MASASAYANG reaksyon ang pumaibabaw sa paligid nang sabihin ng judge ang desisyon sa korte. Lifetime imprisonment ang sintensiya kay Elise at nahaharap sa extradition trial dahil sa ginawa nitong krimen sa Pilipinas. Sumalubong ang ngiti ni Natalie sa mga ate niya at sa kapatid ni Bradley. At katulad ng inaasahan halos nagsisigaw si Lira sa tabi niya na parang nanalo sa lotto dahil sa ka-OA-yan. Bagaman ay awtomatiko siyang napayakap kay Bradley nang madamang yayakapin din siya nito. Isinara niya ang mga mata, dinama ang bawat sandali. Hinagkan nito ang kanyang noo. Her eyes started to water. Sa huli ay tuluyan na siyang napaluha. Nang ilayo ng lalaki ang mukha sa kanya, napangiti siya rito. "I see that peaceful smile of yours," ani Bradley. Kapagkuwan ay gumawi ang tingin nito sa kany

