KABANATA 25: NAKASAKAY kaming dalawa ni Zion sa sasakyan niya dahil ihahatid niya ako sa school. Sinabi ko rin sa kanya ang plano ko kanila Alice at Ruby na hindi ko sila papansinin. "Ilang linggo na lang pala, graduation nyo na" tingin ko sa kanya. "Siguradong uuwi sila Tita, sana kasama si Sean no?" tinignan niya ako. "Pinagseselos mo na naman ako, Ganda eh!" Nginitian ko lang siya. "Saan ang balak mong magtrabaho?" "Sa company na pinapasukan ko ngayon, gusto nila kaming i-absorb" tumango lang ako. "Para sa bahay pa rin ako titira" ngiti niya. Napatingin ako sa lang kanya. 'Kung magiging kami, panget naman tignan na magkasama kami sa iisang bahay. Para kaming mag-leave in.'. "Anong iniisip mo? at bakit ganyan ka makatingin sa akin?" "Wala naman, naisip ko lang kasi kung sagutin kit

