Parang nalulon niya ang kanyang dila sa sobrang bilis ng patakbo ng jet ski na kanilang sinasakyan, di na siya nagulat pa nang magsuka siya pagkababa nila. Naramdaman niya ang paghaplos ng lalaki sa kanyang likod. Halos lupaypay din siya sa dami ng isinuka niya, lahat yata ng kinain niya ng almusal ay naisuka na niya. "Here take this." Dinig niyang sabi ng lalaki, ang sarap nitong ibalibag sa sobrang inis na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Idagdag pa na tila nabaliktad ang kanyang sikmura, di man lang kasi ito nagbagal ng patakbo kahit na nang malapit na sila sa daungan. "s**t!" Mura niya nang maramdaman ang pagkahilo. "Are you okay?" Tanong pa ng hudyo sa kanya. "Mukha ba akong okay?" Mataray na tanong niya dito. "Tatanong lang naman yung tao e." Tila batang sabi nito

