"From... from PTSD. You had been suffered from PTSD noong five years old ka pa lang --- noong nakita mong namatay ang papá mo, Natalie." Noon napakuha si Natalie ng tissue saka tinupi-tupi iyon. Naglililikot din ang mga mata niya. "Hi-hindi ko alam na nagkaroon ako ng PTSD," aniya, hindi pinupukulan ng tingin si Lira. "W-well siguro, alam ko na nagkaroon ako ng gano'n pero hindi ko na maalala." Muli siyang napakuha ng tissue saka iyon tinupi. Her breathing was getting faster. May mga butil na rin ng pawis sa noo niya sa kabila ng malamig na klima. "K-kahit 'yong box." Umangat ang mukha niya, mataman itong tinitigan. "'Yong box na sinasabi mo, hindi ko rin maalala. May mga memories ako no'ng bata ako na hindi ko na maalala." With her hands folding the tissue paper, her eyes quickly fill

