Chapter 43: Day 1 of Assestment Dumaan ang dalawang araw matapos ang mga pangyayari. Ang paghahanda para sa araw na ito’y dumating na nga ng tuluyan. Ang araw ng pagsusulit. Hindi ko alam kung bakit ako kabado kung sa totoo’y hindi naman ako kasama sa pagsusulit dahil sa exemption na nakuha ko mula sa entrance exam. Maaaring nag-aalala ako dahil sa mga estudyanteng hindi papalarin sa pagsusulit at muling uulit ng isa pang taon dito sa akademya upang mapunan ang kanilang kakulangan at pagkatalo. Subalit sa mga nagdaang mga araw. Wala ako ni isang nakitang estudyante na sumuko. Lahat sila ay nilalabanan ang kanilang takot. At ang takot na iyon ay dumating na nga. Ang limang araw na pagsusulit. Ang hindi papalarin ay maiiwan habang uusad naman ang mananalo sa laban. Headmaster Ino tack

