URSULA'S POV:
Pag-dating namin sa bahay ay naabutan namin si mama na umiiyak habang pinapatahan siya ni Bert.
"Ma, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko at agad na pumunta sa kinaroroonan ni mama.
Wala akong sagot na nakuha kay mama, mas lalo lang siyang umiyak.
Nag-alalang tinignan ko si Bert. "Ate, tumawag kanina si Tita Annie. Wala na raw si lolo Lao." Sambit ni Bert habang hinihimas ang likod ni mama.
"Bakla, kumuha ka nga ng tubig." Utos ko kay bakla na agad niyang sinunod.
"Ano'ng ginagawa ni rito 'te Gizelle?" Kunot-noong tanong ni Bert ng dumako ang tingin kay Gizelle.
"Dito na 'yan titira, nakita namin sila kanina ni Daya, nagaaway. Wala rin namang kwentang nobyo si Alfred." Sagot ko rito at pinapakalma si mama.
Mga ilang minuto ng kumalma si mama.
"Pupunta tayo mamaya sa San Andres, doon nakalibing si papa." Malungkot na sambit ni mama.
"Zelle, sumama ka na rin mamaya." Dagdag ni mama na tinanguan ni Gizelle.
"Pahinga ka muna dyan. Bakla, pwedeng ikaw na muna ang magluto? Aayusin ko lang ang mga gamit natin mamaya. Bert, pag pahingahin mo muna si mama sa kwarto tapos maglinis ka ng bahay." Utos ko sa kanila na agad nilang sinunod.
Sumunod sa'kin si Gizelle sa kwarto.
"Ayos lang talaga na dito na muna ako tumira?" Tanong nito habang tinutulungan akong maghanda ng mga damit ni Bert at bakla.
"Oo naman, tayo-tayo na lang magtutulungan 'no. Dito ka tumira hanggang kailan mo gusto, hindi ka na rin naman iba sa'min." Sagot ko rito at kinuha ang malaking bagahe.
"Sobrang lungkot ni tita Kat." Malungkot na sambit ni Gizelle.
"Alam mo naman kung gaano kamahal ni mama si lolo, isa pa papa's girl 'yan si mama." Malumanay kong sagot.
Mga ilang minuto ay nakarinig kami ng ingay sa baba.
Agad kaming bumaba ni Gizelle para malaman kung anong nangyayari at nakita ko si papa na ambang susuntukin si Bert.
"Hoy! Anong ginagawa mo sa kapatid ko? Ha?!" Bulyaw ko rito at agad na pumunta sa pwesto nila para hilahin si Bert.
"Ano sa tingin mo ang gagawin mo sa kapatid ko?" May bahid na galit na tanong ko at tinignan ang tatay ko.
"Nagiging bastos na 'yang kapatid mo, Ursula. Ga-"
Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya at sinapak ang mukha niya.
"Napakag*go mo para sabihing ganito kami pinalaki ni mama simula ng iniwan mo kami at pinili ang dep*tang kabit mo. Para sabihin ko sayo, pinalaki kami ni mama'ng mag-isa, tinuruan niya kami na magkaroon ng respeto sa mga matatanda. Ngayon kung hindi ka nirespeto ng kapatid ko, isa lang ang ibig sabihin non, hindi ka karespe-respetong tao." Mahabang lintanyahan ko dito.
"Bakla, ilayo mo si Bert tsaka si Gizelle." Utos ko kay bakla na agad niyang sinunod.
"Anong ginagawa mo rito?" Pabalang kong tanong sa magaling kong ama na nakatitig lang sa'kin.
"Di ka sasagot?" Muli kong tanong dito at akmang isasara na ang pinto ng iharang niya ang kamay niya.
"Gusto ko kayong makita." Malumanay na sagot nito na ikinatawa ko ng malakas.
"Gusto mo kaming makita? Ito, nakakahinga pa kami simula ng iwan mo kami. Nakaya kaming pag-aralin ni mama ng mag-isa. Ano pang itatanong mo?" Tanong ko rito habang tinitignan ang mga mata.
Lunkot, pagka-sabik at saya ang nakikita ko sa mga mata ni papa.
"Nandito ako para bumalik sayo." Dagdag nito na mas lalong ikinalakas ng tawa ko, pansin ko rin na mga nagaalalang tinitignan ako nila Bert.
"Babalik? Para saan pa? Para lokohin ulit si mama? Bakit? Dahil ayaw mo na kila Aling Impa? Hindi ka na masaya sa kanila kaya ka bumalik? Bakit ka pa babalik? Bakit pa? Para guluhin ulit ang mundo namin? Hindi ka namin kailangan dito, umalis ka na." Puno ng emosyon kong sabi at tinulak siya paalis.
"Anak, p-"
Isang sampal ang iginawad ko sa mukha niya dahilan para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.
Anak? P*ta, wala akong ama na g*go. Ang lakas ng loob niyang tawagin akong anak matapos niyang piliin ang kabit niya kaysa kay mama.
Nung mga panahon na iniwan niya kami, ilang araw umiyak si mama non at 'yon ang dumurog sa'kin. Hindi kumakain at laging nakatulala lang si mama, iyak ang naririnig tuwing gabi kapag alam niyang natutulog na kami.
"P*t*ngina, 'wag mo 'kong matawag-tawag na anak. Nandidiri ako." Iritable kong sabi nito na ngayo'y nakayuko.
"Ang lakas ng loob mong pumunta rito para sabihing gusto mong bumalik sa'min. Nakakag*go, nakakadiri. Bakit ka pa babalik kung ayos na kaming lahat? Bakit mo pa kailangang bumalik ngayong masaya na kami ng wala ka? Bakit ka babalik ngayong masaya na kami?" Puno ng emosyon kong tanong sa taong kaharap ko.
Sa loob ng 5 taon, ngayon ko na lang ulit nakita si papa. At hanggang ngayon ay masakit pa rin, masakit pa rin sa damdamin. Maaaring nawala na nga ang sakit na nararamdaman ko pero nandoon pa rin marka ng sakit.
"Nakakag*go ka, alam mo 'yon? Tawad? Doon ka humingi ng tawad sa simbahan baka sakaling mapatawad ka pa ng Diyos sa ginawa mo." Puno ng hinagpis kong sabi at marahas na pinunasan ang mga luhang naglalandas sa mga mata ko.
"Layas! Umalis ka rito! Hindi ka namin kailangan, 'wag ka ng bumalik dito! Masaya na kaming wala ka!" Sigaw ko dito at malakas na tinulak at pabalyang sinarado ang pinto.
Agad akong niyakap ni Bert at hinaplos ang likod ko.
"Shh, tahan na ate." Pagpapakalma nito sa'kin habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko.
"Tahan na, tama na ang pag-iyak." Malumanay na sambit nito at naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa ulo ko.