Chapter 3: Who Is He Again?

1846 Words
Sa sumunod na araw, sa parehong hotel ni Aica, sa isang conference room nito, ay nagkaroon ng whole day briefing ang mga organizers at sa lahat ng fifteen archaeologists na kasama sa project. Hindi kasama sa numerong ito ang mga assistants at mga apprentices. Pinag-usapan ang tungkol sa mga previous results ng surveys and studies—para naman ito condensed information para sa mga first timers kung wala pang masyadong background sa project. She could not say it was an excavation project since she knew there was nothing of that sort that was going to happen, ironically speaking, in their line of work. Tanging si Aica ang walang kasamang assistant o kaya ay apprentice dahil sa ang gusto sanang sumama sa kanya ay nagkaroon ng traffic accident two days ago at nakasemento pa ang kaliwang binti nito—at dahil doon ay tila sunud-sunod naman ang kanyang kamalasan, kasama na roon ang tungkol kay Alec. Kinabukasan naman ay nagkaroon sila ng briefing kung ano ang kani-kanyang gagawin o assignments at mga tests na kanilang gagawin. Sinunod na rin ang mga impormasyon kung kani-kanino sila makikipag-coordinate at paano. Namangha pa ang dalaga nang makita ang lalaking nakakaaway niya sa tuwing nakikita niya ito. Para siyang matilihan. Who is he again? Prof. Dr. Russel Pattinson? Siya ang famous na Prof. Dr. Russel Pattinson? Hindi siya makapaniwala. She read his books, but she never saw his pictures sa kahit na anong references. Mailap ito sa mga photographers kahit sa sarili nitong mga libro ay wala itong ni isang picture o kahit anino man lang nito kung kaya’t nai-imagine niyang isa na itong matandang propesor. But now, she was in for a shock! Big time. At hindi niya gusto ang reaction niya. Her heart was pumping so hard na para bang luluwa na ito mula sa dibdib niya. May kung anumang nararamdaman siya roon lalo na at nakikita niyang sadyang napatingin sa kanyang direksyon ang mga mata ng lalaki na tila ba ay nang-uuyam sa kanya hanggang ngayon. Dahil dito ay naaalala tuloy niya ang paghawak nito sa kanyang underwear na tila ba nandidiri ito. She was beyond mortified! Eh, bakit niya naman hinawakan ‘yon? Paki niya kung pakalat-kalat ‘yong underwear kong bumulagta na lang sa kalsada? Kabanas talaga ang Brit na ‘to! Naaasar na naman siya. “Are you alright, dear?” ang nag-aalalang tanong ng isang matandang lalaking professor na nasa kanyang tabi. Napansin siya nitong tila namumutla at namumula—parang hindi niya malaman kung ano ang mas matinding nararamdaman niya ngayon. Ang matanda ay ang British-German na si Prof. Dr. Terry Parker. He was already sixty-three years old at kasama nito ang colleague nitong si Dr. Phil Harolds na thirty-eight years old at apprentice nitong kaka-graduate lang nitong June na babae, si Dr. Janice Benson, na thirty years old lang sa pagkakaalam niya. “I-I’m alright, Professor.” Pilit niyang ngumiti at tiningnan ito sa mukha. Iyon ay upang makaiwas siya sa mapanuring asul na mga mata ni Prof. Dr. Pattinson na nakapaskil sa mukha niya. Sh*t! I’m in so much trouble! himutok pa niya sa sarili. Kinakabahan pa siyang hindi mawari. “Come, dear. Let’s meet our favorite Prof. Dr. Pattinson,” hikayat ng propesor. Parang gusto niyang tumili at ayaw pa niyang sumama noong una ngunit nagpaunlak na rin lang siya, lalo’t marahan siyang itinulak ni Dr. Benson nang nakangiti. She was blonde and a tall woman. May maganda itong mukhang may kaunting freckles na nakakalat sa noo at pisngi. Maiksi lang ang buhok nito at kulay-lupa ang mga mata. Napakagandang tingnan ng mga iyon. Alinlangan siyang sumunod sa matanda, at nasa likuran lang nila ang dalawang kasamahan nito. It was already their breaktime that afternoon. Parang ayaw niyang mag-break nang dahil sa ginagawa ngayon ni Prof. Dr. Parker. Napasubo siya. “Ah, Prof. Dr. Parker! I’m so glad to meet you here at last. After our short correspondence, I am glad to finally meet you! I am even excited and thrilled!” Magalang at sinserong nakipag-shake hands ang Brit sa matanda. His smile was infectious. Pantay at maputi ang ngipin nito. Maganda talaga ang ngiti niya, ah. Peste! Bakit hindi iyon nakita ng dalaga noon? Well, dahil sa hindi naman siya ang nginingitian ng lalaki. Iba ang recipient niyon, ang matandang British-German professor. And how she wished he would give her that kind of smile. She would give everything she had just to be the recipient of that smile. Wait, what? Hell no! Hindi ko kailangan ang ngiti niya. Buwisit siya! Saka napakurap siya nang tumingin ito sa kanya nang diretso. “Hello, Dr. Ramirez. I just heard that you’re among our group in the expedition this year,” ang sabi nitong nakipagkamay sa kanya. Tsk! Hi-top Plastic! She didn’t meet his gaze while feeling his gentle but firm grip on her hand. Ayaw niyang isipin kung paanong lumukso ang puso niya nang maramdaman ang palad nito na ang init ay tila tumulay sa kanyang katawan patungo sa pinakasentro ng kanyang katawan na parang doon talaga siya sinapo. It was a weird and maybe a perverted thought. Pero iyon ang naramdaman niya bigla at hindi niya mawari kung bakit. Pilit na lang niyang inignora ang kakaibang damdaming iyon. He was definitely driving her nuts! At paano nito nalaman ang pangalan niya? Natameme siya. Hindi siya nakapagsalita at bumaling na ito kina Dr. Harolds at Dr. Benson para batiin. She sidestepped at tahimik na nakamasid sa apat na nagsasalita nang isa-isa tungkol sa isang topic. They talked in German kung kaya’t hindi niya maintindihan ang mga ito. Na-out of place na tuloy siya. He’s doing this on purpose! Parang pinapakita niyang wala akong lugar dito. Kainis! She excused herself para ikuha ang sarili ng refreshment. Hindi naman kasi maginaw sa loob dahil sa heater kung kaya’t normal sa kanya ang temperatura at gusto niyang uminom ngayon ng malamig na punch. “I don’t know why. But whenever I see you, I get disappointed. That’s why I want to avoid you as much as possible,” ang lantarang pagkarahas na sabi sa kanya ni Russel na inagaw ang pangsandok ng punch at nagsalin sa sarili nitong baso. His blue eyes even taunted her. Napamaang ang dalaga dahil sa sinabi nito. Sinundan pa ako ng damuho para insultuhin? Her eyes were screaming with hate directly at his face. But he smiled at her mockingly. Inilubog pa nito ang pangsandok ng punch at napakagat-labi ang dalaga. Sa inis niya ay inilubog niya ang baso upang diretsong makasahod ng punch at saka agad itong nilagok habang ang mga mata ay matalim na nakapukol sa likod ng lalaking umalis. Hindi niya maiwasang mapahanga sa lapad ng balikat nito at saktong-sakto ang three-piece suit na navy sa lalaki. Malamang pinagawa iyon nang sadya para rito. “And that’s how it should be done!” puri ng isang malalim na boses ng isang lalaki. May British accent ito. Napalingon ang dalaga sa may-ari niyon. He wore a pair of thin rimless glasses na halatang mamahalin. Matangkad ito, Caucasian, light brown hair, grey eyes, slightly hawk-like nose and thin reddish lips. He was good-looking at boyish ang dating. Presko ring tingnan ito. Apparently, he had witnessed the episode between her and the famous writer, lecturer and archaeologist sa circle na ito. Napasulyap pa ito sa lalaking iyon. “Thanks,” she said grudgingly and averted her eyes. “You know Prof. Dr. Pattinson?” tanong nitong sinunod ang ginawa niya kung paanong pagsandok ng punch at umiinom na ito. Parang gusto nitong magkausap sila. She could sense that familiar feeling from him, and she wondered why. She shrugged her slim shoulders. Pagkatapos ay umiling. “No. Not personally. I just read most of his books,” turan naman niya. Hindi na niya nabanggit ang tungkol sa accidental meetings nila sa dalawang bangketa sa London. There was nothing to tell but her embarrassment, anyways. Kaya wala siyang dapat na ikaka-proud doon. Pakiramdam niya ay bumaba ang kanyang IQ at EQ kapag nasa paligid ang lalaking iyon. “I see. I’ve known him for long. Almost all our lives. We went to the same high school, university and other clubs,” he told her conversationally. “But the way he’s acting around you, it seems that you two know each other very well.” His eyes seemed to penetrate deep in her soul when she glanced at him. “What kind of clubs, if I may ask?” pag-iiba pa niya. “Golf, equestrian, extreme sports, you name it,” kumibit namang anito. Napa-snort ang dalaga. “Rich men’s sports, I see,” she sneered. Oh, how she hated rich people! They got everything, whereas she didn’t have anything. Bitter na nga siguro siya dahil pinanganak siyang poorita. “Do you have something against rich men?” ang tanong ng British sa kanyang may amusement sa mukha nito at boses. She tilted her head sideways as she looked at him, since he was taller than her, although she noticed he wasn’t as tall as Prof. Dr. Pattinson. Siguro ay ilang pulgada lang din ang deprensiya nito sa kanya pero matangkad pa rin ito kumpara sa kanyang five feet and four inches na height. “Maybe and particularly with someone… yes,” saad naman niyang ngumiti nang may pagkamisteryosa. He blinked a few times. He liked this woman from the first time he saw her. It was yesterday. But it was just this time that he was able to muster his courage to talk to her. Ito ay dahil sa palagi naman nitong kasama sina Prof. Dr. Parker. At ngayon ay nag-iisa na ito sa buffet table na nakapuwesto sa kaliwang bahagi, near the silver-colored wall of the conference room. “Someone? And it happens to be our Prof. Dr. Pattinson?” he pressed on. His steely eyes never left her beautiful face. “I don’t feel obliged to answer your every question. Why are you talking to me about him, Dr.—?” Ngumiti siya sa lalaki na sadyang ibinitin iyon upang malaman ang pangalan nito. “Kenneth Stevenson’s the name,” maagap nitong salo ngunit wala itong intensyong makipag-shake hands sa kanya. Pero ayos lang dahil wala rin naman siyang intensyon na makipagkamayan dito. “Ah. I read one of your books—‘The Prehistoric Monument: Stonehenge.’” Naaalala pa ng dalaga ang libro nito habang nakalabi siyang patango-tango. Her photographic mind was scanning the pages of his books that she read. “Only one of my books?” biro pa nito na may panunukso sa mga mata. He released almost a dozen of self-published books about archaeological finds and other topics. “I got to go. It’s a pleasure to meet you, Dr. Stevenson.” Magalang na ngumiti ang dalagang inilagay sa isang tabi ang baso at iniwan ang nakangiting lalaki. Sa ngayon ay hindi pa niya gaanong gustong makipag-usap kanino man at kailangan niya pa palang tawagan si Alec. Nawala ito sa isipan niya kahit importante sa kanya ang nilalang na iyon nang dahil sa briefing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD