02

1797 Words
" Ano ba ang hustisya?" tanong ni Keighn habang pinag-lalaruan ang daliri. " Bakit hindi mo itanong sa asawa ng Kuya mo?" I asked, sarcastically. He heard him tsed before he drink his wine. " You know how sensitive he is. Ayaw niya malaman ng asawa niya ang tunay niyang pagkatao," " Justice my ass, matagal nang patay ang hustisya, " Drake interrupted us. May hawak siyang bote ng alak at nilagyan ang aking baso. Umupo siya sa aking tabi habang masayang tinapik ang aking braso. " Hindi namatay ang hustisya, natabunan lang ng kasakiman at kasamaan, " Drake said, full of anger. " I don't believe in justice. Dahil kung may hustisya man bakit kailangan natin pumatay para ipaglaban ang hustisya sa bulok na sistema?" I gritted my teeth while mesmerizing the painful chapter of my life. Bigla ko naalala ang dahilan kung bakit ako nawalan ng tiwala sa hustisya. Ang araw ko kailangan pinagka-itan ako ng karapatan upang sumaya at kung paano binulag ang mga tao ng malinh pangako na nag sanhi ng madugong hustisya. (21 years ago) It was Christmas when I waited for my father to come back home. I seated in front of our gate while doing my school works. I was in grade 1 yet the memory was still clear - like it was meant to shattered my soul. " Anak, pumasok ka rito sa loob baka lamigin ka," mahinhin na sabi ni Mama. Pinunasan niya ang aking labi na puno ng dungis. " Ano ba ang kinain mo?" natatawa niyang tanong. Kahit ang kamay ko na binabalutan ng alikabog ay kanyang pinunasan gamit ang kanyang puting panyo. " Kumain ako ng tsokolate at naglaro sa labasan kanina," I responded. Tumingila ako sa kalagitan, namangha ako sa kulay rosas na langit. " Mama, kulay rosas ang langit!" nagagalak kong sabi sa aking Ina. Biglang may tumulong dugo sa aking puting papel. Iiyak na sana ako ng biglang pinunasan ni Ina ang aking papel kung saan may kumalat ang dugo. Bakas na bakas ang kulay pulang dugo sa puti na papel. Kailangan ko umulit ngunit tiyak na hindi na mauulit ang dating pagkakamali. Ngunit sino ba ang aking niloloko? Kahit ilang dugo pa ang dumanak sa aking papel ay lagi itong mapupunit. Sapagkat magaling ang mga tao sa pagbasa ng nilalaman ngunit hindi pipiliin ang aral sa nakalipas. " Huwag mo iyakan ang dugo na nabahid sa iyong papel, mas iyakan mo kung saan nanggaling ang dugo," wika ni Ina. Tumayo siya at dinala sa aking munting palad ang kawawang ibon na pinaslang sa gitna ng alapaap. Binato habang sinasariwa ang kalayaan. " Bakit kailangan siya batuhin ng mga tao? Wala siya ibang hinangad kun'di kalayaan? " naguguluhan kong tanong sa aking Ina. " Hindi lahat ay sasang-ayon sa kalayaan. May mga tao na mas pipiliin isakdal ang kanilang sarili sa rehas ng kalupitan kaysa piliin ang tama. Hindi porque naging rosas ang kalangitan ay hatid nito ay pag-asa. Sa sobrang pagiging kampante nakakaligtaan natin na hindi pa tapos ang laban at maaari pa maging dugo ang kalangitan," mahinhin na sabi ni Mama habang pinikit mata ng kawawang ibon. Hudyat ng pamama-alam. " Mama, bakit kailangan po mamatay?" I innocently asked my mother. She sighed before she faced me. " Para matuto ang mga tao na tumayo pagkatapos ng sakuna. Pero oras na malagpasan mo ang unos ay hindi ka magiging isang maamong ibon na sasayaw sa alapaan, sapagkat magiging isa ka nang malupit na ibon na susubok makipag-laban sa bawat unos," Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Yakap na kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Yakap na habang buhay ko dadalhin at yakap na hindi ko ipagpapalit sa kahit sino at kahit anong salapi. " Andyan na ang iyong Ama!" masayang sabi ni Mama. Dali-dali ako pumunta kay Ama at sinalubo niya ako ng mainit na yakap ngunit bago ko pa madama ang pagmamahal ni Ama ay may narinig akong tatlong sunod-sunod na putok. " Armando!" bakas ang takot sa sigaw ni Mama. Nagulat ako sa mga dugong bumalot sa aking kamay na unting-unti bumabalot sa aking maliit na katawan. " Nanay!" sigaw ko habang nakayakap sa aking Ama. Kapag may dugo, kasunod ay kamatayan. At dito ako namulat. Nakita ko ang mga naka-unipormeng mga kalalakihan na tuluyan pumasok sa aming kabahayan. " Nanlaban po kasi, Misis." kanyang paliwanag. Ano'ng nilaban ng aking Ama? Isa bang baril ang mainit na yakap? Tuluyan bumuhos ang aking luha nang haplusin ni Ama ang aking mukha na agad napuno ng kanyang dugo. " L-Lumaban ka sa kalupitan ng mundo. Huwag mo hayaan na nakawin sa'yo ang hustisya," huli katagang binitawan ni Ama bago siya mama-alam. Ang huli ko tatandaan ay isa na siyang masamang tao na kinamumuhian ng lahat. Hindi ko maunawaan na kung bakit sino pa ang lumaban ay siya pa ang laging nagdurusa. Nalaman namin ni Ina na may niligtas siyang isang dalagitan na ginagahasa at kanyang ipinagtanggol ngunit hindi isang ordinaryo ang gumahasa. At oras na iyon, nangako ako na hahanapin ko ang hustisya. Na hindi ako magiging isang mabait na mamamayan, magiging isa akong masamang nilalang na uusig sa tunay na hustisya. Sa desperas ng pasko ay binalot ako ng dugo ng sarili kong Ama. Namatay ang aking Ama sa aking bisig. Wala akong nagawa para iligtas siya. Nasaksihan ko kung paano maubos ang kanyang hininga. Nakita ko sa dalawa kong mga mata kung paano bawian ng buhay ang sarili kong Ama sa aking maliit na bisig. Ninakawan nila ako ng hustisya at ng kalayaan upang maging maligaya. Sa mismong araw ng pasko ay nasa gitna ako ng malamig na morge kung saan nakahandusay ang malimig na katawaan ni Ama. Sa edad na anim ay naging malupit na ang mundo sa akin. " Ina, m-maari ba akong sumama sa inyo?" tanong ko kay Ina matapos ilibing si Ama. Yakap-yakap ko ang abo ni Ama habang umiiyak upang pigilan si Mama sa kanyang paglisan. " Tama na. Ayaw ko na. Sawang-sawa na ako sa buhay na ito!" sigaw niya habang dinampot ang kanyang mga damit. " Mama, ikaw na lang meron ako." lumuhod ako sa kanyang harapan. Ito ang unang beses na nagmaka-awa ako. Ito ang unang beses na naging malupit ang mundo sa akin. At ang unang beses na maiiwan ako. Nakakatakot ang dilim. Kulay pula ang aking natatanaw. Bakit hindi nila ito maramdaman! Ano ba ang problema, ang bulok na sistema o ang mga tao na kulang sa simpatya? " Magkakaroon na ako ng bagong asawa na mayaman. Magkakaroon kami ng bagong buhay at hindi kita maaring maisama! Habang buhay maaalala ng mga tao kung gaano kasama ang iyong Ama. Huwag mo nakawin sa akin ang karapatan para maging masaya!" sigaw ni Ina bago siya sumakay sa magarang sasakyan at tuluyan ako iniwan sa mismong araw ng bagong taon. Naging masama si Papa sa mata ng bayan. Sa bayan na minsan niyang inidolo at ipinaglaban. Siguro nga, ganito ang mundo. Inilibing ko si Papa sa mismong araw ng pasko at iniwan ako ni Mama sa araw ng bagong taon. Nikawan ako ng hustisya at ng karapatan upang mahalin. May isasakit pa dito? Dahil kung meron pa, utang na loob pagod na pagod na ang bata kong puso. Maliit lamang ako upang makipag-laban sa dambuhalang mga problema. Wala ako naging kaibigan dahil sa masamang reputasyon ng aking Ama at sa gitna ng kalsada doon ako natagpuan ni Nico. Kung sino pa ang kinamumuhian ng bayan, ay ang siya pa ang tutulong sa akin. HINDI ko alam kung bakit kailangan ko sariwain ang mapapait na ala-alang iyun. " Are you okay?" tanong ni Keighn na walang bakas ng pag-aalala. Doon ako bumalik sa reyalidad. " Fvck, nilulusob tayo ng kalaban!" tarantang sigaw ni Drake habang inabot sa akin ang isang kalibreng baril. " Who's the master mind?" Keighn, asked nervously. " Your older brother," sagot ni Drake. Lahat ng tauhan ni Nico na naka-base sa Pilipinas ay agad na nagtungo sa basement at kumuha ng kanilang mga sandata. " I preferred to use my katana," I said. Agad ko tinahak ang basement at kinuha ang aking katana. Tulad ni Keighn at sinalubong ko ang batalyon na alagad ng Kuya niyang si Lucifer. Our main headquarter is in the middle of forest. Masyado matatayog ang mga puno para makita ng mga ordinaryong tao. " Fvck you?! Hindi ka ba nagsasawa?!" asik ni Keighn sa kapatid niya nang magkaharap sila. Wala ngayon si Nico dahil sinamahan niya ang kanyang asawa sa hearing. " Hey, my lil brother. Hindi ako magsasawa hanggang hindi kayo lumulubog." bakas ang galit sa kanyang boses. Walang paliguy-ligoy kung sinaksak ang kalaban sa aking harapan na naging hudyat ng digmaan mula sa dalawang makapangyarihang Mafia Boss. Walang awa kong pinagpapatay ang aking mga kalaban ngunit hindi ko natapos ang laban nang may isang bala ng baril na tumama sa aking balikat. Akmang sasaksakin ko siya nang makita ko kung sino. It's Drake. Nakatutok sa akin ang kanyang umuusok na baril. " What are you doing?" I asked him, bewildered. " I want you to die," he said without any emotion. Humakbang ako paatras. Malapit sa bangin kung saan marahas na alon ang nasa baba. " Why?" sinubukan kong palakasin ang aking boses. " Maybe because your irritating me. Do you really think that I will killed that family for nothing? Ikaw ang uusigin ng batas dahil inamin mo ang krimen pero ako ang kukuha ng parangal. Dahil sa bulok na hustisya, ako ang kikilalanin na makatarungan." he smirked. Do I real deserve betrayal? Walang-awa niyang kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril bago ako tinamaan sa iba't ibang parte ng aking katawan. Nahulog ako sa karagatan na hinaluan ng dugo. I don't believe that the most painful thing is regret. Because the most painful in life, is betrayal from the people you trusted. Ngayon ko napagtanto na ayaw ko pa mamatay. May uusigin pa akong hustisya. Lalasapin ko muna ang pantay na hustisya bago ko isuko ang aking buhay. Ilalaban ko ang aking buhay kahit kay kamatayan. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakababad sa tubig at kung paano ko magawang mag-survive sa gitna ng malupit na dagat. "Hey, Man. Are you okay?" someone asked me. Dahan-dahan ko minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang isang masungit na awra ng isang lalaki. Bakas ang strikto at Kapangyarihan sa kanyang tinig. "Am I alive?" kinakabahan kong tanong. Maybe I'm now in hell. "Obviously," he irritatedly answered. "Welcome to Agrianthropos City." a small smile plastered in his face. Isang malupit at sariwang hangin ang bumungad sa akin. And when i saw the island on the mirror I saw the private island where illegal criminals having fun like a brotherhood. Somehow, it felt like I found my another home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD