MARAHAS na naapakan ni Ace ang break ng sasakyan niya nang tulad ng dati ay sumulyap siya sa cake shop na malapit sa Timeless kung saan palagi niyang nakikita si Coffee na nakaupo sa tabi ng bintana at may kung anong ginagawa. Naningkit ang mga mata niya nang makitang kasama na naman ni Coffee ang lalaking iyon sa lamesa. And worst, nakaakbay pa ito sa babae. He suddenly had a bitter taste in his mouth again. He never thought he could be this stupid really. Alam niya na hindi niya magugustuhan ang makikita niya. but he could not help but look inside the shop just to know if she was there. Sometimes she was alone on that same table, typing on her laptop and sometimes spacing out. But oftentimes she was with that guy. And here he was watching on the sideline. Inis na inalis niya ang ti

