4 - Wand

1437 Words
Chapter 4: Wand Pagsapit ng gabi, inimbitahan nila kaming lahat na pumunta sa tabing ilog. It was a campfire nearby the lake. Luckily, roommate kami ni Myrtle, at sabay kami ngayong tinutungo ang daan patungo sa tabing lawa. Isang kilometro ang layo from school campus. Sariwa ang hangin ngayon. Maganda ang kalangitan ngayon dahil nakakamanghang may northern lights dito gayong wala namang nagyeyelong lugar dito. “Awesome!” namamanghang usal ni Myrtle when she saw the lights, kita ko nga sa repleksyon ng kanyang mga mata. Napakaganda nga naman, sumasayaw ito sa kalawakan. At kitang-kita rin ang nga nagsisiliparang mga bulalakaw. “Pero mas astig ka!” kumapit siya sa braso ko. “Ha? Bakit mo naman nasabi?” I frowned. “Kasi nasa golden chair ka kanina!” “Psh! 'Yon lang? E kaya mo rin naman makaupo roon kung ginawa mo lang 'yong best mo.” Akala mo naman ginawa ko 'yong best ko e kalaban na nga lumalapit. “Ginawa ko naman e,” she pouted. “Kaya pala nasa audience ka,” I replied sarcastically. “Ang bad mo a!” “Dalian na nga natin!” usal ko at binilisan ang paglalakad. Nakarating kami sa tabing lawa ng halos fifteen minutes na paglalakad, paano e ang bagal nitong kasama ko. “Alam mo bang 'yong test kanina ay para ma-analize ang mga vessels na pasado sa sampung gintong upuan?” Myrtle blurted out. Naupo kami sa buhanginan dahil kita naman naming nakaupo silang lahat at 'yong mga parating pa lamang ay nakikiupo rin. “Paano mo nalaman?” I asked, nakatingin ako sa malaking apoy na nasa gitna naming lahat. “Narinig ko lang sa mga chismosa diyan sa gilig-gilid,” anya na nagpaparinig. “Ikaw talaga,” sundot ko sa tagiliran niya. “Everyone! Listen!” He got my attention. Hindi ko siya kilala, pero isa lang ang alam ko. Mukhang siya 'yong tinutukoy nilang headmaster namin. “Let me introduce first myself, well, everyone knows me already except for the freshmen.” Napatingin ako sa nakaupong lalaki sa may kaliwa namin, hindi kalayuan, sakto lang dahilan para makita ko muli ang mukha niya. He's totally different now compared kanina noong nasa labanan kami. May nag-iba lang sa kanya, 'yong enerhiya niya, kalmado na ngayon. He's focused in listening. Ang tangos talaga ng ilong niya. And his lips, ang nipis. Bumalik lamang ako sa diwa ko ng mapatingin siya sa akin kaya naman ay nagpatay-malisya ako, kunwari hindi siya 'yong tinitingnan ko, kunwari out of the blue ako. “My dear freshmen, I am your Headmaster Argus and I am very pleased to meet you all and I am so proud to all of you because you have all succeeded the test,” he said. “And also to our top ten golden chair achievers who made it until the last minute! Keep it up and protect your ranks! Cheers everyone!” at nagkampay na sila. “Kampay!” everyone spoke in unison and then cheered up. Oh! Light drink for freshmen. I'm not used to hard liquors, pero paglingon ko kay Myrtle, nagulat ako sa hawak niya baso. “Are you serious?” gulat na tanong ko. “Of course! Yakang-yaka!” she even tossed her glass with mine. “Easy ka lang, 'di kita mabubuhat 'pag nalasing ka,” I joked. “Ang hardcore mo ha!” anya saka tumawa. Napalingon kami sa aninong humarang sa liwanag, I looked up at him. He's here. “May we?” he asked, kasama niya ang tropa niya, actually, dalawa lang sila. Tumayo kaming dalawa nina Myrtle. “Hmm,” I nodded. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Myrtle at ang impit niyang mahinang tili. “Hi! I am Brace Winsey pala, how 'bout you gals?” pagpapakilala ni Brace daw. “Myrtle, Myrtle Fyere,” nakipag-shakehands pa kuno itong kaladkarin kong kaibigan, pero joke lang. “Tina Salamanca,” pagpapakilala ko naman, and we shook our hands. “Ikaw pogi, anong pangalan mo?” asked Myrtle. Napasinghal ako sa ginawa niya, napabungisngis naman 'yong si Brace kaya ay siniko ko siya—si Myrtle. “I'm Caleb, Caleb Auroda,” anya at nilahad sa akin ang kamay niya. Napatingin pa ako kay Myrtle na pinipigilan ang pagtili. I felt that some of them were staring at us. Sobrang ayaw ko sa ganong atensyon. Upang matapos na ito ay inabot ko ang kamay niya, he grinned and as an exchange ay tinaasan ko siya ng kilay. “Tara?” alok ni Brace out of the blue. Napakunot kami ni Myrtle ganon na rin si Caleb, nakaupo kaming pare-pareho sa buhanginan, tapos ay nagkatinginan kami at nagpalipat-lipat pa. “Where?” asked Caleb. “Saan?” si Myrtle. Brace smiled then pointed the lake using his lips. Ang cute. Napatingin naman ako kay Myrtle na napahawak sa wrist ko. Ibinaba niya ang hawak na glass. Naku mukhang tipsy na 'tong babaeng 'to. “Let's go?” gumewang pa siya ng tumayo kaya inalalayan ko. “You're drunk, Myrtle, kaya mo bang maligo sa estado na 'yan?” I asked unbelievably. Tapos tumawa siyang parang nababaliw, nakakuha na naman ng atensyon. “Aish!” naiinis na usal ko. “Hindi naman siguro ako pababayaan ng taong 'to ano?” turo niya kay Brace na halos mabuga ang iniinom na alak, tsaka nag-flip ng buhok 'tong si Myrtle. Napailing ako. “Kayo? 'Di kayo sasama?” tanong ni Brace sa amin. “Hmm,” I winced. “Ikaw, Caleb?” tanong niya kay Caleb na tinutungga pa 'yong nakakangalahating alak sa baso niya. Umiling din siya. “Kung ganon ay kami lang ang maliligo, okay, let's go,” usal niya tsaka inalalayan si Myrtle. Gentleman naman pala. Pero nagawa pang lumingon nitong si Tipsy Girl tapos tinuro niya si Caleb, nanlaki pareho ang mga mata namin. “Take care of my friend, 'pag 'yan nagalusan, tatadtadin ko 'yang putotoy mo, kuha mo?” babala niya na halos gulat na gulat ako sa ginawa at sinabi niya. Namumula naman sa hiya itong si Caleb, at pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa. Hinila na siya ni Brace at naiwan kaming speechless dito. Hindi pa kami nakakamove-on sa sinabi ni Myrtle. I hemmed to divert the awkwardness. Nilingon ko siya, wrong move, nakatingin din pala siya sa akin. Napalunok ako at napakamot sa batok ko. Ngumiti ako ng pilit dahil sa pagkakapahiya. “Don't mind her, she's already drunk.” “It's okay,” sagot niya. Napalunok na naman ako dahil ang awkward kasi. Naalala ko 'yong ginawa ko sa kanya kanina. Bigla akong nakaramdam ng awa at pagsisisi. “Umm, 'yong about sa test kanina,” I opened up. “What about it?” he asked, napatingin ako sa mata niya. It's sparkling. “I'm sorry for hurting you,” pagpapa-umanhin ko. “It's okay,” maikling sagot niya. Puro siya 'it's okay' chuchu. Nalingon kaming pareho sa kakarating na lalaki, estudyante rin gaya namin and he has a terrible look. Mukha siyang hinahabol ng kamatayan. “Maharlikans! Come over! May nangyayari ngayon sa academy, nagkakagulo sa loob dahil nawawala ang wand na pinaka-iingatan ng ating institusyon,” usal niya habang nagpupunas ng pawis. Nagbubulungan na ang nasa paligid namin at naramdaman ko na lang na naglaho na si Caleb na nasa tabi ko lamang kanina. Kaya naman ay sinundan ko siya, I have used my power, the teleportation. Lumitaw ang katawan ko sa hallway ng school. Kung saanman nila nilagay ang wand na iyon ay maaaring sa headmaster's office. Nagtungo ako roon at pagdating ko ay may nakabantay na guwardiya. “Hindi ka dapat nandito,” pigil sa akin ng guwardiya. “Pero kailangan ko pong tumulong sa kanila!” I insisted. “Hindi na kailangan dahil narito ang Alpha, kaya na nila iyon, umalis ka na rito,” anya at hinatak ako paalis sa platform. I have no other choice but to go away, bumalik ako sa dating dinaanan ko. At may napansin akong kakaiba. May nararamdaman akong kung anong enerhiya mula sa likuran ng academy. Sinundan ko ang sensasyon na iyon at dinala ako nito sa likod ng school, at gubat na pala rito. Nagmadali ako dahil lumalayo na siya, and I think gumawa siya ng portal upang makalayo. Hindi puwede! Pumikit ako and locate the energy. Nasa gitna na siya ng gubat. Nagteleport ako, sakto lang dahil nasa harapan ko na siya, limang kilometro ang layo namin. “Who are you?” I asked aggressively. Pero hindi niya ako sinagot, tumawa lang siya kaya narecognize ko ang kasarian niya. Lalaki siya. At ano kaya ang balak niya sa ninakaw niyang mahalagang gamit ng institusyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD