MABILIS AT MALALAKI ang bawat hakbang ni Coffee habang naglalakad siya papunta sa opisina ng editor-in-chief nila. Mariing nakakuyom ang isang kamao niya habang halos malukot na ang magazine na hawak niya sa isa pa niyang kamay. Napapatingin ang ilang writers at editors na nadadaanan niya, walang gusto makipag eye contact sa kaniya. Malamang nakita na rin ng mga ito ang isang artikulo sa bagong issue ng magazine nila. Ang hirap kontrolin ng galit niya. Huminto siya sa pinto ng editor-in-chief’s office. Nanginginig ang kamay na kumatok siya bago iyon binuksan. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit siya sa lamesa ng editor-in-chief at inilapag ang magazine na hawak niya. Nakatupi na iyon sa page na irereklamo niya. “How can you do this without telling me?!” Sinulyapan ng may-edad
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


