Kung makapag-breakfast naman si Angie ay halatang naka-diet. Halos wala naman itong order kundi fruit slices at fruit juice.
Siya naman ay nagkanin talaga. Umorder pa siya ng extra rice nang mabitin siya. Wala siyang paki kung ano iniisip ng dalawang kasama niya sa kanya.
Actually, sa pagkain niya ibinuhos ang iritang nararamdaman niya. Angie was deliberately being extra extra sweet to Carlos. Kulang na lang ay lagyan pa nito ng sticker na may mukha nito sa noo ang binata para ipamukha sa kanya na pagmamay-ari nito si Carlos.
She was that insecure. Napapailing na lang si Ara na sinikap tiisin ang PDA ng magkasintahan.
"So, what do we need to talk about?" Siya na ang nag-umpisa ng topic. Nagkakape na siya noon. Nagkape na siya kanina pero mukha kasing kailangan pa niya ng caffeine ulit.
"I have a proposal to you," sagot ni Carlos. Nagpadish out muna ito bago nagpatuloy. "I will not oppose the marriage anymore."
Napaangat siya ng kilay. Bakit may pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang susunod nitong sasabihin.
"But you must be married on paper only," si Angie ang nagpatuloy ng usapan.
Bahagya lang siyang nagulat sa suhestiyon ng mga ito. Mas nagulat siyang sumali sa usapan si Angie. Sa totoo lang, the matter should just be between her and Carlos.
Pero dahil nga ang babae ang mahal at girlfriend, she assumed she was involved at kasama dapat na magdedesisyon.
Arabella looked at Carlos to see if he was serious. And he was. No doubt about it.
Huminga siya nang malalim. "Sa tingin n'yo, hindi nila malalaman?"
"They won't kung wala kang sasabihin," si Angie pa rin ang nagsasalita.
Sa totoo lang, gusto nang mapikon ni Ara. Pero ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang dalawa na ipagdiwang ang pagkatalo niya.
"Okay," she said. "Can I have time to think about it?"
If Ara had a choice, she would not agree to marry a man who had no feelings for her. But since she already accepted her fate, she had already decided to embrace the fact.
Hindi niya nais na lokohin ang kanyang pamilya. Hindi siya ganoong tipo ng babae.
"Sure," sagot ni Carlos bago pa ito mapigilan ni Angie.
"Babe! You've got to be kidding me! Ara needs to decide now!" Giit ng babae na ayaw pumayag na hindi niya ibigay ang pasya noon din mismo. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasisiguro na hindi ka mawawala sa akin." Kaagad namasa ng luha ang mga mata nito.
Hindi na napigilan ni Ara na paikutin ang mga mata. Napaka-OA na.
"Ain't it the best solution to our problem, Arabella?" Tanong sa kanya ni Carlos matapos aluhin ang kasintahan nito. "We would just stay married for a certain time then we would tell them that it didn't work for us."
"I told you, I need to think about it first. Is that too much to ask? Do you expect me to say okay to everything you say?" Kinuha niya ang bag at humugot ng ilang bills at inilapag iyon sa mesa bago tumayo. "If you really have to oppose the wedding, please do. 'Wag ninyo akong idamay kung gusto ninyong manloko ng mga taong kung nakakalimutan mo ay pamilya mo rin!"
Sinabayan niya iyon ng walk out. Nagagalit siya? Oo, galit siya. Galit siya sa sarili kasi nagagalit siya. Hindi dapat siya maapektuhan ng ka-OA-han ng dalawa. But for some reason, naiirita siya na nagmamahalan ang mga ito.
Why? Dahil ba sa loob-loob niya ay umaasa siya na kahit kaunti ikonsidera ulit ni Carlos na pakasalan siya nang hindi ito napipilitan lang?
Because in the past, he did promise her that he would marry her when the right time comes according to the wishes of their grandfathers. Nakalimutan na ba nito iyon? Oo nga't mga bata pa sila noon. But doesn't a kid say the most sincere words?
Siguro hindi ganoon si Carlos.
'You must understand, Ara. May Angie na siya ngayon. And she was the very reason kung bakit ayaw ka ng pakasalan ni Carlos,' sabi ng utak niya.
Nasa tabi na siya ng kalsada at papara na lang ng taxi nang biglang pigilan siya ni Carlos na maitaas ang kamay niya.
"What?!" Angil niya na ipiniksi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. But his hold was firm, nasaktan lang siya sa pagtatangka niyang kumawala rito. "Let me go!"
Hindi niya in-expect na susundan siya ni Carlos kaya nagulat siya nang kaunti sa ginawa nito.
"Didn't I tell you we will go to my house together?" He reminded her. There was a hint of displease in his voice.
"Forget it, I can go there on my own." Palaban niyang sagot. "Besides, it was Aunt Suzy who invited me. And to be honest, we don't expect you to be there since according to your mother, you haven't been to your own house since you arrived."
Sa totoo lang, nang malaman niya kagabi na nagsasama sina Carlos at Angie, gusto na niyang umurong sa kasal. But she already gave them her word na susunod siya sa gusto ng mga nakatatanda.
The couple only lacked the wedding and they're good as married. And Ara's heart was not happy that she seemed to be the villain in their love story.
However, wasn't it her who was supposed to be Carlos' wife even before either of them was conceived? Si Angie ang totoong kontrabida. Ito ang umeksena sa isang sitwasyong napagplanuhan na noon pa man.
But why were they making her feel that she was the biggest obstacle to their happy ending?
Sa halip na sumagot sa sinabi niya, padarag siyang hinila ng binata papunta sa naghihintay nitong sasakyan sa parking lot.
Angie was already there. Nakatayo ito sa gilid ng kotse at masama ang tingin sa braso niyang hawak pa rin ni Carlos.
"Get in, Anj," sabi nito sa kasintahan habang itinulak naman siya nito papasok sa back seat.
Padabog ding sumunod si Angie. Ibinagsak pa nga nito ang pintuan pasara. Kagabi lang niya nakilala ang babae pero halos desidido na siya na hindi niya ito gusto.
May vibe itong hindi maganda. Parang spoiled brat. Masama ang ugali, gano'n. Ni hindi nito kayang maging civil sa harapan niya. Even just for the sake of convincing her to consider their proposal, hindi nito magawang magpasensya.
Para itong 'yong tipong hindi sanay na hindi napagbibigyan ang gusto. She had the feeling that Carlos was spoiling her big time.
Hindi siya makapaniwala na gano'ng klase ng babae ang pipiliin ni Carlos na makasama nito sa buhay. Akala pa naman niya since ayaw nito sa kanya, mataas ang standards nito pagdating sa mga babae. Turned out, bulag lang ito sa pagmamahal.
Tama nga ang kasabihan, love is blind.
Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa destinasyon.
Dahil siya lang ang ini-expect na darating, nagulat ang ina ni Carlos na kasama niya ang anak nito plus the girlfriend.
"Carlos, what a surprise," malambing pa ring sabi ni Suzy na niyakap ang anak matapos tanguan lang si Angie. "It's a good thing that you're here. You can help me and Ara to finalize the guest list. You know, we have to send out the invitations as soon as possible."
"Ma, two weeks is too soon. Have you ever considered the guests you're planning to invite? Baka may mga lakad na sila sa araw na napili n'yo," sabi ng binata.
Ara knew that he had a point. Pero as usual, ito lang ang matapang na mag-voice out ng opinyon nito.
"Are you trying to buy time again to insist on your relationship with this woman?" Hindi napigilan ni Suzy na balingan ng tingin ang kasintahan ng anak. "Hija, if you still have some self respect, you would break up with my son. Hindi maganda ang ginagawa mo. Are you that desperate to be in a relationship with a rich man?" Maanghang na tanong nito sa namutlang si Angie. "You must be pretty desperate."
Kahit si Ara ay nagulat. Calm and collected ang tingin niya kay Suzy Lagdameo kahit noon pa man. She was a nice and sweet lady. Ngayon niya lang ito narinig na magbitaw nang ganoong mga salita.
"Ma, respect her. She's my girlfriend and I love her!" Pagtatanggol ni Carlos na itinago pa sa likuran nito si Angie na para bang aatakehin ito ng ina.
"For goodness' sake, Carlos! You're getting married! You cannot keep a mistress!"
"Auntie," singit ni Ara na malambing na hinawakan sa braso ang future mother-in-law. Nakita kasi niyang nakakuyom na ang mga kamao ni Carlos. "Everything is so sudden. Give Carlos some time."
"This marriage is not so sudden, Ara. 'Wag mong bigyan ng impresyon ang magiging asawa mo na masyado kang maunawain." Suzy answered. Bahagya itong kumalma para sa kapakanan niya. "Carlos, get that woman away from my sight."
"If you want a wedding, you must make yourself comfortable seeing Anj with me. Because I ain't gonna leave her for some puppet, mama," matigas na sabi ni Carlos na nakatingin nang masama sa kanya. "If you'll excuse us, aalis na kami."
Hawak nang mahigpit sa mga kamay si Angie, umalis nang walang lingod-likod si Carlos.
"Oh, forgive my son, Arabella," napahawak sa mga sentido nito si Suzy.