Markus… Nagmamadali siyang naglakad patungo sa isang opisina kung saan niya matatagpuan si Quatro. Nagpupuyos ang damdamin niya nang malaman niya ang tungkol sa video na ipinasa sa kaniya nitong umaga lang. Walang pagsidlan ang kaniyang galit lalo pa at si Mary ang kasama ni Quatro sa video na ito. Ang mas lalong ikinagagalit niya ngayon ay hindi umuwi ang dalaga kagabi kaya nandito siya ngayon upang alamin sa mga kasama ang nangyari. “Good morning, Sir⸺ahh!” bati sana ng sekretarya ni Quatro subalit binangga lang niya ito. Mabuti at nakabalanse agad ang dalaga dahil kung hindi ay matatapilok ito sa haba ng suot nitong stiletto shoes. “Jesler!” sigaw niya habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Kasunod naman niya si Franco at dalawa pa niyang tauhan. Nakita niya agad sa couch si Qu

