Voughn
"Why would I do that? Everything about us is a lie Trish. I'm didn't sign for that. Wala tayong agreement na kailangan ko umatend ng gatherings ng kamag-anak mo."
"Von, please mapapahiya ako sa pamilya ko kong ang fiancee ko ay di pupunta."
"Busy ako Trish, alam mo naman yon noon pa."
"Oo na wag mo na pamukha sakin. Alam ko namang wala sa contract natin to pero kahit na pakonswelo mo na lang kasi napapayag ko na sa wakas si lolo na sa iyo ibenta ang lupa."
"May meeting ako sa araw na yan Trish ok, kaya hindi ako pwede."
"Ughh! Buntis ako kaya they need to know the father of the child."
Napahinto ako at tumingin sa ex ko na ngayon ay seryoso na nakatingin sa akin.
"That was not mine. If ayaw mo ng gulo magsabi ka ng totoo."
"It's yours, we had s*x right without protection?"
"But you said your in pills and I never doubt that. Because you hate having a kid. Kasi masisira ang figure mo."
Sabay bigay nito ng pregnancy test.
"Well I trick you. May lolo not only wanted me to be married. He wanted me to have a child. Actually paunahan kami ng mga pinsan ko. Kung sino mauna sya ang magkakamit ng kayamanan nila. Suck it up Voughn."
"Damn! I'm doom!"
*******
Zoey
Nagpapawis na ang kamay nya ng hawakan ng mahigpit ni Crisha.
"Daizz nanginginig ka. Nong last time naman di ka ganyan nong pumunta tayo dito sa mansion ng lolo mo."
Bulong ni Crisha habang naglalakad sila sa malawak na hallway papasok. Nong isang araw pa to dumating galing sa so called vacation nito. Ngayon sabay silang aatend sa birthday ni lola at sana maging maayos lahat kahit sobrang kabado nya.
"Sila lolo lang naman kasi ang nandito nong nakaraan pero ngayong birthday ni lola nandito sila lahat. As in sila Uncle and Auntie pati na rin yong mga pinsan kong lahi ni satanas." I said bitterly.
"Dapat pala di na lang tayo pumunta dito."
Kung pwede lang
"Alam mo namang rules nila lolo na dapat present sa kahit anong okasyon. Kaya kahit ayoko wala akong magagawa."
Bumuntong hininga uli sya. Pinaghandaan nya ang araw na to pero ang katawan nya ayaw makisama.
Lahat ng bad memories nya ng pagkabata ay nandidito. Kaya pag minana nya ang mga kayamanan ng grandparents nya uunahin nyang ibenta tong mansion na to.
Bunso ang nanay nya sa magkakapatid ng Carvosso. Nabuntis ng disesyete nagkaanak at namatay matapos akong isilang ng di man lang ikinasal. Ni hindi nga nila alam kong sino ang naging kasintahan ng mama nya. Kaya sapantaha nila may asawa kaya itinatago ng ina nya.
And toxic people. She was blamed for what happened to her mom. Kaya nga kahit kailan di sya tinuring na kapamilya. Itinuring syang virus ng mga ito lalo na ng mga Uncle and Untie nya. Ayaw nitong ipalapit sa kanya ang mga pinsan nya. Kaya lumaki syang kinakawawa ng mga ito.
So at the age of eighteen, she decided to live alone rather than be with them. Simula ng humiwalay sya ng tirahan, sya na ang bumubuhay sa sarili nya.
Now, at the age of 22, di pa rin sya natatapos. Kinailangan nya kasing mag part-time job kaya kaunting subject lang ang nakukuha nya.
"What took you so long, Zoey?"
Pambungad na tanong ng Auntie Fely nya older sister ng nanay nya.
Pinisil ni Crisha ang kamay nya at ngumiti.
"Cheer up baby girl wag ka masyadong sumimangot kahit di kaaya-aya ang makita mo, sige ka yong baby natin nakasimgangut din."
Sumimangot ang auntie nya sya naman ay natatawa dahil sa parinig ng baklang kaibigan. Malamang ay ayaw lang nito pumatol.
"I'm sorry, Auntie," sagot nya sa tiya at nginitian si Crisha.
Umupo sya katabi ni Crisha at halatang ang dalawang pinsan nya ay nakatingin dito. Natawa sya sa sarili kasi naman talagang gwapo ito at di naman to tipikal na bakla, yong maharot baga kong manamit. Ito ay mapagkakamalang lalaki talaga. Wag mo lang papakitaan ng lalaking type nito kundi baka di makapigil to.
Napatingin ako kay Trisha at sa tyan niya. Sabi ni lolo buntis din ito. Pero gaya ng akin di pa naman halata 1 pa naman mahigit.
Bumalik ang tingin ko sa kaibigan kong bakla na ngayon ay pinagpapawisan na rin. Alam naman nito na kailangan nilang magpanggap kaya siguro naman kahit na magdala ng mga boyfriends nila itong mga pinsan nya di naman siguro ito titili.
Ang gulat ko biglang tumayo si Candy na ikinagulat din ng lahat.
"Grandpa, I still don't want to have a kid! I was too young for that! I could get married, but having a child is too much."
Napalunok ako habang nakatingin kay Candy na anak ni Untie Fely nya. Magkaidad lang sila pero ito sya at ok na ok na mag buntis at mag-asawa dahil sa yaman. Ito na nga ang katunayan, nagawa nyang sumiping sa di kakilala at magpabuntis. Ang totoo gusto nya ng malaking pamilya. Pero hindi pa sana ngayon baka mga five years pa. Pero itong lolo nya ang daming paandar. Di naman sya papayag na walang makuha at habang buhay alipustahin ng pamilya.
"I'm not forcing you, young lady. Ang sabi ko kung sino lang ang mauna makasal at magkaanak."
Medyo may kalakasan na sabi ng matanda. Kaya parang basang sisiw na umupo ulit ang pinsan nya.
"But lolo isang taon lang talaga?"
Tumango ang lolo nila.
"By the way Trisha and Zoey already pregnant at ikakasal na rin. Ikaw na lang ang wala. However there's a little bit changes since dalawa na sila ang tutupad ng wish ko." Napahalakhak ang matanda at ganon din ang lola Erlita nila sa tabi nya.
"Bibigyan ko na rin kayo however mas malaki ang parte ni Zoey and Trisha."
"Luckily, I'm already 25 and have a boyfriend and pregnant as well." Sabi ni Trisha.
"San nga pala ang mapapangasawa mo Trisha bat ang tagal naman."
Tanong ng lola nila.
Anak si Trisha ng Uncle Bobby at gaya ng ama nito mapanglait din at ang mukha ay kabaliktaran ng ugali.
Carvosso's children were three si Auntie Fely, Uncle Bobby at mama nya.
"Coming na sya la, alam nyo naman businessman masyadong busy yan."
"Sorry I'm late."
Napalingon silang lahat sa nagsalita. The same brown clean cut hair, blue hue eyes. Matangos na ilong at maskuladong malaking bulto ng katawan at ang pabango ng lalaki na naaamoy nya hanggang sa inuupuan at ang red lips nito. Di sya pwede magkamali. Ito ang lalaking nakabuntis sa kanya!
"Daizz ano na mas tulala ka pa sakin. Though ang gwapo naman talaga. Pigilan mo ko daizz baka maharass ko."
"Bakla sya yon..."
Bulungan namin ng kaibigan ko.
"Anong sya? Di kita ma gets daizz."
"Yummy big bear."
Napa o si Crisha kaya dali-dali kong tinakpan. Baka kasi bigla na lang tumili.
"Wow ang sweet naman ninyo magkulitan parang mga bata. Si Voughn kasi di ganyan ka sweet."
Napangiti na lang ako kahit na ayoko sana pansinin ang malditang si Trisha.
Nagtama ang mga mata nila ng lalaking estranghero ng paupo na ito. There's something playful in his eyes. Titig na titig ito sa kanya.
Patay na ko naaalala nya pa rin ako!
"Daizz nakatingin sayo."
Bulong ni Crisha sa tainga ko.
"I'm aware of that." Sabi ko.
"Family, meet Voughn Maughan Santillan my fiance and the father of my child in the future."
Maarteng sabi ni Trisha. Habang feel ko ang titig ng lalaki sakin parang nag-aapoy. Parang gusto ko tuloy tumakbo.