Yoongi's Music Music #63 Third Person's POV: Masayang nag-uusap at nagtatawanan ang magkakaibigan noon sa may sala ng apartment nila kasama ang bisita nilang si Sujin. Samantalang sa tabi naman nya ay nanatiling nakaupo at naging tahimik lang si Suga na mukhang kanina pa ay may malalim na iiniisip. At nasa ganun lang silang posisyon nang bigla nalang bumukas ang pintuan ng apartment nila at dire-diretsong pumasok mula doon si J-hope. Si Jimin naman ang agad na nakapansin sa pagdating ng hyung nya kaya agad syang masayang tumayo at nagsalita. "Oh hyung---" Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin nya ay bigla nalang sinugod ng isang malakas na suntok sa mukha ni Jhope ang noon ay napayukong si Suga. Napatili nalang ng dahil sa sobrang takot si Sujin samantalang nagkagulo naman ang

