Terrence POV
Pang apat na gabi na akong nasa bar na ito. Gabi gabi ay tinatanong ko kung pwedeng makatable o maka-usap man lang yung bagong dancer nila. Pero ayaw pa rin pumayag nitong makipag-usap sa akin. Nung unang gabi ko sya ng nakita hindi ko alam kung anong meron sa dancer na yun. Simula ng makita ko sya sa stage noong gabing yun hindi na nawala pa sa isipin ko ang kanyang mukha. Ang napakagandang mga labi, ang mga matang parang nangungusap, ang kanyang baling kinitang katawan at ang maputi nyang balat. Sa kabila ng maskarang nakatakip sa kanyang mukha alam kung napakanda nya. Hindi na nawala sa isipan ko kahit na nagtratrabaho ako ay paulit ulit na sumasagi sa isipan ko ang kanyang mukha.
Gagawa ako ng paraan hanggang tuluyan ko na sya makilala at mapapayag na magkausap kami. Yan ang nasa isip ni Terrence habang iniinom ng alak na nasa harapan nya.
Sophia POV
Katatapos ko lang ulit magsayaw. Nasa dressing room na ako. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Nalala nya muli ang huli nilang pag-uusap ng kanyang ina.
“Sophia anak! Meron ka na bang nahiraman ng pera?”
“Bakit po nay?”
“Kailangang kailangan na kasing maoperahan ng tatay mo. Hindi na raw kasi makukuha pa sa gamot lang ang pagtanggal sa nakabara sa puso ng ng tatay mo kailangan na ng operahan kung hindi ay nanganganib ang buhay ng itay mo.” Umiiyak na kwento ng kanyang ina.
Haaay! Napabuntunghininga na laman siya dahil sa mabigat na problemang kinahaharap.
Hindi na namalayan ni Sophia na nasa tabi na nya ang kaibigang bakla.
“Grabe naman yun girl! Ang lalim!”
Ang puna ni Zoila sa kaniya na kakapasok lang din sa dressing room.
Napatingin nalang ako at ngumit ng makita ko si Zoila.
“Girl yung makulit na customer nagtatanong na naman.” ani Zoila sa kanya
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay bigla na lang syang napaisip.
Wala na syang ibang pwedeng gawin kung hindi ang makipag deal sa kung sino man itong customer na ito upang makakuha ng malaking halaga. Gagawin nyang lahat para sa kanyang pamilya. Isang gabi lang naman ito at pagkatapos nito ay lubusan na nyang tatalikuran ang trabahong ito.
“Sige kausapin ko”. Wala sa loob kong sabi ko.
Biglang nagulat si Zoila sa sinabi ko.
”Sure ka ba sa sinasabi mo?”
Tumango tango na lang ako.
Pagtapos nun ay lumabas na si Zoila upang tawagin yung sinasabi nyang customer.
Wala na akong ibang maisip na paraan para makakuha ng pera kya kahit ayoko gagawin ko na para sa kaligtasan ng tatay ko.
Nasa ganoong pag-iisip ako ng pumasok ulit si Zoila na me kasamang isang lalaki. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na bata pa pala ito sa tingin ko ay nasa 25-28 years old pa lang to. Ang akala ko ay matanda na.
“Girl meet Mr. Terrence Lopez.” Pagpapakilala ng kaibigan sa kanya.
“Sige iwan ko muna kyo para makapag-usap kayo.”sabi ni Zoila sa amin.
Sophia and Terrence POV
Nagulat at natulala ako ng makita ko sya sa loob ng dressing room hindi ko akalain na mas maganda pala sya ng walang maska at halos wala na syang make up. At nakapagpalit na rin sya ng simple damit. Isang sipleng blouse and fitted jeans lang. Nasa ganoong reaction ako ng bigla syang nagsalita.
“ Mr. Terrence right?”
Bigla akong nagulat at biglang sagot ng “Yes!”
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa gusto mo raw akong ilabas?”
“Oo nung unang araw mo pa lang na nagsayaw ka gusto ko na pero hindi ka raw nagpapalabas.” Sabi ng binata.
“Sige papayag ako.” Walang kagatol gatol na sabi nya sa binata.
“Pero… na putol ang sasabihin nya ng biglang sumingit ang binata sa sasabihin nya.
“Pero ano??” sabi ni Terrence.
“If the price is right!” Biglang napangisi at hindi nagsalita si Terrence.
“Ayaw mo ata?” Tanong ni Sophia.
“Hindi! sige deal.” Tarantang sabi ni Terrence.
“Hantayin na lang kita sa labas.” Sabi ni Terrence sa dalaga sabay ngiti ng napakatamis sa dalaga.