Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko pag kamulat ko ng tuluyan ay kwarto na puti ang bumungad sakin. Agad akong kinabahan at pilit inaalala ang nagyari kagabi pero hanggang sa buhatin lang ako ni Devon ang naaalala ko.
Agad kong hinawakan ang ulo ko at masakit ito hindi ko alam pero kusang sumakit ang gitnang bahagi ko at medyo pag ginagalaw mo ito ay mapapa aray ka. Agad na lumaki ang mata ko ng maisip kong mabuti ito.
Shit!!!
Agad na tumulo ang luha ko ng hawakan ko ang katawan ko, mariin kong naipikit ito ng mahawakan ko dahil wala ni isa akong saplot tanging pag iyak ng mahina ang nagawa ko...
"ANONG GINAWA MO BEVERLYN!...ANG TANGA MO ANG TANGA TANGA MO!!" sigaw ko sa aking sarili habang sinasabunutan ko ang buhok ko.
Hindi ko akalain na magagawa ito ni Devon sakin akala ko totoo siya pero wala siyang kwenta, kagaya siya ng iba na may mga kailangan lang sa babae ang gusto nila.
Pilit akong tumayo pero pagkaapak ko palang ay agad akong natumba halos manghina at nanginginig ang tuhod at binti ko. Napapikit ako ng mariin ng sumakit na naman ang pagitan ko pero wala na akong magagawa nakuha na nakuha na niya.
Humawak ako sa kama at pilit tumayo nakita ko ang pagkalat ng mga saplot ko, halos mandiri ako sa aking sarili dahil daig ko pa ang nakipag one night stand. Halos mahiya ako sa sarili ko ng makita ko kung saan ko pupulutin isa-isa ang panloob ko at panlabas.
Ng masuot kona ay agad akong napaupo sa kama at kinuha ang cellphone ko walang tawag sila mom and dad siguro busy sila. Muli akong napaluha ano na lang ang gagawin ko ngayon pano pag nalaman nila ito itatakwil nila ako.
Once they find out what happen they will hurt me, they will disappoint at me, pandidirihan ako ng lahat-lahat, hindi nila ako mapapatawad, hindi na nila ako matatanggap.
Tumingala ako sa kisame kahit anong pilit kong alalahanin ay wala akong maalala kundi yung binuhat niya ako at hanggang dun lang. Sinambunutan ko ang sarili ko napakatanga ko sobrang tanga....
"ANG TANGA MO!" ANG T-TANGA MO S-SOBRA....S-SOBRA! sigaw ko na nauwi sa hikbi at iyak ko.
Naawa ako sa sarili ko ang talino ko pero puso ko ang ginamit ko binobo ko ang sarili ko ginawa kong tanga ang sarili ko. Binobo ko ang tulad ko kahit na anong gawin at patunayan ko ay kabobohan ang nangyari sakin..dahil ginamit ko ang puso at hindi ang isip.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko bago lumabas ng kwarto niya pero gaya ng inaasahan ko wala siya sa kwarto ay gayun din sa sala. Mukang pagkakuha niya ng pagkababae ko ay umalis na ito at hindi na bumalik pa marahil alam nito na nandito pa ako.
"MAGALING... BEV MAGALING... NAKUHA NA KAYA IIWAN KANA" pagak akong natawa at pinunasan ang mga tumakas na luha sa mata ko.
Umalis ako at iniwan ang condo niya habang naglalakad ako ay nakayuko ako dahil kahit walang nakakaalam sa nangyari ay nahihiya ako para sa sarili ko. Isa na ako sa maduming babae ngayon wala na akong pinagkaiba sa kanila maruming babae narin ako.
Pag kauwi ko sa bahay ay diretso ako sa kwarto at nagmukmok ako dito ko nilabas lahat ng iyak ko walang tunog walang hikbi walang kahit anong ingay ang ginawa ko basta iyak lang ng iyak ang mga mata ko.
Mahapdi sobrang hapdi na ang mata ko namumula at namamaga na ito pero kahit anong iyak ko ay meron parin na labas na luha at hindi nauubusan. Napakasakit isipin ng ang taong pinagkatiwalaan ko ay may masama palang binabalak at gustong kunin sakin.
Ipinikit ko ang mata ko at kahit ang sakit sa ulo isipin ang mga nangyari ay pinilit ko ito, pero katulad kanina ay wala....walang wala muli kong sinaktan ang sarili ko pero kahit saktan ko ito ng paulit-ulit ay wala akong makukuhang impormasyon.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag message sa prof ko na hindi ako makakapasok ng isang linggo dahil sa may sakit ako at hahabol na lang ako sa mga magiging kulang ko for the week. Pagka message ko non ay tumingin ako sa bintana makulimlim at mukang uulan ngayong araw mukang sinasabayan ako ng panahon na umiyak at di nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan kasama ang kidlat at kulog.
Mas lalo akong umiyak bukod sa takot na nararamdaman ko ay dahil sa problema at nangyari sakin ngayong araw na ito ano na lang mangyayari sakin. Pag nalaman nila yun magiging totoo lahat ng takot ko.
"ANG BOBO MO K-KASI BEV...B-BAKIT KO BA PINAGKATIWALAAN KA DEVON."AKALA KO TOTOO KA DI GAYA NG IBA PERO BAKIT....B-BAKIT MO NAGAWA S-SAKIN ITO." PANO MO NA SUKLAM KUNIN ANG BAGAY NA YUN NG WALANG AWA SAKIN... HINDI NAMAN AKO IBANG TAO EH..." GIRLFRIEND MO'KO... D-DAPAT NIRESPETO MO AKO....H-HINDI G-GANTO....B-BAKIT...BAKIT?"
"SAAN AKO NAGKAK-KAMALI PARA GANTOHIN MO A-AKO." PARANG WALA AKONG PINAGKAIBA NGAYON SA MGA BABAE NA...NA...R-RAPE KASI KU-KU-KUSA MO ITONG K-KINUHA SAKIN NG WALANG P-PAHINTULOT...DEMONYO KA DEVON DIKA T-TAO HAYUP KA....HAYUP"
Tanging sabi ko habang sa bintana na katingin na buhos ang ulan at gayun din ang mata ko, nakulog ganon din ang hinanakit ko, nakidlat at ganon din ang galit ko... gusto kong ilabas pero hindi ko magawa magtataka sila at magagalit sakin ng tuluyan wala akong lusot sa lahat wala...wala
Tanging buhos at masamang panahon ang kasama kong umiiyak ngayon kahit anong pilit ko saking sarili na isang bangungut ito ng panaginip, pero hindi totoo....totoong-totoo nakuha ang aking sarili...tama ba ma sabihin na binaboy ako at pinagsamantalahan oh malandi at haliparot ako.
Siguro talagang malandi ako kahit diko ginusto ito yun ang lalabas sa mga mata at reaksyon nila. Malandi ako haliparot makati sayang ang pinagaralan kalandian ang laman. I hate this s**t I wish this is a nightmare please wake me up...
If this a nightmare please wake me