A HORRIBLE sound of a voice reached Bradley's ears. His eyes suddenly opened wide as he realized it was Elise, singing. He tried to move, but that was also the time he latched on to reality when he felt his hands were tied up from his behind. Sumigaw si Bradley. Hindi niya nagawa. Nakabusal pala ang bibig niya. Pinilit niyang gumalaw, pero maging ang mga paa niya, nakatali rin habang nakaupo siya sa upuang hindi niya kayang ugain man lang. Shit! His heart began to beat faster when he realized he was in a room that didn't look familiar. Amoy semento. Bagong palitada ang mga pader. Hindi ganoon kalaki. Walang gamit. Bagaman ang liwanag ng dilaw na bumbilya ay hindi sumapat para madamay ang isang sulok na literal na wala siyang makita. Mula doon, lumitaw si Elise, itinutulak ang isang ca

