Chapter 2

1861 Words
Eksakto pagkatapos nang huling pagpahid ni Beatrice ng nude lipstick sa kanyang labi ang pagtunog ng doorbell sa apartment na tinutuluyan. Halos irolyo niya ang mga mata sapagkat sigurado siya kung sino ang nasa likod ng pintong iyon. She took her time tying her sneakers' lace na kukumpleto sa kanyang outfit. She was wearing a Mickey Mouse-designed sweatshirt and blue jeans. Matapos ang pagbibihis ay dinampot niya na ang kanyang bag at siniguro kung lahat ba ng ilaw ay napatay niya na at kung nahugot niya na ang mga cord sa saksakan. Nang masigurong lahat ay maayos na, pinihit niya na ang seradura ng pinto. Hindi nga siya nagkamali, Santiago Montano was behind the door. He's wearing his usual all-black casual attire: t-shirt, jeans, and pair of sneakers. The piercing in his left ear shined against the morning sun as he removed his dark rayban glasses. Mabilis na kumurba ang labi nito sabay abot ng paborito n'yang Starbucks take out coffee. "Good morning, gorgeous," bati nito saka sumunod sa kanya pababa sa hagdan ng two-floor apartment building. "You know, you don't have to do this, Santiago," aniya, this time umiirap na talaga. Tatlong araw na itong sunod-sunod ang pagsundo sa kanya upang sabay silang pumasok sa Montano Design, ang architectural firm na pagmamay-ari ng pamilya nito na pinagtatrabahuhan rin niya. Ngayon naman ay talagang hindi pa ito nagpapigil sumama sa kanya sa pagdalaw niya sa kanyang Lolo't Lola. Napailing na lamang siya. "For three days straight mo nang sinasabi 'yan," anito at pinagbuksan siya ng pinto sa shotgun seat ng kotse nito. Iniharang pa nito ang palad sa ulo niya habang sumasakay para hindi siya mauntog. "And for three days straight, 'yun pa rin ang isasagot ko sa'yo." Nagpatuloy ito hanggang makasakay sa tabi niya. Sinimulan rin nito ang pags-start ng makina ng kotse. Automatic rin nitong chineck ang aircon kung maayos ba s'yang nalalamigan. "I want to do this. I want to try it with you." Umiling na lamang siya at humigop sa kapeng ibinigay nito. Mukhang nahalata nito na hindi pa rin siya kumbinsido doon. Naramdaman niya na lang ang kamay nitong kumurot sa pisngi niya. "You think too much. Let's just enjoy this." Muli n'yang inirolyo ang mga mata. "I'm at the point of my life when I'm looking for stability and not enjoyment. I need to have someone who is serious in life." "You know I'm always serious when it concerns you," sabi pa nito at kinindatan siya. Hindi naman siya bulag at lalong hindi naman siya manhid. Sa humigit-kumulang na sampung taon nilang pagkakaibigan ay hindi lang minsan nakaramdam ng kilig at kakaiba si Beatrice sa kasama ngunit kilala niya ang lalaki. At ang mga uri nito. Alam n'yang kahit na dumating ang puntong tumino ito ay babalik at babalik pa rin ito sa nakagawian nitong pambababae. She can't have that. Or maybe you're just scared... a voice inside mocked her. Hindi niya na 'yon pinansin. Kinaya n'yang pigilan sa loob ng sampung taon na lumalim ang nararamdaman dito, ngayon pa ba siya magkakamali? Of course! She once had a crush with Santiago! Sino bang hindi? But she successfully held it back. And, she doesn't have any plans on making any mistake. Kaya sana tigilan na nito ang ginagawa. Kahit paano ay hindi naman naging gan'on kabigat ang traffic sa EDSA dahil weekends. Dumaan rin muna sila sa pinaka malapit na McDo drive-thru para sa burger, fries, sundae, at soda na rin. Kulang-kulang tatlong oras ang naging byahe nila kahit pa nag-express way naman sila. Tanghali na nang makarating sila sa bahay. Nasa labas pa lamang sila ng gate ay narinig na ni Beatrice ang ingay ng mga kapitbahay na hindi pa man nagsisimula ang handaan ay nand'un na. Natural naman na nand'un na ang mga kamag-anak niya dahil ito ang katulong ng Lolo't Lola niya sa paghahanda. Napalunok siya sa kaba. Paano niya sasabihing hindi matutuloy ang kasal? Higit sa lahat, paano na naman niya haharapin ang mga tanong na kailan ka ba mag-aasawa? Tumatanda ka na. "Beatrice!" bulalas ng kan'yang Lolo nang matanaw sila nito sa mababang gate. Kumaway siya rito habang malawak ang ngiti. Dali-dali itong lumabas doon at niyakap siya. Sinalubong niya ito. "Akala ko ay nakalimutan mo na ang birthday ko!" "Pwede ba naman 'yun, 'Lo? May gift nga ako sa'yo eh," sagot niya saka inabot ang regalo dito. Inalog ng matanda ang box at sumilay ang ngiti nito. Ang cute ng bungi n'yang lolo. "Hindi ka na dapat nag-abala pa pero alam kong magtatampo ka kapag tinanggihan ko ito. Salamat, apo." Muli silang nag-yakap ng Lolo niya. Mula nang maipa-ayos niya ang bahay nila ay ayaw na ayaw na nitong tumatanggap ng kahit na ano mula sa kanya. Sobra-sobra na nga daw 'yung ginawa nito para sa bahay kahit hindi nito iyon responsibilidad. Pero papayag ba naman siya sa gan'on? Ngayon pang may kakayahan na s'yang bigyan nang mas maayos na buhay ang mga taong nagpalaki sa kanya matapos s'yang iwan na lang ng ina. Matapos i-divorce ng tatay n'yang half-American at half-Belarusian ay umuwi sila ng Mommy niya dito sa Pilipinas. Akala niya naman ay gaya ito ng ibang ina na hindi papabayaan ang anak kahit wala ng ama ngunit nang bigla na lang tumigil sa pagpapadala ng sustento ang tatay n'yang naiwan sa America ay tumigil na rin ito sa pag-intindi sa kanya. Ang masaklap pa, sumama ito sa Hapon nitong boyfriend at iniwan siya. "Ay oo nga pala! Kumain na ba kayo? Kumain na kayo at maraming niluto ang mga Tita mo. Akala mo naman ang yaman-yaman natin kung makapaghanda." Tumuloy sila ni Santiago at unang tapak niya pa lang sa loob ng gate ay agad na s'yang binati ng mga tao doon. Nang si Santiago naman ang nakita ng mga 'to ay halos nagkikisay na ang mga ito sa kilig. Sana daw ay ito na lang talaga ang makatuluyan niya. Ang swerte niya daw kung magka-gan'on dahil ang gwapo na ito at mayaman pa. Kilala na rin kasi ito ng mga kamag-anak niya. Lagi silang napagkakamalan na may relasyon. O 'di naman ay laging sinasabi ng mga ito na may gusto sa kanya ang binata dahil mas madalas pang sumama si Santiago kesa sa mga ex niya sa tuwing dadalaw siya rito. Gusto nga ang lalaki ng mga ito dahil sobrang charming nito sa harapan nila. Well, she'll give it to him though. Kahit mayabang at madalas na arogante ang lalaki ay napaka buti nito sa pamilya niya. Actually, mabuti talaga ang lalaki sa mga gaya nilang mas mababa ang economic status kumpara dito. Isa 'yun sa dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging babaero ng lalaki ay naniniwala s'yang kahit paano ay mabuti naman itong tao. She witnessed him being that kind person for ten years. Walang pagpapanggap d'un. Umasim pa rin ang ngiti niya. As if naman na 'yun lang ang mga natatanging katangian na hinahanap niya para sa isang asawa. Alas tres ng hapon na nagsimula ang party. Nakipagkwentuhan sila sa mga kamag-anak niya at mga kapitbahay. N'ung una ay lagi pa silang magkadikit ni Santiago ngunit naaya itong makipag-inuman. Ayaw nga sana ng lalaki dahil magmamaneho pa daw ito ngunit nang sinabihan ng Tito niya na pwede naman na dito na sila magpalipas ng gabi ay parehas na silang walang nagawa. Siya naman ay nakipaglaro na lang rin sa mga pamangkin niya. Sa kanilang magpipinsan, siya na lang ang walang anak at asawa. Halos manliit siya sa mga ito kanina nang ibalita niya ang tungkol sa kasal n'yang hindi na matutuloy. Wala man s'yang narinig sa mga ito ay nakita niya ang awa sa kanilang mga mata. Dalawa lang naman ang naging ex ni Beatrice. 'Yung una ay tumagal ng tatlong taon at ito namang huli ay lima. Parehas n'yang inakala na ang mga ito na ang makakasama niya habambuhay. Hindi rin naman kasi siya nakikipag-relasyon kung hindi niya iyon nakikita. Pero wala talaga eh. "Anong balak mo?" tanong ng isang pinsan niya nang magkasarilinan sila. Pumasok kasi siya sa bahay ng kanyang Lolo't Lola para magpahinga. Sumunod ito dala ang isang taong gulang na anak. "Huh?" "Hindi na matutuloy ang kasal mo kay Edward. Paano ka na? Thirty ka na." Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Darating din yan," sagot niya rito. Pero mas kinukumbinsi niya ang sarili. Sabi nila, mahirap na daw magka-anak pagtuntong ng trenta. Kaya nga minamadali niya na rin ang magpakasal sila ni Edward. Paano ba naman, kung hindi niya pa kinulit ay mukha pang walang balak. Ang ending tuloy, ito, naabutan n'yang nakikipag-halikan sa iba. Sa ex pa na pinagseselosan niya! Kaya naman pala ayaw pang magpakasal! Bukod sa pagiging arkitekto, wala namang ibang pangarap si Beatrice kung hindi ang magkar'on ng sariling pamilya. Tapat at responsableng asawa pati na malulusog na mga anak. Siguro gan'on talaga kapag lumaki kang walang mga magulang. Habambuhay s'yang magpapasalamat sa kan'yang Lolo't Lola pero hindi niya maitatanggi na gusto niya ring makaranas ng buong pamilya.  Pinangako niya sa sarili na kung hindi mabubuo ang pamilya niya, 'yung sila ng mga magulang niya, bubuo na lang siya ng kanya. Pumalatak ang pinsan niya. "Darating? Kailan pa? Kapag forty ka na at wala ka ng kakayahang mag-buntis? Sino pa ang papatol sa'yo?" Iniiwas niya ang tingin. Naiimagine ang kahihinatnan ng buhay kapag nangyari 'yon. Parang napaka lungkot... Successful nga siya at magaling na arkitekto pero matanda naman at mag-isa. Hanggang sa sumunod na araw ay dala-dala ni Beatrice ang naging usapan nila ni Rachel. Kahit nasa biyahe na sila ni Santiago pabalik sa Maynila ay tahimik pa rin siya. Pakiramdam niya habang tumatagal ay pabilis nang pabilis ang takbo ng oras at nauubos na ang kanya. Tila ba kung hindi pa siya makakasal ngayon ay habambuhay na s'yang mag-iisa. Na ito na ang huling tyansa niya. Itong nasa tabi niya. "Is everything okay?" tanong ni Santiago. Salit-salitan ang mata nito sa kanya at sa harapan. Mabuti na lang rin at medyo traffic. "Kanina ka pa tahimik. May sakit ka ba?" "Bakit gusto mo kong pakasalan?" Nagulat ang lalaki sa tanong niya. Kumunot ang noo nito pero sumagot rin naman. "I told you. You want a husband, I can have a wife." "Takot ka rin bang mag-isa?" Natahimik ang lalaki. 'Di nagtagal ay hinawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri nila. Santiago's hands are big and rough but his hold felt soft. It felt home... Ito ang kamay na laging umaalalay sa kanya at nagpupunas ng mga luha niya. Ngayon, ito rin ang mga kamay na handang humawak sa kanya hanggang huli—kahit na may posibilidad na hindi niya iyon hawakan pabalik. "Nope. Takot lang ako na hindi ka makasama." Lumunok siya. Gusto niya mang umiwas ng tingin sa mga mata nitong parang nakakalunod kung tumitig ay hindi niya magawa. Naaakit siya sa mga mata nito. Para bang nakapaloob d'un ang sari-saring emosyon na hindi niya mapangalanan. "Do you love me?" Akala ni Beatrice ay hindi iyon sasagutin ng lalaki. Ngunit nagkamali siya. Mabilis na bumuka ang bibig nito, lumabas ang sinserong boses na para bang nagsasabing sa kabila ng lahat nang nagawa nitong hindi tama, aayusin nito iyon para lang sa kaniya. "What do you think?" Hindi ito diretsong kinumpirma ng lalaki. Ni hindi tumango. Ngunit sa higpit ng hawak nito sa kan'yang kamay, sa titig nito sa kan'yang mata, at sa lahat ng mga ginawa nito para sa kanya magmula pa noon, alam niya na ang sagot. Walang ibang magmamahal sa kan'ya ng ganito kung hindi ang lalaking ito. DW: 04.04.18 DP: 05.26.18 05.16.2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD