Chapter 12

1196 Words
Hera POV Maaga akong bumaba kasama sina Maria para mag breakfast sa Restaurant dito sa Emerald Hotel. Inabutan na namin sina Phoenix doon na mukang naghihintay ng order nila. "Girls dito nalang din kayo sa table namin." Pag aaya sa amin ni Jackson. Agad naman tumayo si Phoenix para ipaghila ako ng upuan. "Thank you." Sabi ko. "Anything for you." Bulong niya sa akin. "Hmmm sa all may taga hila ng upuan." Kantyaw naman ni Loraine. "Di mo kasi sinama boyfriend mong foreigner para may talahila ng upuan mo." Ganting biro ko naman sa kanya. Kaya nagkatawanan nalang kami. Tinawag naman ni Traviz ang waiter para maka order na rin kami ng breakfast namin. "May lakad ba kayo today?" Tanong sa amin ni Jackson. "Mag oopen kami ng Boutique. Sunday ngayon maraming tao sa mall saka day off ng ibang staff kaya tutulong kami ni Maria." Sabi ni Loraine. "Ako rin Miss Loraine papasok sa boutique ngayong araw." Sa i naman ni Rita. "Ikaw Hera, san lakad mo mamaya?" Tanong ni Maria. "Uuwi na rin ako pagkaalis nila kuya mamaya." Maikling sagot ko. "Kayong tatlo sa lakad nyo mamaya?" Tanong naman ni Loraine sa mga lalaki. "May duty ako sa hospital after lunch kaya uuwi ako agad para makatulog pa bago magpunta sa hospital." Sabi ni Traviz. "Uuwi din ako dami ko nainom kagabi kaya gusto lang matulog maghapon." Sabi naman ni Jackson. "Ikaw bro san ka mamaya?" Tanong naman ni Traviz kay Phoenix. "Bahay lang din magpapahinga." Diretsong sabi ni Phoenix habang nakatingin sa akin. Bago kami maghiwa hiwalay pagkatapos ngamin magbreakfast ay sa akin sumabay sa oaglabas ng Restaurant si Phoenix. "See you later sweetie." Bulong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Hindi na kami napansin ng mga kasama namin dahil sa hulihan kami at busy naman sila sa pagbibiruan. Nang ihatid na ng driver sina kuya sa airport ay umuwi na rin ako sa bahay. Sina mommy ay doon muna dumiretso sa nahay nila kuya kasama ang kambal at ang parents ni ate Alex. 3pm na ng dumating ako ng bahay kaya naghanda na din ako para sa date namin ni Phoenix. Halos isang oras din ako nagbabad sa bathtub. Papatapos na akong mag ayos kumatok ang kasambahay namin para sabihing nasa baba na si Phoenix. I'm just wearing a peach color off-shoulder dress and a pair of beige color wedges. I just apply light makeup. Inilugay ko lang din ang long and natural brown hair ko. Sinalubong ako ni Pho nix ng makita niya akong pababa ng hagdan. "Hi, sorry medyo natagalan ako bumaba." Sabi ko. "It's ok kararating rating ko lang din naman. Let's go?" Wika niya saka inilahad ang kamay niya para akayin ako palabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng sasakya at mabilis ni umikot sa driver's seat ng maikabit niya ang seatbelt ko. "San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makasakay na din siya. "It's a surprise sweetie, but for now we're going to my agency." Sabi niya. Nakapunta na ako minsan sa AGC pero sa agncy nya di pa ako nakakapunta. Madalas ko lang marinig na mapagusapan iyon nila kuya at ilan lang silang nakakakilala kay Phoenix bilang nagmamay-ari nito.Nakarating kami isang mataas na building sa Makati. "H Tower? Sayo pala ng building na ito?" Tanong ko sa kanya. Ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa private parking. "Yes sweetie and I named this building after you." Sabi niya kaya laglag ang pangang napatingin ako sa kanya. "Ano naman ang nakain mo at ipinangalan mo pa sa akin ito hindi ba dalat sayo dahil pag aari mo naman ito." Mahabang sabi ko. "Dahil ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat ng pagsisikap ko." Diretsong sabi niya. Pumasok kami sa private elevator at pinindo niya ang R na button. Nakarating kami sa rooftop kung saan may naghihitay palang chopper para sa amin. "Ready na ba lahat?. Tanong niya sa kanyang tauhan. "Yes sir everything is set." Sagot naman nito. Inilalayan ako ni Poenix na makaakyatng chopper saka siya sumunod sa akin at pumwesto sa pilot seat. Inayos niya ang seatbelt at headphone ko. "Ikaw ang magpapalipad nito?" Tanong ko sa kanya. "Off course sweetie, did you forget that I am a licensed pilot?" Sabi niya. Oo nga pala bukod sa pagiging magaling niya businessman at Pilot di siya sa sarili nilang airline. Ilang sandali lang ay nasa himpapawid na kami. At makalipas ang halos dalawang oras ay lumapag na kami sa rooftop ng isang malaking mansion na nasa maliit na isla. Hindi ko alam kung saan ito pero, masasabi kong napakaganda ng lugar. White sand at mayroon maliliit na cabin sa paligid nito. "Paano mo nalaman ang lugar na ito? Ang ganda." Wika ko. "Do you like it." Tanong ni Phoenix habang nakatitig sa mukha ko. "No. Because I love it."nakangiti kong sabi sa kanya. Maya maya ay kinuha niya ang kamay ko at ikinawit sa kanyang braso. "Let's go. Our dinner is ready." Sabi niya. Inilalayan niya ako palabas ng mansion at dinala niya ako sa tabing dagat. Doon ay nakaset up table na para sa dalawang tao. May nakahanda ng seafood pasta, steak and roasted asparagus at mayroon ding veagetable salad at cheese cake para sa dessert. May wine din na nakaready sa isang maliit na table na nasa isang gilid. Inabot niya ang isang bouquet ng white and red roses sa akin. "For you." Saka niya ako inalalayan na makaupo. "Thank you." Nang makaupo na kaming oareho ay nagsimula na kaming kumain. Masarap ang inihanda niyang pagkain para sa aming dalawa. Nang matapos kaming kumain at inilalayan niya akong tumayo. Hinawakan niya ang mga kamay ko at puno ng emosyon ang mga matang nakatitig sa akin. "Hera, I know na nasaktan kita noon dahil sa kagustuhan kong matupad mo ang mga pangarap mo. Pinilit kong iwasan ka noon para maprotektahan ka. Sa mahabang panahon na hindi kita nakikita at nakakasama ay mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sayo. Bata palang tayo ay gusto na kita, hindi komiyon itinago sa pamilya mo I confess to them noong high school ka palang at nangako ako kina tita at tito na hahayaan muna kitang makapagtapos ng pag aaral. Handa na sana kitang ligawan pero natatakot ako na hindi pa kita kayang protektahan noon kaya hinayaan kita ng magdesisyon ka na umalis ng bansa. Sweetie, I hope you can give me a chance to show you how much I love you and I promise to protect you with my Life. Hera Cassandra Saavendra can you be my girlfriend?" Mahabang pahayag ni Phoenix. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Matagal ko siyang iniwasan sa pag aakalang hindi niya ako magugustuhan at hindi kami para sa isa't isa. "Hera, please give me a chance. Be my girlfriend." Sabi muli niya. Nginitian ko siya at marahang tumango. Unti unting nagliwanag ang mukha ni Phoenix at bakas dito ang kasiyahan. "Yes, I'll be your girlfriend from now on." Madamdaming sabi ko. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. "Thank you sweetie, I love you so much." Bulong niya. "I love you too Phoenix, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sayo kahit pinilit kong umiwas sayo ng ilang taon." Sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD