I CAN DO IT

1154 Words
"How is the newlyweds?" Tanong ni Carol. Na sa lamesa sila habang kumakain kaya nandito lahat ng mga pamilya ni Ryan. Kahit kinakabahan ako sa isasagot ay kailangan ko sumagot upang hindi ako bastos tignan sa harapan ng pamilya ni Ryan. "Ayos lang kami ni Ryan. Right Hon" Sabi ko. Ngumiti naman si Ryan, Napataas rin ng kilay si Riana. Alam ni Riana na hindi pa sila ayos ni Ryan kahapon at ngayon ay nag kabati na sila kaya mahirap paniwalaan na agad sila nag kabati ni Ryan. "Yeah, Everything is fine" Tipid na sagot ni Ryan. Hinawakan naman ni Riana ang kamay ko, Nanlalamig kasi ako ngayon dahil sa pagka nerbyoso ko. "Finally, Naging kayo na ni Erlyn. Alam mo ba na four years ka nag hintay sakaniya? At ngayon naging kayo! Tadhana naman talaga" Sabi ni Carol. Natahimik naman ako kumain. Matagal na pala mag kilala si Ryan at Erlyn? Hindi ko manlang alam ang kanilang history. Is that how Ryan loves Erlyn? kahit anong years ay kaya nito hintayin? ang swerte naman ni Erlyn namay ganito siyang asawa. "Ikaw talaga Carol, Mahal ni Ryan si Erlyn kaya ganun katagal siya nag hintay. Para kay Ryan doon umiikot ang mundo niya. Am I right son?" Pagbibiro ng ama ni Ryan. Nawalan naman ako ng gana kumain sa pinag uusapan nila. Alam ko na bawal ako mag selos dahil isa lang akong kapalit ni Erlyn at nakikita niya sa mga mukha ng pamilya na masaya habang pinag uusapan si Erlyn. Ako ang nandito pero iba ang pinag uusapan nila. Sino ba ako? ako lang naman si Shaira. Mahirap at walang ipagmamayababang. "Oo ng dad pero Ryan alam ba ni Erlyn tungkol sa pamahiin? Baka makatulad siya sa first love ko at na die ng dahil-" "Tumahimik kana Carol. Alam mong na sa pagkainan tayo!" Inis na wika ni Riana. Napa smirk naman si Carol sa ginawa ng kapatid nito. Tinignan ko si Ryan nakatingin ito sakaniya ngunit binigyan niya lamang ito ng pilit na ngiti. Ng matapos sila na kumain ay agad siya pumunta sa garden kong saan may isang matanda siya'ng nakita sa pagkakaalam niya ay nasa fifty plus na ito. Agad niya naman ito nilapitan. "Ayos lang po ba kayo dito?" Tanong ko. Tumingin sakaniya ang matanda at ngumiti. "Ijah, Gusto mo ba mag tanim?" Tanong nito. Ngumiti rin siya at kumuha ng seedlings kumuha rin siya ng tools sa dala nitong balde. "Alam niyo poba na kahiligan ko ito sa bukid? Kasama ang mama at papa ko ngunit masayang alaala nalang yun para sa amin" Sabi ko habang malungkot na nag huhukay. Tinanggal naman ng matanda ang gloves nito. "Alam mo ijah, Naranasan ko narin na mawalan ng Ina at Ama pero nag pagkatatag ako para sa magulang ko" Kwento nito. Napatigil naman ako sa paghuhukay at tinignan ang matanda na ngayon ay tumutulo ang luha nito. Kumuha naman ako ng panyo sa bulsa ko at ibinigay sa matanda agaran naman din nito kinuha. "Mabait kang bata bakit kay Ryan kapa nag pakasal?" Biro nito. Natawa naman ako sa sinabi nito, Sa totoo mabait naman si Ryan sakaniya pero may pagka seloso ngalang. Hinawakan naman nito ang kamay nya. "-Alam moba si Ryan may pagka seloso yang bata na iyan? Kahit ng kay Ashton pinagdadamot ang laruan nito dahil si Ashton kasi ang pinakakamahal na anak ni Jonas kaya ganun ang ugali ni Ryan pero mabait rin yun na bata kahit papaano" Sabi ng matanda. Uminom naman ito ng tubig. Marami namang alam ito tungkol kay Ryan. Sino kaya ito? "Tama po kayo. May pagka seloso ng si Ryan lola" Sabi ko. Ngumiti naman ito sakaniya. "Love!!" Tawag ng pamilyar na boses. Napatingin ako kay Ryan na hingal na hingal ito lumapit sakaniya. Tumakbo ba ito? "Bakit parang pawis na pawis ka?" Tanong ko. Niyakap naman siya nito. "Nasaan kaba pumunta? Alam mobang nag alala ako sayo!" Inis na sabi nito. Bigla yata itong na inis? Kumalas ito sa pagkakayakap at tumingin sa matanda na sa harapan nila. "lola? Bakit nandito kayo sa labas?" Tanong ni Ryan sa matanda. Nagulat naman ako, Lola pala ito ni Ryan? Bakit hindi ko agad nalaman? Nag mano naman si Ryan. "Naku bata ka! Nag kwentohan lang kami ng asawa mo. Bigyan mo muna kami ng oras na mag kwentohan!" Sabi ng lola ni Ryan. Hinakawan ng lola nito ang kamay niya palayo kay Ryan. Ng makalayo kami ay tinignan ako nito. "Ijah, May oras kapang tumakas. Bakit kinuha mo ang trabahong ito?" Tanong ng lola ni Ryan. nagulat ako sa nalaman ko. Alam pala nito na hindi ako si Erlyn? "Kasi. Nasa hospital ang mama ko kaya kinuha ko ito. Sorry talaga lola" Sabi ko at lumuhod. pinatayo naman ako nito. " naku ijah, Alam ko na ikaw si Shaira sinabi sakin ni Riana dahil nahihirapan karaw sa mga kilos ni Ryan sayo. May nangyari naba sa inyo ng apo ko?" Tanong nito. "Opo" Nahihiya niyang sagot. Napabuntong hininga naman ito sakaniya. "Ijah, Alam moba ang mangyayare kapag nabuntis ka nya at malaman niya na hindi ikaw si Erlyn? Baka anong gawin niya sayo. Ijah ito ang tamang oras na umalis ka sa puder ni Ryan baka anong mangyare sayo kapag pinatuloy mo ito" Sabi nito. Natahimik naman siya sa sinabi ng lola ni Ryan. Tumulo naman ang luha niya, Napamahal narin din siya kay Ryan kahit isang buwan palamang niya ito nakilala. "Bakit mo ginugulo ang isip ko Ryan?" Sambit niya. Niyakap naman siya ng lola ni Ryan hinahaplos nito ang likod niya. "ijah kong mahal mo ang apo ko mamahalin karin niya. Pero hindi ko alam saan hahantong ang pagmamahalan niyong dalawa"Sabi nito. Natahimik ako at nag umpisang umiyak. kumalas ito sa pagkakayakap. "Nandito na si Ryan. Kailangan palagi kalang ngumiti" Sabi nito. Tumango naman siya, Umalis naman si Lola. Hinawakan ni Ryan ang kamay ko na nanlalamig. "May sakit kaba ngayon?" Tanong sakaniya ni Ryan. Tumalikod naman ako at tulalang nag lakad palayo. "Ayos kalang ba talaga?" Tanong ulit ni Ryan. Bumalik naman ang wisyo nya at tumingin kay Ryan na ngayon ay may awa ito sa mukha. Lumapit ito sa akin at hinipo ang noo ko. "Bakit ang lamig mo ngayon?" Tanong ko. Bigla naman itong ngumisi. Hays iba talaga ang tama ng lalakeng ito sakaniya isang paglalambing o care lang nito ay napapasonod lang siya. "Ryan, Ma-" Hindi ko kaya sabihin ang salitang mahal! kahit gustong gusto ko. Niyakap naman siya ulit nito. "Alam ko na mahal mo ako" Sabi nito. Salamat ayna intindihan ni Ryan ang hindi niya kayang sabihin sa harapan ni Ryan. Mahal niya si Ryan kahit hindi pwede. "Kailangan na natin mag ligpit ng gamit" Sabi nito. Tumango naman ako at ngumiti. Pumasok naman kami sa mansyo at pumasok sa kwarto. kaniya kaniya sila kumuha ng gamit na dadalhin nila kailangan ready na sila ngayon dahil ngayon gabi ang flight nila patungo sa NewYork.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD