Chapter 2: Test
Since I arrived here, I didn't do anything maliban sa pag-upo rito sa may gilid ng platform na bilog na kung saan kami bumaba kani-kanina lamang.
Palipat-lipat ang tingin ko sa mga gaya kong estudyante na parito't paroon ang direksyon. Mukha namang friendly ang lahat. Siguro friendly sila. I don't know.
Minutes passed, nakita ko ang isang babaeng kasing tangkad ko, maputi, balingkinitan, above the shoulder ang buhok at may suot na reading glasses. She's quite pretty.
"Hi! I just saw you sitting here alone, can I join you?" she vigorously said.
Nginitian ko siya at tinanguan.
"Sabi ko na nga mabait ka e! Ang swerte ko naman sa unang araw!" masigla pa ring usal niya.
Tiningnan ko siya ng may nagtatakang mukha.
"Bago ka rin dito?" I asked.
Nilingon niya ako habang inaayos 'yong bridge ng kanyang reading glasses.
"Hmm," she nodded.
"Tina Salamanca," pagpapakilala ko at nilahad ang kamay na taos puso naman niyang tinanggap.
"Myrtle Fyere pala," sagot niya then smiled.
"So, baguhan ka rin pala na gaya ko?" I asked once again.
"Really? Edi maganda! Walang lamangan!" she smiled cheerfully.
Okay na rin, kasi, I met a new friend-Myrtle.
We've spent our time talking on our spot when suddenly a loud mega phone sounded. Narinig namin ang boses ng babae. She's announcing something, regarding our test. Second examination in order to become a truly student of this academy.
"Welcome my dear maharlikans! Welcome to Maharlika Academy, school for peculiars and we are very pleased to finally see you here! And now, for your last test, you have to surpass the three stages of the test for you to become real students of Maharlika, without further adu, let's get started!" the announcer exclaimed.
At nagkumpulan na nga ang napakaraming estudyante rito sa ground area. Ang nakakabinging ingay ay mas nadagdagan pa ng tumunog na ang trumpeta which is, hudyat na nagsisimula na ang challenge.
"Hoy! 'Wag mo naman akong iwan!" Murtle pouted.
Muntik ko na ngang malimutan na kasama ko pala siya.
"S-sorry, preoccupied lang sa mga nangyayari," kamot ko sa batok ko.
Nabaling ang tingin namin ng may kung anong barrier na pumalibot sa aming lahat, the purple mist created a dome. Then, nakita ko rin ang paglitaw ng malaking portal na nasa unahan namin where our fellow student heading off.
"This academy is awesome!" masiglang usal ni Myrtle. Dumagdag pa sa noise pollution.
"Hmm," pagtango ko.
Napapasama kami sa daloy ng pila patungo sa lagusan. Paano e siksikan. I couldn't even halt myself from moving kasi tinutulak nga kami patungo sa letseng lagusan na 'yan.
Hanggang sa tuluyan na nga akong naitulak papasok sa portal at sa kasamaang palad ay nabitawan ko si Myrtle.
"Let's meet na lang sa loob!" she screamed, rinig kong naiipit siya.
I nodded.
Nang lamunin na kami ng liwanag na kulay asul ay halos mapapikit ako dahil sa tinding liwanag nito. Hindi ko makayanan 'yong liwanag, tsaka na lamang ako nagmulat ng mata nang marinig ko ang nakakabinging paligid.
It was dark in here, pinalilibutan ako ng mga puno. Honestly, halos puno lang ang mga nakikita ko.
I stood up firmly, and became vigilant. May mga naririnig kasi akong mga kaluskos sa paligid ko, plus, nararamdaman ko rin ang nga presensyang nasa paligid ko.
"Oh! A pathetic peculiar!"
Nagpintig ang tenga ko dahil sa pagkakarinig niyon. She's she, right. Bitchy mode, alert on.
I turned around and saw her. Nakangisi siya while leaning on the tree trunk. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa kanya, except for her attitude.
"Hi! I'm Tina, pwede magtanong?"
Though ayaw ko sa kanya and vice versa, hindi ko naman hinihiling na magustuhan niya rin ako, psh! I have no choice but to ask her what's really happening here.
She raised her eyebrow.
"Nasan tayo? At bakit tayo nandito?" I asked.
A couple of seconds passed, then, biglang nangulot ang mukha niya, tila pinipigilan ang sariling matawa.
"Really? Baguhan ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya, umayos pa ng tayo.
'Magtatanong ba ako kung alam ko at kung hindi ako baguhan? Iniinis yata ako neto!'
"Yeah," I answered briefly.
Muli na namang tumaas ang kilay niya which gave me nothing. I am not agraid of her, not a chance.
"As simple as killing ourselves just to pass this goddamn test!" she grinned.
Nabigla ako sa sinabi niya.
"W-what!?" I was startled for awhile then got back my awareness when she aimed in my direction.
I rapidly jumped on the nearest tree branch just to dodge her first attack. My gosh! I'm not informed na ganito pala ang test! What the hell am I doing here?
"Nice try, loser," ngisi pa niya while aiming again, at patuloy lang din ako sa pag-iwas sa kanyang mga atake. I couldn't determine what ability she's possessing kasi tila tinatago pa niya ito sa akin.
Hindi naman siya mahirap iwasan kasi, actually, ang bagal ng mga atake niya. I've already read her moves and it's so easy for me to turn her down on her knees but I chose not to. Trip ko lang.
'As if naman karapat-dapat siyang makita ang kakayahan ko? Nah!'
"What the hell! Lumaban ka loser! Hahayaan mo lamang ba akong patayin ka ng walang kalaban-laban? Come on!" I could see the eagerness in her eyes.
"Mahina ka," I mumbled which made her raise her brows.
"Anong sabi mo?" she hissed.
"Mahina ka, 'kako," I repeated.
"At inulit mo pa talaga!?" galit na galit na sigaw niya sa akin.
She went ragingly obstreperous. Kung saan-saan tumatama 'yong latigo niya na hindi ko alam kung saan lumalabas. It wasn't like whip talaga kasi mukha siyang string na manipis and to my surprise, ang talim ng sinulid niya.
"You asked for it," I grinned while dodging her attacks. She's not focused dahil inuunahan na siya ng kanyang galit. How pathetic?
"Lumaban ka!" she screamed angrily.
"You can't stand against me," sumandal ako sa katawan ng sanga ng punong tinutungtungan ko.
"Are you sure?" napataas ang kilay ko dahil sa pag-iiba niya ng kanyang tono. I looked at her.
She's on the ground, gaya ko ay nakasandal din siya sa puno na nasa tabi niya. Itinaas niya ang manipis na sinulid na nasa palad niya. Ngumingisi siya na tila nagwagi sa isang paraang tiyak niyang hindi ko napansin, pero pansin ko naman 'yon.
Naramdaman kong komonekta ang hawak niyang sinulid sa kaliwa kong paa. Now I know. Alam ko na kung anong abilidad ang meron siya, quite interesting but still, it doesn't suffice me. Nakakainsulto nga e.
"Puppeteer," usal ko dahilan upang lumawak ang kanyang mga mata sa pagkagulat.
May rason kung bakit hindi gumagana ang kakayahan niya sa akin. And that's a secret for now. Thanks sa amulet na binigay sa akin ni lola. Alam na niya sigurong ganito ang bubungad sa amin kaya gumawa na siya ng paraan to hide my identity.
And I'm quite enjoying this hide and seek wannabe.
"H-how did you know?" nauutal niyang tanong, habang unti-unti namang gumuguhit ang ngisi sa labi ko.
"You have just wasted your time fighting with me, get lost b***h!" I harshly sneered.
I jumped, lumapag ako sa ground. Parang kanina lang ay napakapangahas niya, pero ngayon, para siyang natuktukang s**o.
"Ikaw na nagsabi na baguhan ako, 'di ba dapat kung matagal ka ng nandito ay hasang-hasa mo na ang abilidad mo? And kanina mo pa dapat ako napatay," pamamahiya ko sa kanya.
I know, mean na kung mean, e ang suplada niya.
"Hindi mo ba talaga alam na kailangan mong pumatay to gain score?" she spoke.
"Hindi, and I don't need to kill somebody just to gain score, surviving all throughout the test is enough," sagot ko that made her gasp.
Nababasa ko sa mukha niya ang pagkagulat at pagkamangha. Ewan ko, 'yon 'yong nababasa ko sa kanya e.
"Then, I should go."
"Hmm, and don't you ever blocked my way once again," banta ko.
She nodded and left me.
'Phew! Ewan ko dun kung bakit nagpaniwala sa mga sinabi ko.'
"I should find Myrtle to inform her na labanan pala ang test na ito," I mumbled to myself and paved my way. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Basta!