Yoongi's Music Music #44 Close na ang clinic ng hotel at malayo pa ang hospital mula dito kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang dalhin sya sa loob ng hotel room nya. Mabuti nalang at may dalang first aid kit si Sujin at nakinig ako sa first aid training na mayroon kami noong highschool. Nakaupo sya ngayon sa kama nya habang nakaupo naman ako sa sofa na nasa harapan nya at nakapatong sa hita ko ang mga binti nya. May mga sugat sa tuhod at sa binti nya pero mabuti nalang at hindi naman malalim ang mga yun. I started cleaning her wounds habang nakatingin lang sa amin si Sujin mula sa tabi. Pero ngayon ko lang naalala. Agad akong nagtaas ng mukha at napatingin kay Sujin. "Kitten, pwede mo bang puntahan si J-hope oppa mo sa kwarto namin para ipaalam ang nangyari sa kanya?" Nakita kon

