Yoongi's Music Music #53 Park Yuseon's POV: 5 years ago... Walang nagsasalita sa aming dalawa habang tahimik lang kaming nakaupo sa mesa na kinauupuan naming dalawa. Ramdam ko na ang pagsisimulang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko pero pinigil ko ang sarili ko. Nanginginig din ang mga kamay ko sa ilalam ng mesa pero hindi ako nagpatalo sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Oo, tanggap ko sa sarili ko na mahina ako. Pero hindi. Hindi ko matatanggap na may babae si Yoongi. Hindi ko matatanggap na ng dahil sa babaing ito kaya nasasaktan ako ngayon. Hindi ko matatanggap na ng dahil sa babaing ito kaya masisira ang relasyon naming dalawa. Yoongi is the only one I've got. Sya lang ang meron ako. Wala akong ina. Wala akong ama. Wala akong pamilya. Wala akong kaibigan. Pero ma

