niya rito. Umayos ito ng tayo sa harapan niya saka siya pinakiusapan. “I’m just going to be honest with you since we are friends but don’t you dare kill me okay?!” gusto nitong mangako siya. Napipilitang tumango siya. Ngumiti ito. “Good,” Kyla mouthed. May nagbabadyang ngiti sa gilid ng labi nito. “Can’t you act like more of a cool boss?” diretsahang tanong nito sa kaniya. Bahagyang tumaas ang kilay niya dahil sa tanong ng kaibigan. “Cool boss?” her eyes musing at her friend. “You mean?” Mas lalo siyang nakyuryos sa paliwanag nito nang ngumisi ito at biglang pumitik sa ere. “You’re a cool boss, kapag night life ang niyayaya mo sa mga tauhan mo at hindi overtime.” Confident nitong sagot sa kaniya habang nakataas noo. Her friend can’t be kidding. Siya magyayaya ng night life? Alam na nito ang sagot niya roon. Tumikhim siya bago nagsalita, “sinasabi mo bang night life din dapat ang in-offer ko sa inyo imbes na trabaho?” panghuhuli niya sa kaibigan. “Oo—” biglaang sagot na ikinalaki ng mga mata nito sa huli pagkatapos mapagtanto ang pagkakamali sa sinabi. Madrama itong napatakip ng kamay sa sariling bibig. “Aba’y siyempre, hindi!” agad na bawi nito sabay iling nang madiin. "Ang sa'kin lang, pamisan-minsan i-treat mo din naman ang mga empleyado mo. Para naman hindi puro bad impressions ang nai-empose mo utak nila." Ipinagkrus niya sa ibabaw ng dibdib ang mga kamay pagkarinig sa sinabi nito. "Bad impressions?" sinundan niya iyon ng isang pagak na tawa. "As if I care. No need to impress anyone, 'Ky. Remember, I am the Boss." Napakurap ito at nakangiwing inirapan siya. "No need to impress daw pero handang gawin ang lahat 'pag dating kay Leonard." Tinutukoy nito ang boyfriend niyang nasa South Korea ngayon. Pinamulahan siya ng mga pisngi. "Kyla!" inis na asar niya sa kaibigan. May nagbabadyang ngiti na gustong sumilay sa gilid ng kaniyang labi. Napabuntong-hininga siya at nagkunwaring dismayado. “Mas malakas na ang loob mong sabihin 'yan ngayon porke't approved na ang resignation mo." Nagkunwari siyang galit saka ipinagpatuloy ang naudlot na gawain. Umikot ang mga mata nito. "Uy!" defensive na untag nito sa kaniya. "Sino pa ba ang magpapaalala sa'yo nga mga bagay na ito kung hindi ako?" Siya naman ang napairap ngayon. “Kung itinimpla mo pa ‘yang joke mo. Nakahigop na sana tayo ng mainit na kape.” Nanatiling nakatutok sa monitor ang kaniyang tingin. Umikot ang mga mata ng kaibigan. "Akala ko ba ayaw mo magkape?" Lyka whined. "Mas gugustuhin ko nang humigop ng mainit na kape kaysa makinig sa sermon mo." She mouthed swaggering her chin up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD