AVERY’s POV
DAHIL iniwan ako ni Sir Blythe sa greenhouse nagpapadyak akong bumalik sa masyon at sinuyod ang daan pabalik kung saan kami dumaan kanina. Gusto ko na talaga sumigaw sa inis. May moment na eh, naroon isang kembot na lang talaga bibigay na iyon si Sir Blythe at maging soft na ang trato sa akin. Aba Mantakin mo naman, si Sir Caelan ang ganda-ganda rin ng timing sa panira ng moment! “Argghhh!”
“Avery,” tawag ni Manang Bising nang makasalubong ko sa pathway papasok sa dirty, “pinapapunta ka raw ni Doña Gabriella sa tea room.”
Napasinghap ako.
“A-Ako po? Bakit po ako? Fired na po ba ako on my second day? Wala naman po akong ginawang kasalanan Manang Bising promise po! Mabait po ako, tsaka sinusunod ko na po ang rules manang!”
“Ewan ko,” sabay tapik niya sa balikat ko. “Pero alam mo naman, pag sinabi ng Doña, sundin mo. At anak… bawal ka kabahan.”
“Po? Hindi niyo alam? Sa haba ng litanya niyo? Manang naman tinatakot niyo naman ako eh. Manang… kabado na po ako bago niyo pa po sabihin. Dali na po kasi.” Nagpapadyak pa ako na parang bata. Pero umiling siya at tumalikod. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Pagkapasok namin sa dirty kitchen, Agad niyang binigay sa akin ang tray na dadalhin ko sa tea rom. Sosyal na sosyal talaga ang mga mayayaman. May tearoom sa amin sala okay na. Ay oo nga pala hindi pala ako mayaman. Dakilang mahirap lang pala ako.
Dala ko ang tray ng tea set, naglakad ako papunta sa tearoom, isa sa pinakamagandang silid sa mansion.
Glass walls. Ang white drapes nila sobrang mamahalin. Ang sarap sa mata. Sobrang kintab ng marble floors na pwede kanang manalamin sa sobrang kintab nakakahiyang apakan.
And there, sa gitna nito, si Doña Gabriella, very elegant, branded ang suot kahit nasa bahay lang mas mahal pa ata yan sa matrikula ko. Perfect posture na pang beauty queen and very intimidating. Para siyang beauty na diyosa na bumaba sa lupa o di naman kaya parang painting na buhay.
“Come in, hija,” aaya niya, hindi man lang inaangat ang tingin mula sa libro niya. Ang kinis ng balat, mala porselana ang kutis. Siguro noong bata pa ito sobrang ganda niya lalo.
“Apo—I mean opo po, Madam,” sagot ko habang dahan-dahang nilalapag ang teacups.
“Sit.” Napatigil ako. Parang nabingi ako sa utos na iyon. Hindi naman ako aso ano? Pero bakit niya ako pinapa upo.
“Po?”
“I told you to sit, Avery.” Lumamig na ang boses niya.
“Hindi po ba nakakahiya madam, baka madumihan ang mamahaling niyong sofa, first ko lang makaupo sa ganito, kaya po sorry po, promise po lilinisan ko po agad para wala pong bacteria.” Walang preno-preno ang bibig ko. Juiceko naman Lord!
“Avery…” Oh. Hindi ako sanay. Pero umupo ako sa maliit na chair across her. I felt like a student in front of a principal. Pero mas nakakatakot. Ilang minutong hindi siya nagsasalita. Habang pinakikinggan ang huni ng mga ibon sa garden dinig na dinig mula sa nakabukas na bintana. May screen kaya hindi pumapasok ang lamok. Sayang naman kung kagatin kutis ni Madam Gabriella. Tapos dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin.
“Tahimik ka pala kapag kinakabahan,” simula niya. Pilit akong ngumiti. Kung nababasa lang ni Doña Gabriella ang laman ng isip ko naka isang paragraph na ako.
“A-Ako po? Hindi naman po—”
“Don’t lie,” aniya, sabay abot ng small porcelain cup. “Tea?”
“Naku hindi na po. Okay lang po ako…” Pero tumingin siya sa cup kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon. nang nanginginig pa ang kamay ko.
“You’ve been here for… how long?” tanong niya habang nagbubuhos ng tea sa sarili niyang cup.
“One day and a half po.” Nailapag ko ang teacup ko dahil ang ingay ang galaw ng kamay ko kahit pigil na pigil akong hindi manginig iyon.
“And in just that short time… you’ve already caused quite a stir.” NAPALUNOK AKO. Pero nanuyo bigla ang lalamunan ko at muntik na akong mahulog sa maliit na sofa.
“A—ano pong ibig niyong sabihin?” Nauutal kong tanong. Napayuko ako.
Bumuntong-hininga siya. “Avery, hija… I have three sons.” Dahan-dahang nagbaba siya ng tasa.
“Each one of them is very different.” Tumingin siya sa labas ng window.
“Si Caelan… warm, sociable, flirtatious even. People gravitate to him easily. He likes making others comfortable.” Napa-isip ako agad. Yup… obvious naman.
“Si Blythe…” she continued, voice lowering, “is the opposite. Cold. Quiet. Hard to approach. Walang gustong lapitan siya… at ayaw niyang may lumalapit.” Naalala ko ang tingin niya sa greenhouse.
Ang kamay niyang humawak sa bewang ko noong nahulog ako. Ang weird na softness sa mata niya. Hindi ko alam bakit, pero… Hindi ko na siya nakikita as purely cold now.
“At kung may isang bagay na pareho sila…” Nilingon ako ng Doña, diretso. “…ay hindi sila dapat naaapektuhan ng mga empleyado.” Tuluyan nang umangat ang balahibo ko.
“Po?” Napasandal siya. Very elegant parang understatement iyon. Pero matalim.
“In this house, hija… everyone has a place. Everyone has a role.” Tumawa siya nang mahina, but not kindly. Parang gusto niyang sabihin na ilagay ko ang sarili ko sa dapat dahil ‘KATULONG’ ako.
“Pero kahapon pa lang… no’ng nakita ng mga mata ko ang dalawa kong anak habang kausap ka… I knew something was shifting.” Napakurap ako. Nanlaki ang mga mata.
“Ma’am… hindi ko naman po sila i-i-entertain—”
“I know,” putol niya sasabihin ko. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko. Pinagpapawisan na ako ng malapot.
“At hindi ko sinasabing mali ka.” Lumapit siya konti, elbows on the table. The power in her voice was calm but undeniable.
“Avery… you are refreshing.” Compliment ba iyon? Especially coming from her?
“Po??”
“You are honest. Too honest. Talkative. Clumsy. Pero totoo.” May tumawid na kunot sa mata niya.
“My sons… are drawn to things they cannot control.” Umakyat ang dugo ko sa mukha.
“Madam, hindi ko po intention—”
“Hindi ko sinasabing intention mo.” Pagputol na naman siya sa dapat sasabihin ko. Bata pa ako pero parang aatakihin na ako sa puso. Nag-angat siya ng isang daliri.
“I’m telling you to be careful.” Gusto ko ng umiyak. Dahil sa paalala ba ang tawag doon o banta na mag iingat ako. Napayuko ako. Para itago ang pamumula ng aking mga mata. Walang may nagsalita ng ilang saglit.
“My sons are not… ordinary men. They carry weight. Expectations. Tempers.” Wika niya pero wala akong lakas ng loob na salubungin ang mga titig niya. Gusto ko na lang sana bumuka ang marble floor at lamunin ako.
“At the last thing this household needs… ay isang batang babaeng maipit sa gitna nilang tatlo, at ikaw iyon, Avery.” Bawang binigwasan ang dibdib ko sa sinabi niya.
“A-Ako po? Maipit? Tanggal na po ba ako sa trabaho Doña Gabriella.” Umangat ako ng tingin sa kanya at nagpunas ng luha. Hindi na ako mahihiya.
“Yes.” Tumayo siya, tinuloy ang pagtingin sa garden. Ako naman panay hikbi. Parang tutulo pa ang sipon ko. Naninikip na ang dibdib ko at hindi makahinga.
“In the span of a day… Caelan started visiting the kitchen. Blythe took you to the greenhouse, something he has not done in years.” Hindi ako nakapagsalita. Kasi totoo. Hindi ko alam paano sila iiwasan. Lumapit siya pabalik sa akin, hawak ang tasa niya.
“Tell me, Avery.” Bahagyang yumuko siya.
“You understand the danger, don’t you?” Tanong niya.
“I… I think so po,” sagot ko. Kahit punong-puno ng takot ang dibdib ko at sobrang kabado ako. Pero heto na iyon eh. Ano ba gagawin ko?
“Good.” Nakangiti ang Doña. Pero hindi iyon malaking ngiti. ‘Yon yung smile ng isang taong nakakaalam ng malalim na sikreto.
“Then listen well to me.” Umupo siya muli. “This house is a battlefield you cannot see. And affection — real or imagined, the war stars here.” Napahawak ako sa dibdib ko.
“Madam naman… hindi ko po sila ini-entertain. Promise po. Hindi ko naman po pwedeng sabihin sa mga anak niyo, na hep-hep! Bawal sa inyo ang lumapit sa akin sa war starts here, diba po Doña Gabriella?” Nagtaas pa ako ng kanang kamay tanda ng pangako.
“I believe you, hija.” Humigop siya ng tea. “But do not be naïve.”
Then, she said it: “Because both Caelan and Blythe… are looking at you in ways they have never looked at anyone.” Napatigil ako. Literal na na-shocked ako talaga. Parang pinutol bigla ang hininga ko.
“And that,” dagdag ng Doña, “makes you dangerous.” Bago ko pa masabi ang kahit ano… bumukas ang pinto. At dalawang tinig ang narinig ko sa hallway. Isang malamig. Isang warm, si Sir Blythe, at Sir Caelan.
Papasok sa tearoom, tsaka ko na-realize, kapag sabay silang dumating… delikado ang magiging araw ko.