Chapter 10

1048 Words
Hera POV "Seryoso ka bes, bakit mo naman iniiwasan si papa Phoenix ?" Di makapaniwalang bulalas ni Calli. Nandito kasi kami ngayon sa opisina ng Reastaurant namin dito sa Emerald Hotel. "Bibig mo naman bes, abot na yata sa kabilang building ang lakas ng boses mo ah!." Natatawang sabi ko. "Oo nga, natatakot kasi ako na baka masaktan ako ulit. Alam mo naman na sya ang dahilan kaya umalis ako ng bansa pagkagraduate natin diba? Dahilan ko lang na gusto kong maging kilalang chef, although dream ko din talaga yon." Pahayag ko. "Kasama talaga na masasaktan ka kapag nagmahal ka bes, kita mo nga ako ilang beses din ako nabigi sa pag ibig pero worth it naman na sumugal dahil nahanap ko rin ang taong para sa akin." Sabi ni Calli. "May isa pa akong kinakatakot bes, si Amanda. Baka kung ano ang gawin non sa akin kaya lahat ng oaraan ginawa ko na para maiwasan si Phoenix mula nung sinabi nyang liligawan niya ako." Ani ko. "Kung mahal ka talaga ni Phoenix bes, gagawa sya ng laraan para hindi ka masaktan ni Amanda. Hera follow your heart nakikita ko naman na hindi pa rin nawawala ang pagtingin mo kay Phoenix. Saka sabi mo nga diba may reason kaya ka niya tinutulak palayo sa kanya noon. Isipin mo bes hindi maghihintay ng limang taong yung tao kung hindi ka nya mahal." Aniya. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Calli. "Actually bes one week na din syang hindi nagpakita sa akin mula nung opening nung birthday ni kuya. Hindi kaya nagbago na isip nya?" Wala sa sariling wika ko. "Kita mo na yan bes, iniiwasan mo yung tao tapis ngayong hindi nagpapakita sayo namimiss mo. Alam mo kung ako sayo bes sagutin mo na si Phoenix ikaw rin baka nga makahanap na ng iba. Alalahanin mo nandyan si Amanda na hanggang ngayon ay patay na patay kay Phoenix." Aniya. Ilang saglit pa ang lumipas ng makatanggap ako ng tawag mula kay dad. "Hello dad." "Anak umuwi ka muna dito sa bahay ng kuya mo, samahan mo ang mommy mo at si Alex, yung kambal nakidnap. Hinarang kami kanina habang oauwi kami nung sunduin namin ang kambal." Nag aalalang sabi ni dad. "What? Sige po daddy uuwi na po ako jan." Sabi ko saka agad na pinatay ang tawag. "Bes kailangan ko ng umuwi may emergency sa bahay nila kuya." Pagkasabi ko non ay agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagmamadaling lumabas ng opisina. "Sige bes, ingat ka. Pupunta na rin ako sa oinaparenovate mong restaurant." Aniya na tinanguan ko nalang. Pagdating sa bahay ay naabutan ko sina mommy at ate Hera na umiiyak. Nanduon din sina Phoenix at mga kaibigan nila ni kuya. "Mabuti dumating kana bunso, please samahan mo muna si Alex sa kwarto namin. Kailangan niyang magpahinga baka makasama sa pagbubuntis niya." Sabi ni kuya. "Okay kuya." Sumunod na ako kina kuya ng ihatid niya sa kwarto nila si ate Alex. Iphinintay muna ni kuya na makatulog si ate Alex bago siya lumabas ng kwarto. "Bunso ikaw na muna dito maguusap lang kami nila dad sa office. Kapag hinanap ako ni Alex sabihin mo nalang nasa office ako." Bilin ni kuya sa akin. "Sige kuya, ako na bahala kay ate Alex." "Thank you bunso." Sabi ni kuya bago maingat na isinara ang pinto. Kinabukasan ay naghahanda na si kuya para bawiin ang kambal sa mga kidnaper. Nag aalala rin ako para sa mga pamangkin ko. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila kuya ng lapitan ako ni Phoenix. "Wag kang mag alala maililigtas namin ang kambal. Hindi namin hahayaang mapahamak sila." Wika ni Phoenix. "S-salamat, magiingat kayo nila kuya." Sabi ko. Nang makaalis sina kuya ay nilapitan ko naman si ate Alex at mommy. Ilang kras na mula ng makaalis sila kuya pero wala pa rin kaming balita. Bandang hapon ay nakatanggap ng tawag si ate Alex mula kay kuya at sinabing ligtas na ang kambal kaya naman agad kaming nagpunta sa ospital na pinagdalhan sa mga bata. Nang dumating kami sa ospital ay naghihitay na sa amin si kuya. Agad niya kaming dinala sa room ng kambal. Naabutan namin doon sina Phoenix at iba pa nilang kaibigan. Nang masiguro naming maayos na ang kalagayan ng kambal ay lumabas muna ako ng kwarto nila. Nagpunta ako sa mini garden ng Hospital para magpahangin. "I'm sorry kung hindi ako nagpapakita sayo ng ilang Linggo. Nagkaproblema kasi sa kumpanya kaya naging busy ako." Napalingon ako sa nagsalita mula sa aking likuran. "Wala ka naman dapat ihingi ng sorry, alam ko naman na busy kang tao. Isa pa busy rin ako sa pag aasikaso ng 'La Cuisine Française par Hera'. Malapit na rin kasi ang opening, tinetrain ko pa sa Emerald restaurant yung mga nahirape ko na mga tauhan." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Salamat nga pala sa patulong kay kuya para mailigtas sa mga kidnaper yung kambal." Pagpapasalamat ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot saka niya ako ihinarap sa kanya. "Kaibigan ko ang kuya mo kaya gagawin ko ang lahat para makatulong, dahil malaki rin ang naitulong niya sa naging problema namin sa kumpanya." Sabi ni Phoenix. "Ano nga pala naging problema sa kumpanya nyo? Wala kasi nababanggit si kuya tungkol doon." Tanong ko sa kanya. "Amanda's parents try to manipulate us para pakasalan ko siya at magamit ang AGC para maisalba sa pagkalugi ang kumpanya nila." Maikling paliwanag niya. "Ano na nangyari sa kanila ngayo?" Tanong ko. "Ang sabi ng mga tauhan kong nagbabantay sa bawat kilos nila. Nag migrate sa U.S ang pamilya Lopez kasama si Amanda." Aniya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha. "And now, I am free to date you ng walang Amanda na nakabuntot sa atin." Aniya. "Paano ka nakakasiguro na titigil na si Amanda sa kabaliwan niya sayo?" Tanong ko sa kanya. "Sinabihan ko si Mr. Lopez na bantayan ang anak nya dahil oras na kantiin niya kahit dulo ng daliri mo ay hindi ko sya mapapatawad." Sabi niya. "Can I hug you?" Tanong ni Phoenix. Tumango lang ako bilang tugon. Inaamin ko naman sa sarili ko na namimiss ko rin siya. "I miss you." Si Phoenix. "I miss you too." Pabulong na wika ko pero alam kong narinig niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD