Chapter 14

1257 Words
Tinungo ko ang kitchen ng restaurant at nagluto ng pork sinigang at shrimp tempura. Gumawa na rin ako ng chicken macaroni salad at fresh apple juice para sa aming dalawa. Pagkatapos kong magluto ay bumalik na ako sa office ko kung saan ko iniwan si Phoenix. Naabutan ko naman siya ka video call ang mga kaibigan niya. Hindi na ako magtataka kung alam na nila kuya ang tungkol sa amin dahil si kuya lang naman ang number one fan ni Phoenix. "Bunso congratulations!" Masayang sabi ni kuya. "Sabi ko naman sayo pahirapan mo ng todo eh!' Pagbibiro ni kuya. "Tumigil ka nga kuya akala mo namang wala syang alam sa mga plano ni Phoenix." Nakairap kong sabi sa kanya na kinatawa nilang magkakaibigan. "Kamusta si ate Alex" tanong ko. "She's fine nagpapahinga na napagod sa byahe." Sagot ni kuya. "Ala ka na pare si Alex na ang paboritong kapatid ni Hera hindi na ikaw." Biro ni Jackson kay kuya na kinatawa nilang lahat. "Tama ka jan bro, mas hinahanap na ni bunso si Alex ngayon kesa sa akin." Kunwari naman na nagtatampo si Kuya. "Ingat kayo dyan kuya. Tama na yang kwentuhan nyo kakain na kami." Pagsusungit ko kila kuya. "Pano bro, maglalunch muna kami. Hera cook for me kaya next time na tayo magkwentuhan. Sigurado namang guguluhin nyo rin ako sa opisina mamaya." Sabi ni Phoenix. "Sana all ipinagluluto." Biro naman ni Traviz. "Humanap na kasi kayo ng magluluto para sa inyo at mag aalaga. Kita nyo kami ni Phoenix may nag aalaga na sa amin." Sabi naman ni Kuya. "Sige bye na nga mang iinnggit pa kayong dalawa." Sabi naman ni Jackson kaya tinawanan lang siya ni kuya at Phoenix. "Sige mga bro ingat kayo dyan enjoy your honeymoon." Sabi naman nila kay kuya. Pinatay naman kaagad ni Phoenix ang tawag saka lumapit sa akin. Naiayos ko na ang mga pagkain sa table. "Wow, my favorites." Bulalas ni Phoenix ng makita ang tempura at chicken macaroni salad. "I know, kaya nga yan ang niluto ko." Sabi ko. "Thank you sweetie, you really know my favorites." Aniya. "Kumain kana, marami akong ginawang Chicken macaroni salad iuwi mo yung iba. Nagbukod rin ako ng para kay tita ng tempura." Sabi ko. Maganang kumain si Phoenix, halos siya lang ang nakaubos ng macaroni salad. Mabuti nalang at naibukod ko na ayung iuuwi niya sa mommy nya na sigurado naman ako na makikihati pa rin sya. Halos isang oras pa siyang nag stay sa office bago pumunta sa opinina niya. Maya maya ay dumating sa office ko si Calli. "Best friend, congratulations! I'm so happy for you may love life kana!" Tuwang tuwang salubong sa akin ni Calli. "Bruha ka talaga ang lakas ng boses mo marinig ka ng mga tauhan ko." Sabi ko sa kanya. "Seryoso bes, mabuti naman at sinagot mo na si papa Phoenix." Aniya. "Naisip ko kasi bes na wala namang mawawala kung susubukan ko, isa pa pareho naman naming mahal ang isa't isa. Saka naiintindihan ko na ngayon kung bakit nita ako nireject noon. Nung nalaman ko ang mga dahilan nya doon ko napatinayan na mas marami pala syang sinakripisyo para maabot kong kung ano ako ngayon. At hangang ngayon suportado nya pa rin ako sa lahat ng gusto kong gawin." Mahabang wika ko. "Blooming ka friend, sabi ko nga ba lalo kang gaganda kapag my lovelife na. Kamusta naman bilang boyfriend si papa Phoenix?" Tanong niya. "Sa totoo lang Cal ibang iba sya kapag ako ang kaharap, dahil nakikita yung soft side nya. Ang masasabi ko lang gentleman sya bes, at maalaga." Sabi ko naman. "In Fairness nama kasi friend kahit saan ko makita yang boyfriend mo napaka seryoso saka nakakatakot talaga lapitan." Sabi naman ni Calli. "Nagtaka ka pa bes ganyan naman silang magkakaibigan kapag ibang tao ang kaharap. Ying bagsik ng mukha ni kuya sa harap ng kabusiness deal niya totatty opposite yon kapag kaharap kami lalo na ang asawa at mga anak nya. Ganon sin si Phoenix actually." Sabi ko naman. "Maiba ako bes, kgagaling ko lang nironovate mong restaurant. Sinunod ko lahat ng pinagawa mo kaya ang bonus ko wag kalilimutan." Biro niya sa akin. "Don't worry paparating na ang bonus mo. Ikaw pa ang lakas mo sa akin. Baka nga pag uwi mo ng bahay nandoon na yon." Sabi ko. Ngayon din kasi ang dating ng inorder nong regalo para sa kanya. "Talaga ba bes? Walang halong biro?" Di makapaniwalang sabi niya. "Kelan naman kita biniro about sa gift bes?" Nakairap kong sabi sa kanya. "Sabi ko nga napaka generous mong best friend." Aniya. "Kung ako sayo bes uuwi na ko baka magustuhan ni tita yon sige ka." Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Ay wag naman. Seryoso na bes, thank you the best ka talaga." Sabi niya at yumakap pa sa akin. Maya maya naman ay kumatok na ang secretary ko para ipaalam na dumating na yung hinihintay naming delivery. Matapos kong icheck kung kumpleto lahat ay inayos na kaagad namin ang mga ito sa kitchen. Para sa mga susunod na araw ay pwde na naming I-sanitized ang buong restaurant. "Bes, thank you sa pagtulong mo sa akin dito ha, ang ganda ng pagkakadesign mo." Pagpapasalamat ko kay Calli. "Ano ka ba bes, ako dapat magpasalamat sayo noh dahil ako ang pinili mong magdesign nitong restaurant mo kahit na maraming mas magagaling at mas sikat sa akin." Sabi naman niya. "Saka tinupaf ko lang naman yung p omise ko sayo na ako ang magdedesign ng unang restaurant na ipapatayo mo kaya masaya ako kasi natupad ko na yon bes." Masayang sabi pa niya. Hindi na namin namalayan ang oras dahil masyado kaming naging busy sa pag aayos. Maya maya ay natanaw ko na si Phoenix na papalapit sa amin. "Hi sweetie, tapos na kayo dito? Hi Calli." Bati ni Phoenix sa akin ganun din kay Calli. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin and he kiss on the corner of my lips na kinapula ng pisngi ko dahil sigurado akong marami ang nakakita sa amin dahil nandito pa ang mga staff ko. "Hello Mr. Altamerano." Bati naman ni Calli. "Masyado ka naman pormal Calli, call me Phoenix nalang din you are Hera's best friend kaya we're friend na din." Sabi niya kay Calli. "Ok. Oo nga pala una na akong umuwi sa inyo baka dumating na yung pinadeliver mo sa bahay bes, Phoeinix una na ako sa inyo. Ingat kayo bes." Si Calli. "You too bye." Sabi ko. Tango lang naman ang sagot sa kanya ni Phoenix. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko naman kay Phoenix. "Kararating ko lang din, dito na ako dumeretso." Aniya. "Kukunin ko lang yung bag ko sa office, tapos na rin naman kami dito kaya pwede na tayong umuwi." Sabi ko. Pinauwi ko na rin muna ang mga tauhan ko bago kami pumunta sa office at kuhanin ang mga gamit ko. Pagkakuha ko ng mga gamit ko ay dumiretso na kami sa parking lot kung saan naka park ang kotse ni Phoenix. Sakto namang nasa bahay sina mom and dad ng dumating kami ni Phoenix. Sinabihan siya ni mommy na dito na magdinner dahil magluluto daw siya ng specialty niyang kare-kare na gustong gusto the in naman ni Phoenix. Ipinahatid na pala niya sa driver kanina yung niluto kompara sa mommy niya oagkagaling niya sa office ko kanina. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis dahil pinagpawisan din ako kanina sa pagaayos ng restaurant. Si Phoenix naman ay kasama ni daddy sa garden habang nagluluto naman si mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD