Chapter 27: Beautiful
Nagising ako kinabukasan, masakit ang katawan at parang kulang 'yong tulog ko na magdamag. Naabutan ko si Myrtle sa kusina namin at naghahanda na ng makakain. Saturday ngayon, walang klase, pero may gagawin kami, magdidilig kami ng mga halaman sa bakuran mamaya.
“Na-miss kita pugad ka! Wala tuloy ako makopyahan sa klase!” hayan na naman 'yong hyper na sinasabi ko.
Nang makapaghilamos ako at mumumog ay dumiretso ako sa mesa. Ang sasarap ng mga niluto niya.
“Masyadong busy sa training e.”
“Alam namin,” agarang sagot niya.
“Alam mo naman pala,” inirapan ko siya.
“Syempre, miss ko 'yong pagsasama natin sa school,” she muttered.
“Nagsasama naman tayo,” nakatuon ang atensyon ko sa kinakain ko.
“Magkaiba nga lang ng lokasyon," nakasimangot na wika niya.
“Kumain ka nga ng marami diyan! Nangangayayat ka.”
“Weh? Sabi ni Brace physically fit ako—” ta's natampal niya ang bibig niya dahil siya na rin mismo ang nagbulgar.
“Hmm,” tumango-tango ako.
“Anong hmm ka diyan?” tinaasan niya ako ng kilay.
“Wala,” maiksing sagot ko at nagtungo sa sink, tapos na ako kumain e.
“Bumalik ka na kaya sa klase? May nakaka-miss na sa'yo e!” dagdag niya pa.
“Busy nga ako sa training, may dalawa pa at may babasahin pa akong libro,” usal ko at naglakad palabas ng dorm, kinuha ko sa kusina ang hawak kong water sprinkler.
“E paano na si Cute Guy?” tanong niya dahilan para mapahinto ako at muli ring naglakad. Wala nga pala akong responsibilidad sa kanya.
“Anong paano?”
“Namimiss ka rin n’on, wala nga sa mood palagi e,” k'wento niya.
“Bakit naman?”
“Pisti ka! Ang dami mong tanong e!” hinampas niya ako ng mahinansa balikat ko.
“Kuwento ka kaya nang kuwento!” tinaasan ko siya ng kilay, malapit na kami sa bakuran.
Narinig ko mula sa mga dating instructor dito sa akademya na naudlot ang assessment naming mga freshmen dahil sa pangyayari. Sinira nga naman talaga ni Argus ang program ng school. Hindi ko lang kung ano ang mangyayari sa mga sumusunod na araw. Maaaring bigla na lang silang sumugod dito at sirain ang katahimikan.
“Woi!” kalbit sa akin ni Myrtle.
Natauhan ako at napalingon sa kanya, nangunot-noo ako nang may inguso siya sa likuran ko dahilan upang umikot ako upang makita kung sino ang tinutukoy niya, pero bago ko gawin iyong pag-ikot, alam kong siya iyon. Napatingin ako sa maaaliwalas niyang mukha tapos bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bungkos ng rosas. Itinago ko ang kasiyahan sa puso ko dahil nahihiya akong ipakita 'yon sa kanya.
“O? Bakit? Anong ginagawa mo rito?” kaswal na tanong ko.
Napakamot si Caleb sa kanyang ulo at napapahiyang ngumiti, hawak ng kanyang kaliwang kamay ang bungkos ng rosas habang mapakla akong tiningnan, naramdaman ko na lang na may dumagok sa batok ko dahilan upang kainisan ko si Myrtle, she did that!
“Ang hardcore mo, bes! Syempre, ano pang meaning niyan? Maayos na suot, maaaliwalas ang mukha, at may bungkos ng rosas, ano sa tingin mo diyan? Pupunta ng sabungan? Madagukan kita e!” bunganga ni Myrtle, naririndi na naman ang mga tutule ko sa kaingayan niya.
Siniringan ko siya ng patagilid, “Shut up, Myrtle.”
Lumawak ang mga mata niya sa takot at natakpan ang bibig niya. Kumilos siya at napapahiyang inatupag ang hardin namin. Allergic ako sa bulaklak pero gustung-gusto ko ang magtanim ng bulaklak. Parang ang tanga lang.
Ibinalik ko ang tingin kay Caleb at lumapit sa kanya matapos akong huminga ng malalim.
“Akin na,” nilahad ko ang palad ko sa harap niya.
“H-ha?” nauutal niyang tanong.
“Kanino mo ba ibibigay 'yang bulaklak?” pinanliitan ko siya ng mga mata. Namula 'yong tenga niya. 'Hang cute naman!'
“A-ah hehe, heto,” sumingkit 'yong mata niya saka inilapat sa palad ko ang mga rosas.
“Hintayin mo ako rito,” utos ko at hindi na siya hinintay pang magsalita dahil nagtungo na ako sa loob. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero nag-eenjoy akong sabayan siya ngayon sa trip niya. Nakakahiya mang makita ni Myrtle.
Mabilis akong naligo at nagsuot ng damit. I wore my usual attire. Pinalitan ko lang 'yong combat boots ko ng flat shoes, tawag nila rito doll shoes. Suot ko ang fitted na v-neck t-shirt na plain white at ang fit na fit din na leggings. Itinali ko sa iisang bungkos ang buhok ko at naglagay lang ng pulbo sa mukha at kaunting liptint sa bibig at nagperfume. I should look presentable dahil nag-effort din siyang magbihis.
Nang makalabas ako ay ganoon na lamang ang tili ni Myrtle, napatingin din sa akin si Caleb na nasa malayo ang tanaw, namilog ang mga mata niya nang makita ako. Nakaramdam ako ng hiya pero nabawi rin iyon ng marinig ko si Myrtle.
“Ang ganda mo naman!” said Myrtle, marveling in my appearance.
“Dati na, nagmumukha lang akong yaya 'pag nandiyan ka," nginisihan ko siya saka tiningnan si Caleb na nakangiti at namamangha pa yata sa kagandahang taglay ko. Naks!
“If this is a date, let's go, ayaw kong nasasayang ang oras,” wika ko, bigla siyang natauhan.
“O-okay,” nauutal na namang sagot niya, it's kinda weird knowing this side of him. Hindi naman siya ganito magsalita, ewan, baka nga namamangha pa sa kagandahan ko. Simple lang naman ang suot ko pero kung makatingin at pamulahan ay wagas.
“And I want to make things clear,” saad ko, napatingin siya sa akin, napamaang sa mga mata kong kulay lila.
“Hmm?”
“This will be the last,” seryosong sabi ko at hinay-hinay siyang napatango.
“OA mo naman, Tina! Wala pa nga kayong first date, last na agad!? Assuming ha! Hindi ko 'yan tinuro sa'yo!” rinig ko pang sumingit si Myrtle.
Siniringan ko na naman siya at sinamaan ng tingin habang nakatagilid, “Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko.”
Bigla at natutop niya ang bibig niya at napasimangot pero hindi talaga mapipigil 'yon, “Opinyon lang e!”
“Well, I don't need it right now.”
“Ganyan ba talaga kayo mag-usap?” nagtatakang tanong ni Caleb.
Tinaasan ko siya ng kilay, “Ano?”
“I mean, nag-aaway ba kayo?” he asked. Narinig kong bumungisngis ang baliw na si Myrtle.
“Woi, Caleb! 'Wag ka nga manghimasok, hindi ka pa nga boyfriend e! Don't worry darating ka rin sa point na magegets mo 'yang buhul-buhol na ugali ni Tina—” naputol niya ang sasabihin nang bigyan ko siya ng napakasamabg tingin.
“I'm dead serious.”
“Okay! Hindi na ako magsasalita—” she zippered her mouth, ngumiwi ako at nakita kong napailing si Caleb.
“Ang weird niyo,” natatawang saad niya.
“At ang baduy mo naman,” diretsang saad ko ta's inirapan siya.
“Ba't ako naging baduy? Baduy ba 'tong pormahan ko? Ang angas ko kaya rito!” magpi-flex pa sana pero pinigilan ko. Nakakalayo na kami sa dorm dahil naglalakad na kami.
“Magdi-date ba talaga tayo? Ang baduy,” naghalukipkip ako.
“Don't tell me, I am your first?” lumawak ang mga mata niya.
“E ano naman ngayon? Akala mo espesyal ka?”
“Sakit naman magsalita,” kunwari nasaktan daw siya, may papikit-pikit pa siyang nalalaman.
“Ganito na talaga ako,” sagot ko.
“Oo nga, nagbago ka," supalpal niya.
Huminga ako ng malalim at inintindi na lang ang huling sinabi niya, naging tahimik na kami after niyang sabihin iyon. Hindi naman ako nasaktan, naliwanagan lang ako.
Hanggang sa narating namin ang pamilyar na lugar na ito. Dito sa may malawak na field sa kahilang bahagi ng akademya. Nakita ko na naman ang nag-iisang puno sa tabi ng malawak na lawa kung saan bumababa ang haring araw. This place symbolizes peace, iyon ang nararamdaman ko. Napatingin ako kay Caleb at agad rin akong nag-iwas nang makitang nakatingin din siya sa akin.
“You're so beautiful,” 'yon lang sinabi niya at hindi na nadugtungan hanggang marating namin ang puno.