Chapter 45: Elementalist I sat firmly on my spot. Katabi ko si Caleb. At mula rito sa kinauupuan namin ay nakita namin ang pursigi nilang lahat. Napansin ko rin ang tatlong guhit sa kanilang mga pala-pulsuhan. Those three black bars serve as their lives in the battle. Dipende na iyon sa kanila kung paano nila ipaglalaban ang tatlong buhay nila. If I were them. Magtatago na lang ako at hayaang matapos ang laban. Duwag na kung duwag, basta makapasa lang. Ganon din naman sana ang gagawin ko noon kaso sapilitan lang akong pinalaban upang makakuha ng puntos. Kung naaalala ko ang mga panahong iyon ay parang ang tanga ko dahil ako lang yata iyong gustong pumasok dito na ayaw ng ganitong klaseng examination. “Pagpasok niyo sa entrance ay magkakawatak kayo kaya maaaring may kalaban kayo agad sa

