KABANATA 28: KAKALABAS lang namin ng mall pagkatapos mabili ni Alice ang kailangan niya at ilang oras sa paglalakad sa loob ng mall. "Tara na, ihahatid kana namin sa inyo" sabi ni Ruby. "Maxine!" parehas kaming napalingon sa tumawag sa pangalan ko. "Hello!" kaway niya ng malapit sa amin. "Jiron..." ngiti ko ng makita ko siya at kasama niya si Shawn na kumaway at ngumiti sa amin. Wala na ang kaba sa dibdib ko tulad noon kapag nakikita ko si Shawn. "Magkaibigan ba kayo o magjowa? Lagi layong magkasama eh!" sabi ni Alice na kinatawa naman ni Ruby. "Magkaibigan kami, okey?. Saan nga pala kayo pupunta?" "Iuuwi na namin si Maxine sa kanila, baka magalit ang kamahalan" biro ni Ruby. "Kayo, saan kayo galing?" "Sa loob, pauwi na sana kami kaso nakita ko si Maxine" sagot ni Jiron. "Sumabay na

