AVERY’s POV NANGINGINIG ang kamay ko, nang makita ang laman ng envelope kasama ang certificate ni Tiyo Crispin na libre, ang isang buwang kong sweldo na labis-labis pa, at maikling sulat ni Sir Blythe. Kusang tumulo ang luha ko. This is too much. Ang laking halaga nito. Pinisil ni Tiyo Crispin ang kamay ko kaya napabalik ako sa aking katinuan. “Salamat anak,” pilit akong ngumiti at napabaling kay Tiya Sarah. Iniabot ko sa kanya ang malaking halaga. “Kayo na po ang bahala dito Tiya, para sa kailangan natin dito sa bahay.” Umiling siya sa akin. Itunulak at tumanggi sa alok ko. “Iyo ‘yan Ave, pinagpaguran mo ‘yan, sapat na ang libre na therapy ng tiyo mo sa akin.” Pero mariin akong umiling. Kaya naman talaga ako nagtrabaho sa mansyon ng mga Montezero ay dahil sa kanila. Sila na lang an

