KABANATA 38: HININTO ko ang sasakyan sa playground na wala nang tao, kinuha ko ang plastic ng tatlong lata ng beer at lumabas ng sasakyan. Hindi ko nilingon ang sasakyan ni Sean na nagpark sa hindi kalayuan. Umupo ko sa parteng madilim na may upuan na bato, binuksan ko ang isang lata ng beer na wala akong balak inumin. Kunyari kong ininom ang beer pero pasimpleng ko lang na tinatapon ang laman sa lapag na hindi nila mapapansin kung nasaan sila. Ilang beses akong nagkunwaring umiinom hanggang sa mabuksan ko pangalawa at panghuling lata. Yumuko ako at umiyak na dahil hindi ko alam kung bakit hindi niya pa rin ako nilalapitan. Namaluktot akong humiga sa upuan dahil alam kong hindi niya ako matitiis. Ilang minuto lang ang nakalipas naramdaman kong may humawak sa akin at naghintay pa ako ng

