Yoongi's Music Music #42 "Yah! Aish...this kid!" yan lang ang lumabas sa bibig ko nang bigla akong yakapin ni Sujin habang papasok kami ng agency nila. Pinagtitinginan narin kami ng mga taong nakakakita sa amin na kasabay naming pumapasok pero wala ata talagang balak na bumitaw sa akin ang batang ito. Napalingon nalang ako sa kanya habang para syang bata na nakayakap sa bewang ko at patuloy parin kaming naglalakad papasok. "Yah, bitiwan mo ako. Pinagtitinginan na tayo o" ang sabi ko. Pero ngumiti lang sya sa akin ng napakatamis bago sya nagsalita. "Ayoko~~" she sang. "Mahal ni Sujin si Oppa~kaya hindi bibitiwan ni Sujin si oppa~" Aish, this kid. Minsan talaga ay hindi na sya marunong pumili ng tamang lugar kung saan pwede nya akong lambingin. But I can't help but to smile at the th

