“A-Apollo! Napakababoy mo talaga! Walang hiya ka, hindi mo man ako itinuturing na asawa kahit konting respeto lang naman sana!” galit na turan niya pero wala siyang kausap. Sinasabi niya ang mga katagang iyon sa kawalan. Nasa ibabaw pa rin siya ng kama sa silid ni Apollo at patuloy na umiiyak dahil sa tindi ng sama ng loob niya sa lalaki. Hindi niya akalain na ganon ang gagawin nito sa kanya, hindi rin niya lubos maisip na may ganoong side din pala si Apollo. Samantalang perfect husband ito para sa kanya sa loob ng tatlong araw nilang pananatili sa Palawan. Pero ngayon, mukhang kailangan na niyang magdesisyon. Kaya bukas na bukas kapag bumalik na ito, kakausapin niya si Apollo tungkol sa kalokohan nito. Hindi pwedeng ganito lamang ang gawin nito sa kanya, ayaw niyang basta na lang

