BEGINNING OF ALL

5000 Words
Pumunta si Ryan sa airport para sundoin ang kaniyang Fianćee na si Erlyn. Nakangiti niya minamasdan itong papalapit sakaniya. Sa nakalipas na panahon ay naging sexy pa ito at naging mas maputi mga matang mapupungay tila nag papa-cute sakaniya naging mas mataas ang buhok nito hanggang bewang. Ng makalapit ito ay ginawaran niya ito ng halik na miss niya ito six years siyang nag hantay kay Erlyn sulit naman dahil bunos sa mga halik nito. Akala niya ay makakalimutan na siya nito. "Ang gwapo mo tignan ngayon!" Nakangiti na wika nito sabay halik sa cheek niya. Gumanti siya ng ngiti. Ganito parin ito sakaniya malambing at palagi siyang tinatawag na handsome! Mga babae ng naman. "Ikaw rin naging doble ang ganda mo!" Sabi niya. Pinulupot nito ang kamay niya sa balikat. Nakangiti nalamang siya at pumunta sila sa labas ng airport may kumuha sakanila isang black na kotse ang nag mamaneho ang personal assistant nyang si Brix. Pinag buksan niya muna ng pinto ang kaniyang Fianćee, Pumasok narin siya. "Kumain muna tayo sa resto" Ayaya niya. Ngunit napalinga linga ito at humiga sakaniyang balikat tila pagod na pagod ito sa byahe. Napangiti nalamang siya habang minamasdan ito. "Ryan kailan mo ba ako ipapakilala sa dad at mommy mo! Gusto ko lang kasi na makilala sila" malambing na sabi nito. Agad naman siya natigilan sa sinabi ni Erlyn kasi first nalaman niya ay takot ito sa magulang niya. Ang mom niya kasi strict at pati si dad kaya takot na takot ito at ngayon ito nag sabi na ipakilala na niya ito sa magulang. "Are you sure? Baka mag backout ka nanaman!" Pang-aasar niya. Napatingin ito sakaniya ng parang hindi nagustohan ang sinabi niya. Agad niya ito niyakap. "Akala mo ba nag bibiro ako!" Paawa effect na sabi nito. Napatawa nalamang siya sa reaction, Hays! Ganito naba talaga siya ka desperada ngayon na ipakilala nya ito sa magulang. Niyakap niya ito. "Wag kang mag alala. Yun naman talaga ang plano ko na ipakilala kita sa magulang ko. Malambot na ang puso ni mom si dad naman pinapayagan niya ako na mag pakasal sa babaeng mahal ko!" Nakangiti nyang sabi. Napayakap ng mahigpit ng fianćee at alam niya ito na oras na mag pakasal sila ngunit may balakid talaga yung sinasabi nila dad na isang pamahiin sa pamilya nila. If makasal siya sa una nyang magiging asawa ay mamatay ito i think hindi naman yun totoo. Baka gawa gawa lamang ng mga matatanda. Papakasalan niya si Erlyn kay anong mangayre! Dahil mahal niya ang babaeng ito. Ng makarating sila sa mansyon ay kinakabahan naman si Erlyn na pumasok sa bahay. Second time na siya nakapunta dito at narito parin sa puso niya ang kabang nararamdaman. Ilang taon nang lumipas ngunit bumabalik ang alaala na may nangyare sakanila ni Ashton ang kapatid ni Ryan. Hindi nya sinasabi ang totoo dahil mahal niya si Ryan at inaakit lang siya nito noon kaya nag ibang bansa siya upang kalimutan ang lahat na nangyare. Dumating naman si Mr,Ledrado ang ama ni Ryan. Umupo sila sa sofa. "Nice to meet you ijah! Mukhang nag kita na tayo!" Sabi ng ama nito. Agad siyang kinabahan dahil nakita siya nito na kasama si Ashton sa motel ngunit agad naman niya yun tinakpan ang kanyang mukha. Mabubuko yata siya dito. "Baka nag kakamali lang kayo sir" sabi niya at pinilit ngumiti. Tumawa lang ito sa sinabi niya. Bigla naman siyang napayuko dahil sa kabang nararamdaman. Bakit paba siya nandito sa mansyon palagi nalang niya na alala si Ashton!. Anong gagawin ko ngayon! "Ijah! From now on call me tito, papa or dad," nakangiti na wika nito. Nakahugot naman siya ng malalim na hininga akala niya ay na alala ng ama nito. "Yes po papa" nakangiti nyang wika. Winawaksi niya naman ang alalahanin. Hinawakan ni Ryan ang kaniyang kamay, Tumayo naman si Mr, Ledrado. "May ipapakita ako sayo ijah" sabi ni Mr, Ledrado. Tumungo naman sila sa isang gallery, maganda naman ang pagkakagawa ng art gallery may mga mukha ng mga matatanda at ang ilang ay sikat na painter. "Lolo at lola ko yan" Bulong ni Ryan sakaniya sabay turo sa mga mukha ng mga matatanda. Sa pagkakaalam niya ay ilang taon na ang nagdaan dahil sa kalumaan ng painting. Agad siyang tumango. Agad silang napahinto ng tumingin ang ama ni ryan sakin may hawak itong papel de hapon at lumang nakalagay. "Alam mo ba ano ito?" Tanong ng Ama nito. Sabay tingin sa papel de hapon. kunot noo naman siya sa sinabi ng ama ni Ryan. "Dad stop it! Hindi maniniwala si Erlyn diyan!" Na iinis na wika ni Ryan. Napakunot noo siya dahil mukhang seryoso ang babanggitin ng papa ni Ryan. "It's ok Hon" nakangiti niyang wika. Napatigil naman si Ryan sakaniya, Kailangan din naman niya malaman dahil ayaw niya na mag tago ng lihim sakaniya si Ryan. "Nangyare din ito sakin" simula nito. Umupo ito sa mataas na upoan, Umupo din sila ni Ryan upang pakinggan ang pag kwento nito. "- Sabi ng lolo ko na kapag nag aasawa ang aming pamilya at ito ay may mamatay. Hindi ako na niniwala sa ganun na pamahiin. Kaya nag pakasal ako kay Lisana ito ang pinakamamahal kong babae at ito ang una kong pinakasalan ngunit namatay ito dahil sa isang colon cancer. Akala ko hindi totoo labis ako nag sisi kong bakit ko pinakasalan ang babaeng minahal ko sana ay hindi ko muna iyon pinakasalan" Sabi nito. Kinakabahan siya sa sinabi ni tito sakaniya. Totoo ba talaga ang kanilang pamahiin? "Napapasa ba ito?" Tanong niya. Marahan na tumango si Tito. Bigla naman siyang kinabahan at tinignan si Ryan namay kahulugan ngunit niyakap siya nito. "Shss.. Wag kang maniwala" sabi ni Ryan at pinatahan siya. Hindi niya alam umiiyak napala siya. "Nasahuli ang pasisi Ryan!" Sabi ng ama nito. Tumayo ito at umalis sakanilang harapan. "Wag mo siyang intindihin love. Let's eat outside! Kumain muna tayo" sabi ni Ryan. Tumango naman siya. Ayaw niya sirain araw niya dahil sa kwento ng ama nito, Alam niya hindi yun magiging totoo. Sa kabilang dako naman ay si shaira umiiyak habang tinitignan ang ina na sa coma parin dahil nabangga ito sasakyan. Wala na siyang ama na masisindigan sa kagipitan wala din silang pera na ipang gastos sa Hospital ayaw niya rin mangutang baka magalit lang ang kaniyang ina ng dahil dun! Kailangan niya itaguyod ang kaniyang sarili, Isa lamang siyang babae na nag titinda sa palengke. may kalenderya naman sila ngunit hindi sapat yun upang ma operahan ang nanay niya. Saan kaya siya kukuha ng pera na pang opera ng nanay niya. Pumunta siya sa grocery upang mamili ng kakailanganin sa calenderya inuubos niya rin ang oras niya sa trabaho upang may magastos sa araw-araw! San kaya ako makakuha ng offer na malaki? "Kung magka totoo ang sinabi ng dad mo?" Tanong ni Erlyn sa masaganang pagkakain nila. Natigilan siya at tinignan ang finaćee. Iniisip ba parin nito tungkol sa pamahiin, Hindi naman siya na niniwala sa mga pamahiin nag kataon lang siguro yun sa daddy niya o mga lolo niya baka hindi yun totoo. "Love! Pagtatalunan nanaman ba natin ito?" Na iinis niyang sabi. Tumayo naman ito at pumunta sakaniyang likod. Hinihilot nito ang kaniyang balikat hanggang pumunta ito sa dibdib niya. "Nag alala lang ako sa relasyon natin!" Malambing na boses nito. Umupo ito sa lap niya tinatanggal nito ang kaniyang botones. Nang iinit naman siya sa ginawa nito, Alam na alam na nito ang kahinaan niya. Siniil siya nito ng halik habang ang mga kamay nito ay tinatanggal ang belt. Lalo siya'ng nag init sa ginawa nito, Agad naman niya ito binuhat pagitan sakanilang pag hahalikan. Binuhat niya ito papunta sakaniyang kwarto. Napasandal pa siya sa pader ng huminto ito sa paghalik. "Honey! ee Reserba nalang natin ito sa honeymoon ok!" Sabi nito. Humalik ito sakaniyang pesngi. Napanga-nga siya sa ginawang pag bitin nito. "Wag mong masasamain Hon. Baka magalit ka sakin!" Malambing na sabi nito sabay yakap sakaniya. Yumakap narin siya baka hindi pa handa ito. "Ayos lang! Pupuntahan ko rin ang mga kaibigan ko. Sasama ka?" Tanong niya. Kunot noo ito napabitaw sa yakap, Parang may iniisip ito. "Hmm.. Nandoon ba si Ashton?" Tanong nito. Nakikita niya sa mga mata nito na sabik sa isasagot niya! Baka hindi makakapunta si Ashton dahil may business trip ito. Pero inimbeta niya ito para malaman nito na ikakasal na siya! Hindi din niya gusto na hindi ito makapunta! "I don't know love! May business trip siya baka hindi makapunta si Ashton bakit mo na itanong?" Tanong niya dito. "Wala lang. Baka kasi hindi niya malaman ng kapatid mo na ikakasal na tayo" sabi nito. Pilit naman siya'ng ngumiti. Inayos niya muna ang sarili bago sila umalis dalawa. Hawak kamay sila ni Erlyn na pumasok sa bar. Agad niya naman tinignan ang paligid, Wala ang mga kaibigan niya sa paligid! Pumasok kaya ang mga kaibigan niya sa V.I.P room? Pumunta naman sila ni Erlyn sa room. Nandoon ng mga kaibigan niya pati si Ashton. Napahawak ng maigi si Erlyn sakaniya. Kinkabahan ba ito? Dahil nandito ang kaibigan nya? Of course not! Kilalang kilala na ni Erlyn ang mga kabigan nya kaya paano ito nakabahan? Ng umupo sila ay nakakapit si Erlyn sakaniyang braso. "Dude? Bakit gusto mong uminom ngayon?" Tanong ng kaibigan nyang si Levi. Nakangiti niya naman minasdan ang fianćee niya na ngayon ay tinaas nito ang kamay namay Diamond ring. Napa Wow ang kaniyang mga kaibigan. Maliban sa kuya nyang si Ashton na parang may iniisip. Binalewala naman lamang nya baka tungkol lang sa business ang iniisip nito. "Hon, Mag babanyo muna ako!" Bulong sakaniya ni Erlyn. Isang tango lamang ay umalis na ito, Tumayo rin si Ashton ay tumingin sakanila. "I need to go!" Sabi nito. "Teka! Ashton, I celebrate muna natin ang pag papakasal nya kay Erlyn!" Nakangiti na wika ni Owen isa sa mga kaibigan niya. Ngunit tinapunan lang nito si Owen, Umalis na si Ashton nakabuntong hininga. "Pare! Napaka suplado naman ng kapatid mo!" Lasing na salita ni George. Napataas lamang siya ng kilay sabay lagok ng beer. Habang si Erlyn naman ay para siya'ng binuhusan ng malamig na tubig ng nakita niya si Ashton! Napahilamos siya ng mukha gamit ang tubig! At tumingin sa salamin. "Nakalimutan na siguro ang pass nito kaya wag kang mag alala Erlyn!" Sambit niya. Kinuha nya ang bag malapit sa lababo palakad palamang siya ng nakita niya si Ashton na sa pintuan. Nakatingin ito sakaniya na madilim, Lumapit ito sakaniya kaya napaatras siya hanggang ang lababo na ang nag pahinto sakaniya. "Kamusta naman ang darling ko!" Sabi nito. Ni lock nito ang pintuan ng Cr. Kaya kinabahan naman siya sa gagawin nito sakaniya. "Anong gagawin mo sakin?" Garalgal niyang boses! Ngunit tumawa ito nakakaloko. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pinulupot doon sa leeg nito. "Hmm.. Mag lalaro lang naman tayo!" Sabi nito. Hinalikan siya nito ng mapusok nawalan naman siya ng lakas na itulak ito, Ganito parin si Ashton sakaniya alam ang kaniyang kahinaan. Naging aggressive ang paghalik nito hanggang kamay nito ay lumalakbay sa likod ng kaniyang katawan. Tatanggalin sana nito ang suot nya ng may kumatok sa pinto. Agad naman bumalik ang kaniyang realidad at itinulak ng malakas si Ashton. Ngunit tumawa lamang ito sakaniya. "Good darling! Naging sweeter kapa ngayon!" Sabi nito. Napailing nalamang siya at binuksan ang pinto. Gulat siya kong sino ang nakatayo sa harapan niya si Ryan! Kinabahan naman siyang niyakap si Ryan, Narinig kaya nito ang ang pag uusap nila ni Ashton! Wag naman sana! "Sorry!" Tanging sambit nya. "Love? Are you ok?. Kanina pa kitang nakikitang ganiyan, Kong hindi ka comfortable pwede naman tayo umalis!" Sabi nito at niyakap rin siya pabalik. "Sa totoo hindi parin ako sanay sa bar. Sa bahay lang kasi tayo noon umiinom kaya nahihilo ako dito!" Pag sisinungaling niya. Niyakap naman siya ni Ryan ng mahigpit. "Ok uuwi na tayo!" Sabi nito. Nawala naman ang kaniyang kabang nararamdaman. Pumasok na sila sa kotse at tinignan si Ryan na tahimik lang ito nag mamaneho. Hindi niya akalain ang tagpo na makakasama niya ang baliw na iyon! Hindi talaga siya titigilan ni Ashton kapag hindi siya makukuha! Alam niya na malaking kasalanan na nag taksil siya kay Ryan noon! Pero sana naman na wag na ngayo'ng maulit! Ayaw na niya! Napahilamos siya ng mukha! Hindi niya alam anong gagawin! Na iinis siya sa sarili hindi nya kayang takasan ang nakaraan! Ang una nyang nakilala si Ashton talaga ngunit hindi niya alam na nagugustohan niya narin ang kapatid nito na si Ryan! Nag dadalawa siyang isip kong sino ang kanyang pipiliin! Ngunit naging mabilis ang pagtibok ng puso niya kapag si Ryan ang kasama kaya ito ang pinili niya. Napabuntong hininga naman siya at pilit winawaksi lahat ng nakaraan nila Ashton!. "Ikaw Shaira mag laan kanaman para sa sarili mo!" Inis na wika ng tita nyang si Helen. Tumango lamang siya bilang sagot. Ito naging nanay nanayan niya at binibigyan din siya ng pera nito upang makaipon siya sa pag-aaral ngunit binabayad niya lamang sa hospital ng nanay niya. Naawa rin siya sa sarili dahil kailangan may ibang tao pang maawa sakaniya upang maging malakas siya at masipag sa pag tratrabaho. "-Alam mo Shaira! Swerte siguro ang magiging asawa mo! Bukod na maganda kapa mabait, masipag at masarap mag luto! Magiging maganda ang future mo!" Wika nito. Kumakain kasi sila ngayon kaya ganito ang komento ng tita Helen niya dahil siya ang nag luto. Nagiging yaya narin siya sa bahay ng tita nya kahit papaano ay makakaipon siya kahit three hundred lang araw-araw. Malayo siguro sa hinaharap ang sinabi ng tita nya baka magkanda letse-letse lang ang buhay niya kapag mag aasawa siya! Wala ng siyang pera anak pakaya? Diyos ko! Sumasakit lang ang kaniyang ulo sa mga ganiyang bagay! May problema pa ng siya sakaniyang Nanay kaya ayaw niyang dagdagan yun! "Wala kopa sa isip yan tita" sabi niya. Sumubo naman siya ng pagkain. "Alam mo wala namang masama kong susubukan mo Shaira! Kong ako ang naging lalake ikaw ang pipiliin ko!" Sabi ni tita Helen. Napangiti nalamang siya. Hays! Sana ganito din ang mama niya! Pagkatapos ng masarap na pagkainan nag huhugas naman siya ng plato ng may tumabi sakaniya si Niel. Ito ang inampon ng tita Helen nya, Gwapo naman si Niel at palagi siya nito inalagaan kaya ng lalo siya humanga dito. Ngunit di siya pwedeng ma inlove muna dahil ang atensyon niya ay nandoon sa ina nya. "Alam mo Shaira, Mag pahinga ka muna ako na diyan!" Sabi nito. Kinuha nito ang pinggan na nasa kamay niya, Hinila naman niya ito. "Ako na! Baka mapano ka! Baka malaman ito ni tita mapapagalitan ako ng dahil sayo!" Sabi niya at binawi ang pinggan. Inis naman din nito kinuha ang pinggan. Nag hihilahan naman sila kung sino ang mag huhugas ng plato. Hanggang nabitawan nila ito kaya nabasag sa sahig. Inis niya naman ito tinignan. "Ikaw kasi! Nang iinis kaba talaga huh! Akala mo ba hindi ako na iinis sa ginagawa mo!" Galit niyang boses. Agad siyang umupo upang kunin ang mga basag na parte ng pinggan. Ngunit nasugatan ang kaniyang daliri. "Ako na ang titingin!" Inis na wika ni Niel. Kinuha nito ang kamay niya, Hinila naman siya nito papunta sa sofa. Kumuha ito ng medical kit. Tinitignan niya lamang ito habang ginagamot ang kaniyang daliri. Napangiti siya ng palihim sa ginawa nito. Talagang mahuhulog na siya sa ginagawa pag care nito sakaniya! NAKANGITI siya habang tinitignan ang Fianćee niya habang papalapit sa mesa. May pupuntahan pa ito kaya naging maaga ito gumising. Siya rin ay abala sa mga kakailanganin sa wedding nila. "Honey, Pupunta muna ako sa mga kaibigan ko, sa hapon rin may painting akong gagawin. Ayos lang ba sayo kong hindi ako maaga dadating?" tanong nito. Tumango naman siya. Sinusuportahan niya ang mga gusto alam naman niya namay tiwala siya kay Erlyn! Humalik muna ito sa pesngi niya bago umalis. "Anong schedule ko ngayon?" Tanong niya sa personal assistant. May tinitingnan naman ito sa folder mga kailangan na mga gawin nila. Kailangan makalaan sila ng oras para sa pag asikaso sa wedding nila ni Erlyn. "May meetings kayo ni Mr,Acustin mga eleven am" sabi nito. "About?" Tanong niya. "Para sa pagtaas ng share niya" Napatayo siya ng bahagya bakit gusto nito pataasin ang persyento nito! Anong balak ng matandang iyon. "ee cancel mo ang appointment ko ngayon! Sabihin mo sakanila na wala akong time na makipag sosyo dahil may gagawin pa ako!" Mahinahon niyang paliwanag. Yumuko naman ang personal assistant at umalis upang ipabatid ang kaniyang sinabi. "Ano kaya ang plano ng dad ni Erlyn? Bakit pinataas nito ang share ng companiya?" Palinga linga nyang wika. "Kamusta na?" Tanong ni Ariel Best friend niya matagal na nya ito kaibigan. Uminom muna siya ng coffe bago mag salita. "Ayos naman" tipid na sagot niya at pinatingin ang kaniyang diamond ring. Kunot noo ito napatingin sakaniya. Hindi siguro ito na niniwala na ikakasal na siya kay Ryan. "Ayos na pala kayo ni Ryan. By the way congrats, So kailan ka ikakasal?" Sabi nito. Kailan ng ba sila ikakasal ni Ryan? Baka inisikaso na ni Ryan ang lahat kaya wala siyang magiging problema. "I don't know, pero sasagaraduhin ko muna na hindi totoo ang pamahiin" sabi nya sa kaibigan at pilit ngumiti. Taka lang ito nakatingin sakaniya. "Do you mean na niniwala kaparin sa pamahiin na iyon? Di ba ang kapatid nilang si Carol nag pakasal kay George wala namang nangyare!" Sabi nito. Umiling siya dahil ang una na pinakasalan ni Carol si Frank ngunit namatay ito. Na alala ng pa niya na cardiac arrest si Frank. "Pangalawa na nya iyon ni Ariel. Hindi ko alam kong paano kong mangyare sakin ang nangyare kay prank mahirap na!" Sabi nya sabay irap. Napabuntong hininga naman ang kaibigan niya. "Kung sabagay kailan mo talaga ng panahon upang malaman ang mga bagay na iyon! The question is how can you prove that superstition is really true?" tanong ng kaibigan. napaisip siya sa isasagot nya. bago siya mag pakasal kailangan may mag komperma muna kong totoo parin ba ang pamahiin kailangan niya ng pa'in, Upang malaman nya ang katotohanan The question is who else? "Tinawagan kita para diyan, May mga connection ka kaya madali mo makukuha ang gusto ko diba Ariel?" diin nyang tanong. tumango ito bilang sagot. "I'll take care of it. anong date ba ang kasal nyo upang makakuha narin ako ng kapalit mo" tanong nito. hindi nya pa talaga ang alam i move siguro nya sa susunod na buwan upang makahanap siya ng kapalit. "I do not know! but next month Ariel kailangan may papalit sakin" sabi ko. tumango ito bilang sagot. nawalan din siya ng kabang nararamdaman. pagkatapos nila mag usap ni Ariel ay agad siya'ng tumungo papunta sa painting class niya. Ariel is looking for who will replace Erlyn at the wedding. kailangan makahanap sya upang hindi magalit sakaniya Si Erlyn all his connections he called as well as his high class friends! may isa'ng private secretary niya ay may nalanghap na information. ibinigay nito ang folder na hawak nito, Napangiti siya habang hawak hawak ang larawan ng kamukha ni Erlyn. binackround check niya rin ang information ni Shaira. Na hospital ang nanay nito and has not yet paid her mother’s medical bills. kayang kaya niya pala ito agad mapapayag dahil may problema rin pala ito sa gastos ng pang araw-araw na kakailanganin! tinawagan agad niya si Erlyn upang malaman nito at wala na itong pro-problemahin. "I found something!" sabi niya. "Anong something na iyan?" Tanong nito. napangisi siya habang tinitignan ang larawan ni Shaira. maganda rin ito tulad ni Erlyn kamukhang kamukha talaga. "I've seen who will replace the wedding!" sabi nya. "Really? thanks! mag kita nalang tayo bukas may painting class pa ako!" sabi nito at pinatay ang tawag. hindi narin siya nag isip ng ano-ano kinuha niya ang wallet at umalis sa condominium. Shaira, on the other hand, cooks pancit alamang dahil ito ang paborito ng mama nya ngunit hindi pa ito nagigising still coma parin ang mama nya. hindi na tulad ng dati masaya pa sya habang kumakain ng pancit kasama ang papa at mama nya at ngayon nag bago! na! "Shaira ayos kalang? umiiyak kananaman!" na babanas na sabi ni Niel. ayaw kasi nito na tumitingin ito sakaniya habang umiiyak. nakalimutan nya tuloy na sa gilid lang pala nya si niel habang nag luluto. "Hindi kaba malulungkot kapag na alala mo uli ang mga nakaraan ng pamilya mo? mga memories na sariwa pa?" Tanong niya. tila parang nagising sa katotohanan si Niel sa sinabi nya. akala siguro nito na umiiyak sya ng walang dahilan. "Ganito kasi ako dahil hindi ko nakita ang totoo kong magulang!" inis na wika nito at padabog umupo sa upoan. napabuntong hininga lamang siya bago din umupo sa sofa kakatapos nya lang mag hain ng pancit alamang. "if you see your real parent? tatanggapin mo ba parin sila?" Tanong nya. Tinitignan nya lamang ang kisame at iniisip ang sagot nito ngunit ilang minuto hindi ito sumagot. kaya banas niya ito tinignan. "if makita ko ang real parent ko? diko sila tatanggapin!" Inis na wika nito. "Hindi? Kahit balik baliktarin mo pa ang mundo parent mo parin sila!" Sabi ko. iniisip naman nito ang sinabi niya. "Sana hindi nalang sila nag exist sa mundo! sino bang magulang na gustohin na ewan ang anak sa kalsada at sanggol pa!" sabi nito. padabog ito tumayo at umalis. He really can’t change that niel’s habit! seryoso parin ito sa mga bagay at ayaw makasalamuha ang mga mayayaman at pihikan din ito sa babae tsk! Oo ngapala pupuntahan nya pa sa hospital si Mama. agad naman siya'ng nag bihis at pumunta sa hospital. ng makapasok siya sa hospital may babae namang nakaupo sa waiting area at tinitignan siya mulo ulo hanggang paa. maganda ba siya sa paningin? lumapit ito at tinignan siya ng mabuti. "Mag katulad ng kayo ni Erlyn!" Sambit nito. ano? sino ang katulad ko? sa ganda kong ito may tutulad pa sakin? "Anong sabi mo?" Tanong nya. napalinga linga ito at ngumiti. Hindi nya talaga mabasa ang na sa isip ng babae na nasa harapan nya. sino ba ito? kamag anak kaya nya ito? tsk ang ganda naman yata' "Can we talk outside first?" tanong nito. tumango naman siya kahit ngayon nya lang ito nakita ay agad siya umoo tsk ang galing siguro nito mag pa uto?. pumasok sila sa coffe Mukao isang mamahalin na coffe shop napaka elegante naman ng kaharap nya ngayon. "I'm Ariel, Ako ang may-ari ng coffe shop na ito. maganda right?" tanong nito. pinapunta lang ba siya nito upang e ipag sabi ang walang kwentang bagay? "pwedeng deritsyohin mo ako! Hindi ako nag sasayang ng oras!" Sabi ko. ngumiti naman ito naparang nag pipigil lang ma inis sakanya. so kasalanan nya ba? mayabang kasi! "Fine, May offer ako na magugustohan mo!" Sabi nito. trabaho kaya? sana naman! " At ano naman yun?" Tanong nya. ngumiti ito na parang may iniisip. "Mag papakasal kalang at aalis karin yun lang!" sabi nito. ano? mag papakasal at mag divorce na agad! ang dali naman yata' "-Bibigyan ka namin ng three hundred thousand per week! ayos lang ba sayo?" Tanong nito. what three thousand per week? prank ba ito? sino naman mag bibigay sakin ng ganiyang kalaking pera? "Nag papatawa kalang diba?" Tanong ko. ngunit seryoso lang talaga ang mukha nito! " you are wasting my time!" sabi nito at tumayo kinuha nito ang sling bag na nakakapit sa gilid ng chair. "Pag isipan mo ang sinabi ko ,this is my calling card tawagan mo lang ako" sabi nito at tuloyan nang umalis. Tinignan nya naman ng maigi ang calling card. kung tatanggapin niya ba ang offer ng ariel na iyon ay mababayaran na nya ang hospital bills nila? at maahon na sila sa hirap at makakapag college narin siya? Ryan smiled as he was with his fiancee. nandito sila sa opisina kasama ang daddy ni Erlyn kaya naging maaga ito umuwi dahil gusto pag usapan ni Erlyn ang pagtaas ng share nito sa companiya nila. "Dad, Fiancee na ako ni Ryan" Sabi ni Erlyn. nakakapit si Erlyn sa braso niya. "So next weak na ang kasal niyo?" Tanong ng Ama ni Erlyn. nakatinginan silang dalawa bago nag salita si Erlyn. "Yes Dad!, Bibigyan agad ko kayo ng apo. right honey?" tanong nito. ngumiti lamang siya at umupo ng maayos. tumango naman ang ama nito. nag pasalamat siya sa babae na sa harapan nya dahil inurong ng Ama nito ang pagtaas ng persyento ng share! pagkatapos mag usap ay agad na silang umalis ni Erlyn sa opisina, kumain muna sila sa isang mamahalin na restaurant at doon pinag usapan ang kanilang kasal. Nandito ako sa rooftop ng hospital gusto ko mapag-isa hindi ko alam ang gagawin kailangan ko makahanap ng pera upang ipang gastos kay mama. tinignan ko ang calling card ni ariel iniisip nya kong papayag ba sya hindi naman kasi madali ang pinagagawa ni ariel sa totoo ayaw nya ng ganito! Kinuha nya ang phone at tinawagan si Ariel. "Sino ito?" Simula ng kabilang linya. "Si Shaira ito! Papayag na ako!" Sabi ko. "Are you sure about tha't? sige pumunta ka sa coffee shop at sasabihin namin sayo ang totoo!" Sabi nito. "Sige!" sabi nya pinatay na nito ang tawag. Napabuntong hininga nya tinignan ang cellphone. Sana ito na ang Susi na mababayaran na nya ang Hospital bills nila. Na sa coffe shop sya hinihintay si Ariel. napatingin sya sa pinto napatayo narin sya may kasama itong babae maganda at mayaman ang dating. "Let's sit down!" sabi ni Ariel. Umupo sya tinanggal ng babae ang facemask gulat sya dahil kapareho nya ang mukha nito. "Alam kong nagulat kita. It's just a favor! can you help me right?" Tanong ng babae. Tumango sya bilang sagot. " Siya si Erlyn. Shaira! Siya ang ikakasal pero ikaw muna dahil may problema sya wag kang magulohan. Hindi ito about sa drugs, eligal o anoman ang iniisip mo ngayon, Sa kasal lang talaga!" Sabi ni Ariel. tumango tango ako, Ngumiti naman ang dalawa. "Masyadong mataas ang buhok ko, Ang buhok mo masyadong maikli hanggang balikat lang hindi ko type ang ganiyan alam yan ni Ryan alam mo rin yan Ariel diba?" Inis na wika ni Erlyn. napalunok naman si Ariel masyadong maldita ang Erlyn na ito ah! "Sa sabihin lang nya ayaw ko na mataas na buhok dahil gusto ko ibang iba naman ako. Diba? magugustohan yun ni Ryan" Natatawa na wika ni Ariel. pilit ngumiti si Erlyn tumingin sakin. "Fine, sign this contract! yan ang nag papatunay nakipag deal ka sa amin. Three Months lang ang pagtatagal mo sa Asawa ko ok!" Sabi nito at diniin ang pag sasabi ng Asawa. napalinga linga lang ako at pinirmahan ang kontrata. "What should I do? magiging fake wife ako ng husband mo? paano kong nalaman nya na nag sisinungaling ka at at ako pinag palit mo?" seryoso nyang tanong. tumahimik naman si Erlyn sa sinabi nya. " hoy wag mo nga pag salitaan ng ganyan si Erlyn! Grabe ka!" Inis na wika ni Ariel! Anong masama sa tinanong ko? may limit ba? kong alam nila na magiging ganito sana pinig isipan muna nila! "Kung malalaman yun ni Ryan alam ko kong sino ang may kasalanan at ikaw yun! hindi malalaman ni Ryan kapag walang mag sasalita tama ako diba?" Sabi ni Erlyn tumango naman sya bilang sagot. pilit din ngumiti si Ariel. "Sana naman elegant ang pakikipag tungo mo kay Ryan dahil ganun ang personality ko! hindi rin ako nakikipag usap sa mga katulong palagi ko kasama ang kaibigan ko at mga natitirang oras sa painting Class understood?" Sabi nito. anong klaseng babae ba ito? bakit ganun? hindi ko nakakayanan na makipag usap sa mga mayayaman alam nila yan! ayaw ko sa mga ganyang tao! Bakit pakasi ako pumayag sa ganito! "Paano kong hindi ko nagawa?'" Tanong nya. "Fine! pilitin mo ang gusto mo! basta hindi malalaman ni Ryan!" Sigaw nito at umalis. Nag back out? fine pipilitin ko ang gusto ko! "bukas ka na mag sisimula, Friday na bukas kaya kailangan mong mag simula dahil lunes na ang kasal nyo ni Ryan!" Sabi nito. tumango naman sya at pilit ngumiti. umalis na rin ito, Ito ba ang kalakalan ng mayayaman! may mga secreto na hindi pa nabubunyag! hays! kong ganito lang hindi nalang ako mag aasawa ng mayaman! Sa kabilang dako naman si Ryan ay na sa opisina iniisip ang kasal ni Erlyn. napalinga linga sya sakaniyang iniisip paano mag ka totoo ang pamahiin na iyon? hays! "Son are you ok?" Tanong ni Mom. may dala itong tray na pagkain. "mom totoo ba ang pamahiin?" Tanong nya sa ina habang nilalapag nito ang mga pagkain. " hmm Oo. pero baka nag kataon lang iyon sa dad at mga lolo mo" Sabi ni mom. tumango naman sya bilang sagot baka ng oo! Nag kataon lang yun! "Salamat ng pala na tanggap niyo si Erlyn. Mom" Sabi nya at ngumiti sa ina. tumango lang ito bilang sagot sakanya, Suportado siya sa ina ang ama nya naman ay palagi bina banggit ang pamahiin na hindi naman totoo! "Son, is that really serious when you get married? Baka gusto mo pang mag back out?" Tanong ng ina. napalinga linga lamang sya gusto nya na makasal si Erlyn ayaw na nya itong pakawalan sa piling nya. "Oh sya! Basta ang hiling ko lang na mabantayan mo ng maayos ang iyong kalusugan kahit may asawa kana palagi mo babantayan ang sarili mo!" Sabi ng ina. Ngumiti sya sa pag alala nito. niyakap siya nito gumanti rin sya. "Nak! Basta wag mo bigyan ng sakit sa ulo si Erlyn! mabuti yong bata! tignan mo ng yung kapatid mong si Ashton wala paring babae na liligawan! pihikan ang kapatid mo!" Natatawa na salita ng ina at kumalas sa pagkakayakap. " Opo mama! Pupunta ka sa kasal diba?" Tumango lang si mom
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD