Chapter 32: Crazy “Iyan lamang ba ang maipapakita mo sa ‘kin, hija?” Sinusuway niya ako marahil sa hindi magandang performance na ipinapakita ko sa kanya. Paano ba namang maganahan ako e halos ma-trauma ako sa nangyaring mga training noong nakaraang linggo. “Pasensya po, Master,” paghingi ko ng paumanhin. Maybe, nadi-disappoint ko siya dahil sa nakikita niyang behaviour sa akin ngayon. Kahit ano kasing gawin kong pagfocus ay hindi ko magawa. Masyado akong lutang. At isa pa, ayaw ko ng may masaktan pa sa kanila. Actually, hindi ko talaga lubusang alam kung paano kontrolin ang kakayahan ko, minsan ay nakakatyamba lang ako. ‘Yong mga nangyari noong nakaraang linggo, kung maari ay ayaw ko nang maulit pa ang mga ‘yon. “Talunin mo ako, gaya ng kung paano mo tinalo sina Fu at Blue,” bulala

