Napatingin si Shaira sa anak na babae habang ang ang anak niya naman na lalake ay tudo tanggi na wag pumasok sa bus. Napabuntong hininga nalang niya minamasdan ang papalayong bus kahit labag sa kalooban niya na umalis ang dalawang kambal. "Magiging maayos rin sila hon, ok!" Sabi ni Niel sakaniya niyakap naman siya nito. "Sige aalis na muna ako. May business ako ngayon ikaw meron kabang gagawin?" Tanong niya sa asawa. Napabuntong hininga naman ito sa sinabi niya, alam niya na kulang sila sa time na makabonding ito pero tambak siya ngayon ng trabaho kaya kailangan niya muna yon tapusin. "Aalis ako mamaya, ihahatid na kita" Sabi nito. Ngumiti lang siya at pumasok sa kotse at binuhay naman ito ni Niel. "Sino ang kameeting mo ngayon? Sa pagkakaalam ko may ka meet ka ngayon! totoo ba yun?" T

