Levi's POV: Nakatunganga lamang ako habang nakikinig sa meeting dito ni Sedan. Nasa Highlands Company kami ngayon. Dito niya ako isinama dahil kailangan niya ng chaperone. Nagsusulat din ako ng ibang detalye na mukhang mahalaga. Para naman maireview niya ng ayos ang iniaalok na partnership. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang alitan kanina nila Milan at Sedan. Talagang pinapili pa nila ako kung kanino sasama! Dahil gusto kong medyo inisin si Milan at pagselosin dahil baka matrigger ang feelings niyang natutulog sa akin, sumama ako kay Sedan. Sinabi niya ring kailangan niya ng chaperone. Kaya ayon, ramdam ko ang mga matatalim na titig ni Milan hanggang ngayon simula nung umalis ako. "She is not coming with you. Hindi niya sakop ang trabaho at maging alalay mo," madiing sabi ni Mil

