CHAPTER 1

708 Words
Levi's POV: "Levi, ano ba namang grades ito!? Hindi ka namin ipinepressure but ayusin mo naman ang pag-aaral mo! Kababae mong tao puro ka party at pagrerebelde! Mas kilala ka pa nga yata ng mga kaibigan mo kaysa sa amin!" inis na sigaw sa akin ni dad. Pinalipad niya ang card ko na nasambot naman ni Mission, ang kakambal ko. Tiningnan niya ang mga grado ko at napailing. Puro kasi ito line of 7 at dalawa lang ang nakuha kong line of 8. 80 pa iyon at 81 kaya galit sila ngayon. "Dad, wala naman pong kasalanan dito ang mga kaibigan ko. Saka dad, mahirap naman po talaga kasi ang exams. Gipit pa lagi kaming magpasa ng mga projects," pagdadahilan ko. "Pero bakit ang kuya mo pilot section pa mataas naman ang grado? Levi, dalaga ka na! Kung lalaki kang ganiyan mag-isip kang mabuti! I know grades won't define your future pero ayusin mo ang pag-aaral mo. I'm watching you," galit na sabi ni dad at nagwalk-out. Napalingon naman ako kay mom na malungkot. Nakatitig lang siya sa akin at napabuntong hininga. Nginitian na lamang ako ni mom at umakyat para sundan si dad. Lagi akong mas nalulungkot kapag ganito si mom. Siya lagi ang nagchecheer-up sa akin kahit pinapagalitan ako ni dad. Sinasabi niyang ayos lang iyon at mas pagbutihan ko pa. Lumapit naman sa akin si Kuya Mission at tumikhim. Iniabot niya sa akin ang card ko na tinanggap ko naman. "Levi, alam kong sumasama ka pa rin kila Misty. Stay away from them, Levi. Hindi sila magandang impluwensya sa 'yo. They are dragging you down at hinahayaan ka pang magbisyo katulad niyang pag-iinom mo. For pete sake Levi, 15 ka pa lang! Humanap ka naman ng matitinong kaibigan," pangaral sa akin ni Kuya Mission. "Kuya, I am happy with them. Masaya ako sa mga kaibigang mayroon ako," sabi ko sa kaniya. "Sabagay, hindi naman nila kasalanan iyon dahil niyayaya ka lang naman nila. Ikaw itong game na game at napapabayaan ang pag-aaral. Can't you see that they are all achievers? Honor pa nga si Misty! Basta Levi binalaan na kita. Bahala ka na kung sasama ka pa rin sa kanila," sabi ni Kuya Mission at iniwan akong mag-isa. Napairap na lamang ako at umakyat papunta sa aking kwarto. Pumasok ako at inilagay sa bedside table ang aking card. Pasalampak naman akong humiga sa kama. "Ang unfair niyo kasi. Lagi na lang Levi, ano ba! Levi, ayusin mo nga iyan! Levi, dapat ganito ka!" reklamo ko. Napapadyak ako sa kama habang nakasubsob na umiiyak. Umiinom ako kasi gusto kong makalimutan ang problema ko sa pamilya. Lagi na lang akong naituturing na black sheep. Gusto kong maging masaya habang nag-aaral pero kahit kailan ay hindi sila nakuntento sa mga grado ko. Mabuti pa si mom, naiintindihan niya ako. Si dad ay gusto akong maging perpekto na hindi ko naman kaya. Dati ay nasa second section pa ako. Hindi man ako nagkakaroon ng line of 9 katulad ni Kuya Mission pero nakakaline of 8 naman ako. Kung may line of 7 naman ay isa lamang at kadalasang 79 pa. Doon ako pinanghinaan ng loob at sumuko na sa pagpapataas ng grado ko. Lagi na lang akong umiiyak at naikukumpara kay Kuya Mission. Alam kong gusto lang nila ang ikabubuti ko pero masakit sa akin. Nalulungkot ako. Simula nang makilala ko sila Misty, Friday, Rewerd, at Cloud ay naging masaya ako. Nakalimutan ko ang aking problema at nag-enjoy ako sa buhay. Iyon nga lang, para sa lahat ay bad influence sila. Kami kasi ang mga pinakamayayaman sa Batallion High. Tingin nga sa aming tatlong mga babae ay b***h, lalo na kila Misty at Friday. Although medyo totoo, iba naman ako sa kanila. Ako ang pinakabata sa aming magkakaibigan dahil fifteen pa lang ako. Sixteen na sila Misty, Rewerd, at Cloud habang si Frida ay turning 16. Lahat sila ay grade 10 habang ako ay grade 9. Biglang nagring ang aking cellphone kaya nagpunas ako ng luha. Tawag pala ito mula sa messenger at si Misty ang tumatawag. Mukhang yaya na naman. "What the f**k Misty?" bungad ko sa kaniya. "Hi Levi, miss you sissy! May party mamaya rito sa ranch namin! Come and go here b***h!" masaya niyang bati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD