Sa nakalipas na apat na araw ay puro kasiyahan, pagtatalik at tawanan ang ginawa namin ni Gray. Halos sa apat na araw na'yun naramdaman ko na mas umiiksi ang oras naming dalawa. Mas bumibilis ang takbo ng bawat oras at mas lumalapit ang pagiwan ko sakanya. At ngayon ang huling araw na makakasama ko ang taong mahal ko. Mamaya na ang flight ko 3:00 midnight at mamaya ay tuluyan kona siyang iiwan. Walang kasiguraduhan na ako'y may mababalikan pa Nandito kami ngayon ni Gray sa tabi ng dagat habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na unti-unting lumulubog. Nakayakap siya sakin sa likod at pinagsiklop naman namin ang aming mga kamay sa harap. Paglubog ng araw wala ng Gray akong makakasama. Wala ng Gray na magaalaga sakin. Paglubog ng araw ay siyang pagalis ko sa nagbigay ng liwanag sa a

