Nakahiga ako sa kama habang tinitignan ang kisame na kumikislap. May pumasok naman sa kwarto at nakita ko si Irish na nakataas ang kilay na papalapit sa akin "Oh! Ang ganda naman ng higa mo? Ako ang nahihiya sayo Nica! Alam mo ba na kabit lang ang mom mo? Bakit pag siksikan mo pa ang sarili mo dito? " tanong nito. Bigla naman uminit ang tenga ko sa sinabi nito tumayo ako at tinignan ito ng deretsyo. "Wala akong pakialam sayo! Alam mo ba sino ang mahal ni dad-" "You have no right to call my father! Dahil ako lang ang anak niya! Sa ibabang uri lang ang ina mo kaya matuto kang lumugar Nica!" sigaw nito. malakas ko naman sinampal ito kaya napakapit ito sa cabinet na nasa gilid nito. Sasampalin sana ako nito ng bigla bumukas ang pintuan at niluwa doon ang galit na mukha ni papa na tumingin

